Chapter 21 Another Busted

111 3 0
                                    

Jade POV

Friday..

Halos sa nakalipas na araw ay tahimik at maayos. Walang kung anumang trouble ang nangyari, hindi na muling nasangkot pa ang grupo namin sa mga gangster na naka-bangga namin. Umaayon ang lahat, gayon hindi pa din nawawala ang mga bulungan at ang atensyon ng lahat sa amin ay wala na akong paki-alam sa kanila. Mapapagod at mag-sasawa din sila.

Pero may isang bagay pala ang hindi umaayon sa akin, iyon ay ang grupo nila Yuina. Simula kasi na napasama sila sa amin ni best ay laging maingay at magulo. Kung ang ibang studyante ay trouble ang dala sa amin, sila tawanan at asaran. Pfft! pero okay na din kahit papaano.

Papunta na kami ngayon ng cafeteria para mag-lunch..

Kung tutuusin sa mata ng mga studyante dito ay akala nila isa din kaming gangster, tss! Hindi nila alam ay iba kami sa kanila, we are simple in different way. Kung sila ay kabilang sa gangster, kami walang kinabibilangan. Sila hindi ordinaryong tao dito dahil sa kilala sila bilang gangster, kami simpleng tao pero may kakayahan na kagaya nila.

"What do you want, besty?" mayzie ask me.

"Anything, bahala ka na. Mag-hahanap ako ng mauupuan." walang gana kong sagot, Tumango lang siya bilang sagot.

Hanggang ngayon ay meron pa ring matang nakamasid sa amin, hindi ko alam kong anong kailangan niya pero hindi naman siya gumagawa ng anumang masama. Kaya kampante lang ako pero nakikiramdam din ako sa pwede niyang gawin.

Nakita ko ung mesang pag-aari daw ng mga nakaaway ni Zahra, bakante at walang umuupo. So doon ako umupo at inantay sila, simula kasi ng nangyari ang pagitan sa amin ng mga grupo ng girl gang na iyon ay hindi na sila umupo dito. At hindi na talaga nag-cross ang landas namin. Tss! bakit kaya? (-_-")

Para hindi din nakatengga lang itong mesa, kami na lang ang uupo. Hindi naman kami maarte.. (^___^) Nag-tataka ako kung bakit palapit ngayon si Aya dito imbes na sumama kina best para bumili ng makakain.

"Jade!" seryosong tawag niya sa akin, mukhang alam ko na kung ano ang sadya at sasabihin niya.

"Ikaw na ang bahala, be careful." tumango lang siya bilang sagot.

Nakita kong tumingin sa gawi namin si Yuina na may pag-tataka, pero hindi ko na lang pinansin iyon at tumingin sa ibang direksyon. Naramdaman kong nawala na ang presensya ng matang naka-tingin sa akin, maging si Aya. Nananatili pa ring nakapila sila Best dahil sa haba ng pila, kahit na kinakatakutan kami ay sumusunod pa din naman kami sa rules. Tumingin ako sa wrist-watch ko at mag-sasampong minuto na ang nakakalipas.

Nasa harap na ng counter sila best, at mukhang nakaka-halata na sila na wala sa paligid si aya. Kaya minabuti ko ng tumayo at sundan siya sa labas. Pero bago pa man ako maka-hakbang ay nakita ko na siya sa may pinto ng cafe, papasok na at papunta sa direction ko. Bumalik ako sa pagkaka-upo, at inantay siya.

Ano kaya ang nangyari?

"What took you so long?" bungad kong tanong agad, bakas pa rin sa mukha niya ang seryoso.

"Jade, i foll-" i cut her off.

"Let's talk that later, they're here. Act normal." Mabilis kong sabi.

"Aya, where did you go? Bakit parang seryoso ang atmosphere sa pagitan niyong dalawa? May problema ba?" bungad at sunod-sunod na tanong ni Alesia. But I ignored her at parang walang naririnig. I grab my food and start eating.

"Ha-Ha-ha.. Paranoid ka lang alesia, ano naman ang magiging problema?" pilit na tawa ni Aya, -______- . "Saka, kaya ako nawala ay nag-banyo lang ako. Sumakit kasi ang tyan ko, kailangan ko lang muna mag-bawas kaya natagalan ako." mahabang dugton nito at parang hindi man lang nahirapan mag-sabi ng kanyang paliwanag-- or let say-- palusot. Psh!

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon