Mayzie POV
Hindi ko alam kong dapat ba akong maka-ramdam ngayon ng inis. Dahil sa hindi ako pinapansin ni besty, kinulit ko na siya pero na nanatili pa rin siyang tahimik na parang walang naririnig. Hindi ko naman din kasalanan at ginustong mag-paiwan doon, bigla siyang umalis ng hindi man lang ako inaantay.
Hayss! Parang gusto ko na tuloy maiyak, dahil sa lungkot. Hindi ko masabi kong galit ba siya? Kung nag-tatampo ba siya? Kung naiinis siya? Pwede niyang sabihin para hindi ganto na para akong tanga, kakaisip. Ayoko mag-isip ng masama kay besty, pero sana hindi naman ganto. Uwaaaaaaahhhh.. Bakit? T____T
Nang nasa kalagitnaan kami ng klase, nang may kumalabit sa akin. Nilingon ko ito, Si zahra at nag-tatanong kong may problema ba? Marahil nahahalata niya ang panay pag-buntong hininga ko at malalim ang iniisip. Sinagot ko lang siya ng.. "Hindi ko alam." Malungkot kong sabi.
Dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang problema, kung ano ang dahilan. Matapos ang ilang subject namin ay lunch time na, pagka-alis ng teacher namin ay agad kaming nag-tayuan. Tamang-tama, aayain ko si besty na kumain kami sabay dahil mukang sasabay si zahra sa mga kaibigan niya. Dahil ilang week rin ata silang hindi nag-kita
Agad akong humarap kay besty ng may malaking ngiti para ayain na kumain kami.
"Besty! Tara sabay na tayong bumaba, sabay na ta-" besty cut me off.
"No need, mauna kana may dadaanan lang ako sa library." she said in a codly way, blanko ang expresion ng mukha at mga mata nito. Kahit na nabigla ako sa way ng pakikipag-usap niya ay na natili pa din akong naka-ngiti.
"Ganon ba? Di sasamahan na lan-" again, pinutol na naman niya ang sasabihin ko. Sana pinatatapos niya man lang akong mag-salita.
"No! I'll go by myself." madiin niyang wika, agad itong umalis ng hindi man lang inantay ang isasagot ko, ang malaking ngiti kanina sa akin labi ay bigla na lang nawala. T____T
Akala ko pa naman ay papayag siya dahil sasamahan ko naman siya kung ano man ang dadaanan niya sa library. Malungkot akong sumama kina Zahra. Napag-pasyahan ko sa kanila na lang sumama, tutal ay wala naman akong ibang pwedeng kasabay.
Tahimik akong nakasunod sa kanila, hindi ko magawang umimik dahil sa dismaya at lungkot na nararamdaman.. Bakit?.. bakit ba siya ganon..? Once ba na meron akong magawa na hindi niya gusto bigla na lang niya akong hindi papansini? hayss... (_ _") Para akong zombie kung mag-lakad patungo ng cafeteria...
Jade POV
Hindi naman talaga ako tutungo ng library, sinabi ko lang iyon para hindi maka-sabay kay mayzie. Hindi dahil sa sobra akong galit sa kanya or what. Gusto ko lang muna umiwas sa kanya, madami lang talagang gumugulo sa isip ko at ayoko muna ng may kausap.
Naiinis lang naman ako sa kanya dahil akala ko mas gusto niya kasama sila zahra and her friends. Pero tama naman si mayzie, iniwan ko nga naman siya kanina kaya tuloy nakaka-guilty dahil sa hindi ko pag-pansin sa kanya. Gusto ko lang muna mapag-isa dahil sa dami ng gumugulo sa isip ko at pati siya ay nadadamay.
Andito ako sa rooftop, dito ako tumungo pagka-alis ko kanina sa room. Dahil alam kong walang ibang tao ang pupunta dito. Nahiga ako sa sahig, pinag-masdan ang ganda't aliwalas ng panahon. Kulay asul na kalangitan at mapuputi nitong ulap.Kay gandang masdan nito, naalaala ko na naman sila.
"How are you there?..I hope you're happy. I really miss you.. I so damn miss you.. Mom..Dad.. Lagi kayong nasa isip ko, walang araw na hindi ko kayo inisip. Pero bakit ganon? bakit ganto?.."
"..Ilang years na ang nakalipas.. Malaki na nga po ako.. But still, I'm stuck in the past. I'm still living in the past, kahit anong gawin kong limutin ang bagay na gusto kong mawala at kalimutan ay sobrang linaw pa din nila sa isipan ko.."
BINABASA MO ANG
Miserable Life
Детектив / ТриллерIsang babaeng walang hinangad kung di mag higanti. Nabuhay ng puno ng galit at poot. Laging kaligtasan ng mga taong mahal niya ang iniisip. She's not scared to face death. And biggest goal is to kill the person who destroy her life. Kill only in her...