Mayzie POV
[Other side of him.]
"Sorry for disturbing you, but this place is my territory." formal na wika niya. Tss! Nang-aasar ba siya o talagang mayabang talaga ang grupo nila? Muli akong humiga at tumingin sa langit, pakiramdam ko biglang nawala ang maaliwalas na atmosphere dito sa rooftop dahil sa taong ito.
"Kelan pa binenta nila Mr.and Mrs. Chandler ang isa sa bahagi ng skwelahan nila?" malamig kong tanong sa kanya. tss!
"Uhmmn! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin, hindi ko nga nabili ang lugar na ito pero dito ako madalas mag-punta. Ito ang madalas kong tambayan, parang ganon. So I consider this us my territory." mahinahon na wika niya, nag-tataka ako sa kilos at pananalita niya. Hindi ko alam kung dahil sa iba lang kasi ang kilos at pananalita ko kaya nasasabi ko na pati ang iba ay nag-bago gaya ko. Wala kasi akong bakas na makitang pagiging babaero niya, ang ngiting mapag-laro sa labi niya ay wala din. Ang pagiging-FC niya at mahilig na mag-pa-cute. Ibang-iba ngayon, formal at maayos ang pakiki-tungo.
"Tss! If that so.. I'll go. Sorry for trespassing on your territory, Mr. Smith." malamig kong wika, hindi na ako nag-aksaya pa na tumingin sa kanya. I know na nakatingin siya sa akin at nakikinig. Tumayo na ako at pinag-pagan ang damit ko, mabilis ko siyang tinalikuran at lumakad.
"Mayzie, wait.." napahinto ako ng tawagin niya ako. Ano na naman ba problema nitong lalaki na to? Nilingon ko siya at walang emosyong tinignan. Naka-upo at nakahalukip-kip ang mga kamay niya sa dib-dib. May ngiti sa labi pero hindi ito ung ngiti na nakikita ko sa tuwing sinusubukan niya kaming kausapin, ngiting maamo na kahit sino ay mapapatingin sa kanya dahil sa gwapo nitong mukha na kahit meron pang bahid ng pasa at sugat ay hindi ito nakaka-bawas.
"Kung wala kang ibang mapupuntahan ay pwede kang mag-stay dito." naka-ngiti nitong wika, napa-taas ang isa kong kilay sa sinabi niya. Kung sana ay sinabi niya yan ng una di sana ay hindi na ako tumayo, ang ganda-ganda ng higa ko. Hindi ko alam kung nang-aasar ang isang ito o nambwi-bwisit. Baka nga ako pa ang gantihan nito dahil sa natalo sila ni Jade. Tss!
"Thanks for the offering, Mr.Smith. Hindi ko gustong mag-stay sa isang lugar kong hindi na rin lang ako comfortable at ayoko rin ng may istorbo." walang gana kong wika, pero nagulat ako ng tumayo siya at lumapit sa akin. He extend his hand to me, na para bang makiki-pag-kamay. Tinignan ko lang ito ng may pag-tataka.
"What are you doing?" may pag-tataka kong wika.
"I want to introduce my self to you in formal way, I know na kilala muna ako dahil sa pag-sagap lang ng information pero gusto kong formal at maayos kong ipakilala ang sarili ko." he said with smile on his lips, I see on his eyes that he's serious. Pero para saan naman, hindi ko makuha ang point niya.
"And why do you need to do that?" hindi ko na nagawa pang itago ang ekpresyon ko, alam kong kitang-kita sa mukha ko na naguguluhan ako sa ginagawa niya.
"Para maging comfortable ka na kahit na nandito ako, saka wag ka mag-alala hindi ako nandito para mambwisit o mang-istorbo." paliwanag niya, naka-extend pa rin ang kamay niya at alam kong nangangawit na siya. "So paano, mayzie? I'm Elijah Smith, maybe that you know I'm the certified casanova of TSG but pwede bang ialis mo na lang 'yon sa isip mo para mas maging comfortable ka.." and he chuckle. "And I know its wierd because isa ako sa kaaway para sayo because of Jade pero maaari mo din 'yon ialis and beside tapos na rin naman ang alitan ng grupo ko sa kaibigan mo. Pwede mo rin ialis sa isipan mo yon." dugtong nito.
Napaisip naman ako, Kung aalis ako dito wala nga akong ibang pupuntahan at tatambayan. Ayoko naman pumasok dahil wala rin naman doon ang isip ko. Ayoko rin muna kasama sila Yuina dahil tatanungin at tatanungin din ako non. Hayss. So I have no choice kung hindi tanggapin ang offer niya, beside siya na rin naman ang nag-sabi na hindi niya ako iistorbohin. I extend my hand too and accept his offer.
BINABASA MO ANG
Miserable Life
Mystery / ThrillerIsang babaeng walang hinangad kung di mag higanti. Nabuhay ng puno ng galit at poot. Laging kaligtasan ng mga taong mahal niya ang iniisip. She's not scared to face death. And biggest goal is to kill the person who destroy her life. Kill only in her...