Dylan POV
Matapos ang pangyayari kanina ay hindi na pumasok sila Jade, hindi ko alam kung anong dahilan pero mas okay na din yon. Lalo't na naiinis ako sa ginawa niya sa kapatid ko, at mas naiinis pa ako sa kapatid ko.
Nalaman ko ang dahilan kung bakit siya sumama, may kakaiba akong naramdaman ng sabihin niya iyon sa akin. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng pag-kainis at galit! Bakit nagkaka-ganto ako? asar!
Sa dami-dami ng pwede niyang magustuhan, bakit ang amazonang babae pa na 'yon? Hindi ko alam kung nasisiraan na ang kapatid ko o may pagka-tanga lang talaga. Si Jade? ang babaeng iyon? Bakit siya pa? Sa dami ng dahilan na pwede niyang sabihin, talagang ang walang kwenta pa na iyon ang maririnig ko sa kanya? Sa ganoon paraan niya ito nagustuhan? Tanga ba siya?
Arggggh! This is frustrating! Halos ipahamak niya ang buhay niya. Paano kong hindi ko agad nalaman? Paano kong hindi kami nagpunta sa cafetirya? Paano kong walang nag-sabi sa amin? Paano kong hindi agad ako nakarating? Paano kong hindi ko agad siya nahanap? Di pinag-lalamayan na namin siya? Di sana wala na siya dito? Nakaka-inis!
DARN!
Pero ang hindi ko maintindihan ay ang sinabi niya sa kapatid ko. Anong ibig niyang sabihin doon? Hindi ko makuha ang punto niya, pero isang bagay lang ang nakikita ko. Gusto niyang ilayo ito sa magulo, sa pahamak. Pag-aalala ang pwede kong masabi sa sinabi niya. Pero saan ? paano? Bakit?
Mahilig siyang mag bitiw ng mga salitang makahulugan na tanging siya lang ang nakaka-intindi. Para siyang isang puzzle na mahirap buo-in. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip, nakaka-baliw!
Ughhh!
Fvck!
Naalis lang ako sa malalim na pag-iisip ng may tumapik sa akin ng ikinabalik ng diwa ko.
"Okay ka lang?" seryosong tanong ni Austin. Tumango lang ako bilang sagot at hindi na nag-salita pa. Masyadong magulo ang isip ko.
"Naka-inom ba ng gamot ang kapatid mo? Hindi ko alam kung may sira sa ulo ang kapatid mo dude, pero alam niya bang muntik ng mapahamak ang buhay niya?" inis na wika ni shin na may pag-aalala sa tono.
"Sabi nga diba, Love is blind. Ngayon naniniwala na ako dyan, nakaka-bulag ang pag-ibig. Hahaha." tatawa-tawang komento ni Elijah.
"Kailan ka ba umibig? Tss! Tignan na lang natin kong hindi ka balikan ng karma sa lahat ng ginawa mo sa mga babaeng naging ka fling mo." Singhal ni Austin.
"That will never be happened, dude." mayabang na sagot niya. Sus! babaero talaga.
"Ewan ko sayo elijah. Ang baduy mo, tigilan mo nga yan mga sinasabi mong Love is blind. As far as I know, wala yan sa vocabularyo mo. Isa ka talagang certified casanova!" komento naman ni Shin.
"Tss!" elijah.
"Tama na yan! So paano bukas na ang laban natin, Dylan." awat ni hunter sa kanila at pagpapaalala niya sa sinabi ng babaeng iyon. Tss!
"Mag-handa kayo! Hindi siya ang taong pwedeng maliitin at pwedeng ika-kangpante natin." Seryoso kong untag sa kanila.
"So, what should we do?" seryosong tanong ni elijah.
"Let's go to arena, mag-hahanap tayo ng makakalaban. And they will be our trainning." sagot ko.
----
Jade POV
Sa daming nangyari, siguro ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat. *buntong-hininga* Ang batang iyon, kasalanan niya kung bakit ganto ako ngayon. Tss! Kaasar! Andito na kami sa mansyon, sa may HTR, hindi na namin nagawa pang pumasok. Nawalan na ako ng gana, pag-nalaman ito ni ate siguradong magagalit iyon sa akin. Anong magagawa ko? Nakaka-inis kasi ang ginawa ko kanina.
BINABASA MO ANG
Miserable Life
Mystery / ThrillerIsang babaeng walang hinangad kung di mag higanti. Nabuhay ng puno ng galit at poot. Laging kaligtasan ng mga taong mahal niya ang iniisip. She's not scared to face death. And biggest goal is to kill the person who destroy her life. Kill only in her...