Jade POV
.
Maaga akong nagising dahil sa hindi rin ako nakatulog ng maayos ka'gabi. Piling ko hanggang ngayon ay lutang pa din ang utak ko at magulo. Hindi ko maiwasan hindi isipin ang nangyari kahapon. Bakit may mga tao akong hindi pa rin maalaala?
.
Tapos na akong maligo't magbihis. Kaya bumaba na ako para mag-almusal. Nadatnan ko sila ate at ang mga katulong na inaayos ang mga pag-kain sa mesa.
Kahit sa kabila na madami kaming katulong sa bahay na ito ay gusto pa din ni ate na tumutulong sa pag-handa ng almusal namin. Kahit na napaka-busy niyang tao ay hindi siya nakaka-limot na pag-silbihan kami, kahit sa ganitong paraan.
Minsan naiisip ko na mag-asawa na kaya si ate. Nasa tamang edad na siya at para may maging katuwang na din siya. Pero ung gusto kong mangyari ay mukang malabo dahil sa katayuan ng pamumuhay namin.
"Good Morning ate!*kiss on cheek*" bati ko sa kanya pag-kalapit ko. Dumating na din si best, na mukang kasunod ko lang rin.
"Hi! Morning Ate dianna.. Morning besty." masiglang bati nito na parang walang nangyari di maganda kahapon.
.
"Good Morning din sa inyo girls. Tara at kumain na tayo." naka-ngiti nitong aya.
.
"So kamusta ang school Jade?" tanong agad ni ate pag-kaupo namin. Nag-simula na din kaming kumain.
.
"Okay lang." tipid at walang gana kong sagot. Wala akong gana ngayon makipag-kwentuhan.
.
Dianna POV
Kilalang-kilala ko ang kapatid ko kung may problema siya o wala. Halata sa muka niya na merong gumugulo sa utak niya. Hindi ko alam kung ano iyon pero nag-aalala ako at gusto kong malaman iyon.
"Kung ano man iyang gumugulo sayo, pwede mong sabihin sa akin. I know you, please you can tell me." seryoso kong wika.
Bumuntong hininga siya bago tumingin sa akin. Ang ekpresyon ng muka niya ay parang nalilito at may pag-aalinlangan.
"I'm Okay. Hindi mo kailangan mag-alala sa akin. Don't mind me." walang gana niyang wika. Nabitawan ko ang kutsara't tinidor kong hawak. Hindi ko lang nagustuhan ang sinabi niya, alam kong ayaw niyang dagdagan ang mga iniisip ko sa trabaho, sa company, pero hindi niya pwedeng ialis sa akin na wag ko siyang intindihin. Kapatid ko siya, natural lang iyong nararamdaman ko. Nag-aalala ako.
"Hindi mo maalis sa akin ang hindi ka isipin. Kapatid kita at ate mo ako. Ako ang may obligasyon sayo kaya hindi mo pwedeng sabihin iyan." may diin kong wika. Nakita ko sa mata niya ang pagka-bigla, marahil hindi niya inaasahan ang aking sasabihin.
"I-Im sorry ate. That's not what I mean.. I mean, ayoko lang madagdagan ang iniisip mo. Hindi biro ang mag-patakbo ng mga negosyong naiwan nila dad at mom. I'm sorry.." Malumanay na wika niya. I just stared her. Nakikita ko sa mata niya na sincere siya, lagi niyang iniisip ang kapakanan namin kaysa sa sarili niya. I sigh..
"..Do you really want to know what's bothering on me?" she ask me I just nod. "Fine.. Hindi ko alam kong saan ko sisimulan, pero ang daming mga bagay sa akin ang gumugulo. Madaming katanungan na hindi ko alam ang sagot. Gaya ng.. B-bakit.. bakit may mga bagay akong hindi pa rin maalala? May nakaraan na hindi ko pa din matandaan? B-bakit? Pilit kong iniisip kung bakit hindi ko sila matandaan." Kitang-kita sa muka niya ang pagka-frustrate at naguguluhan.
BINABASA MO ANG
Miserable Life
Mystery / ThrillerIsang babaeng walang hinangad kung di mag higanti. Nabuhay ng puno ng galit at poot. Laging kaligtasan ng mga taong mahal niya ang iniisip. She's not scared to face death. And biggest goal is to kill the person who destroy her life. Kill only in her...