*Continues*
Di maka-galaw ang dalagang si zahra, para siyang nakakita ng multo. Ang tanging nakikita niya lang ay ang patalim na papalapit sa leeg niya. Gustuhin man niyang gumalaw ay hindi niya magawa, tanging mga sigawan ng studyante dahil sa takot na mangyayari, mga kaibigan na sinisigaw ang pangalan niya ang naririnig.
Pero bago pa makalapit ang patalim sa kanya naramdaman na lang niyang may humawak sa braso niya at hinila siya paatras, sa lakas ng pagkakahila sa kanya ay nawalan ito ng balance dahilan para mapaupo siya.
Nang matauhan ang dalaga sa nangyari ay nakita na lang niya ang sarili na nakaupo, at ang isang taong nasa harapan. Hawak ang kamay ng taong nakalaban, kamay na may hawak na patalim na dapat ay isasaksak sa kanya. Pero ang kapansin- pansin ay ang aura ng nasa harap. Madilm, nakakakilabot, puno ng galit ang bumabalot sa pagka-tao nito. Sinubukan ng dalagang tumayo, kahit na masakit ang katawan dahil sa pagkakabagsak.
Nagulat siya sa kanyang nakita.
Bakit?
Paano?
Siya?
Mga katanungan sa isip ng dalaga.
Bakit, ganto ang nakikita niya sa kaharap?
Paano niya nagawang maka-lapit ng ganong kabilis lang?
Si..
Si..
"J-jade?" tanging nasambit ng dalaga. Makikita mo ang gulat, takot, pag-tataka.. Halo-halo, dahil sa nakikita.
"Umatras ka muna zahra." madiin at maautoridad na wika ng dalaga. Ngunit halata sa tono ang nakaka-kilabot at napakalamig na tono nito.
Walang nagawa ang dalaga kung hindi ang umatras ng tatlong hakbang sa dalawang dalaga, kahit na ng hihina ang kanyang mga tuhod. Nananatili ito sa ganong posisyon, hawak ni Jade ang kamay ng leader ng gang na may patalim. Kita sa mukha nito ang takot, dahil sa hindi mapaniwala na napigilan siya ng ganon ka bilis.
'What the hell! Are she a human? How? She's more than a fast to that bitch. She's like a.. assassin? But, how..? This is can't be..'
Wika sa isipan ng leader ng gang. Hindi niya na magawang matago ang takot na nararamdaman. Ibang-iba ang pagka-tao ng dalaga sa nakikita niya. She's dangerous, na konting galaw mo lang ay pwede ka niyang patayin ng wala pang segundo. Nanginginig man ang tuhod niya pero pinanatili niyang nakatayo.
"Alam mo bang ito ang pinaka-ayaw ko?" kalmadong wika ng dalaga pero nasa tono ang pag-babanta. "I warn you! but, you disobey on my rules I gave.. For your punishment.." she paused, lumapit ng dalawang hakbang dito at pilit na nilapit ang patalim sa kanyang leeg.
"W-wh-what are y-you d-doing?" nauutal at takot na wika ng leader ng gang. Di niya magawang pigilan ang kamay ng dalagang nakahawak sa kanyang kamay. Pilit man niyang pigilan, ngunit napakalakas nito. Para bang kaya niyang baliin ang kanyang kamay.
"You deserve this. Ikaw ang pumili ng iyong kapalaran ngayon." she said with a full of power voice and coldly way. "I think you deserve a bloody but a brutal way.. Where do you want me to start?.." madiin na dinikit ng dalaga ang patalim sa leeg nito upang makalikha ng pag-tulo ng kanyang dugo. "Here?.. or.." nilapit ng dalaga ang patalim sa kanyang mukha, sa bahagi ng kanyang pisngi. "Here?.." at padiin na dinikit, nag-dugo din ito.. napapangiwi na lang ito sa sakit na nararamdaman. Gusto man niya kumilos pero natatakot siyang gumalaw.
'Ito na ba ang katapusan ko? Bakit? bakit sa tao pang ito ako nakaramdam ng ganto? Who are she? No!.. What kind of person are she?.. Ito ba ang ibig niyang sabihin sa sinabi ni trix? Are she really a heartless? But, kaya niya ba akong patayin sa harap ng mga taong ito?'
BINABASA MO ANG
Miserable Life
Mystery / ThrillerIsang babaeng walang hinangad kung di mag higanti. Nabuhay ng puno ng galit at poot. Laging kaligtasan ng mga taong mahal niya ang iniisip. She's not scared to face death. And biggest goal is to kill the person who destroy her life. Kill only in her...