Chapter 18 Payback Time

103 4 0
                                    

Jade POV

"Excuse, but that spot is for us. Back off!" mataray at maautoridad na wika nung babaeng mukhang leader kuno nila.

Hindi ako umimik, bumalik ang ekpresyon ko sa pagiging malamig at blangkong ekpresyon. Nag-patuloy ako sa pag-kain at parang bingi na walang naririnig, kita ko sa sulok ng paningin ko ang pag-taas ng kilay ni Yuina.

"Hindi ko alam na pinapangalanan na pala ang mesang ito sa inyo, na pag-aari ng skwelahang." walang ganang komento ni Alesia.

"Aya, maari bang paki-tignan mo nga kung may pangalan kang nakikita dyan? Maaari na palang angkinin ang isa sa mga kagamitan ng school na ito. " Yuina with her sarcastic way..

"Excuse me, Mukhang bago lang kayo dito at hindi kayo aware sa paligid niyo. Walang nag-tatangkang umupo sa upuang lagi naming ginagamit." mataray na sagot ni Girl 1 (Khaye) patango-tango naman ang mga alipores niya. Mukhang tanga.. -_____-

"Tss, Hindi ko alam na may tatanga pa pala sa tanga." seryosong wika ni Aya. "Di ba may naka-upo na? So, ano pang-sinasatsat mo dyan? Umalis na kayo, mag-hanap ng bago." kalmadong dugtong nito.

"Aba! Matalas ang mga dila nila, Khaye. Hindi nga ata nila tayo kilala." Girl 4 (apple)

"Teka, Khaye.. Diba siya ung lampang naka-bangga sayo." Girl 2 (lea) point zahra.

"Whoa! Di ko alam mabilis pala dumami ang kaibigan mo dito.. Opps! mukhang kasama ang Heartless na si Ms.Young." komento ni girl 3 (Trix). Heartless ah.?

Nag-angat ako ng ulo at malamig na tinapunan siya ng tingin, kita ko sa mga mata niya ang takot dahil sa napa-atras ito. Napangisi ako sa aking isipan, paano ko kaya ipapakita sa kanya ang sinasabi niya?

"Mag-dahan-dahan ka sa mga komento Miss, baka patulan ko iyan at ipakita sayo kung ano ba ang ibig sabihin ng sinasabi mo." malamig kong untag at diretsong tingin sa kanya. Pinag-patuloy ko ulit ang aking pag-kain.

"Tss, Hindi ko alam kong iyang pinakikita mo Ms.Young ay para takutin kami o para mag-karoon ng lakas itong mga kasama mo para sumagot sa amin." komento ng leader-lederan kuno nila.

Iniangat ko ang ulo ko at tinapunan siya ng malamig na tingin, nag-kibit-balikat ako bago sumagot.

"Why do I need to do that? Kung ako sayo, hindi ko sila mamaliitin. Iba magalit ang taong hindi gusto maka-rinig ng bagay na hindi kanais-nais sa kanilang pandinig." litanya ko.

"Tss, ganon ba? Kaya ba kahit ang lampang iyan (turo niya kay zahra) na dati mong tinulungan ay hindi ko na pwedeng maliitin dahil dyan sa sinasabi mo?" natatawang tanong nito.

"Yeah! Kung dati pina-lagpas niya iyon, baka ngayon hindi na." sagot ko.

"Haha, Lampa? Ako ba iyon? As far as I know, sa ating dalawa ikaw ang mukhang lampa.. So, kung ako sayo ay hindi ko mamaliitin ang isang tao base lang sa nakikita mo." makahulugang salita ni Zahra. Biglang nag-bago ang itsura ng leader kuno nila.

"I agree!" pag-sang-ayon ni Aya. "So, pwede na kayong lumayas." dugtong nito na with hand gesture pa, mas lalo silang nainis, na insulto.

Nakita kong susugurin nila dapat si Aya pero pabalang akong tumayo na ikinatigil nila. Tapos na akong kumain at medyo naumay ako dahil sa tanawing nakikita ko.

"Let's go! Ibigay niyo na sa kanila ang hinihingi nila at baka mag-lumpasay pa sila." malamig kong utos.

"Ha-ha..Iniinsulto mo ba talaga kami?" di mapaniwalang tanong niya. Tinapunan ko lang siya ng malamig na tingin at hindi umimik. So, hindi halata?

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon