Chapter 31 Cold Treatment

82 4 0
                                    

Third Person POV

"M-may-zie!" utal na sambit ng dalaga. Bakas sa mukha nito ang pagka-gulat at di mapaniwala. Hindi inaasahan ang pag-amin ng matalik niyang kaibigan. "But why did you do that?" gulat na wika nito.

"Why? She's your sister, she must have right to know what happened to you." malamig at walang emosyon sagot nito sa dalaga. Bakit pati ang kaibigan nito ay iba ang trato sa kanya? Bakit malamig ang pakiki-tungo nito? Naguguluhan siya sa ikinikilos nito.

"B-but hindi mo na dapat pa sinabi ito, Mayzie." naguguluhang wika nito. Ngunit hindi ito pinansin ng dalaga. Lumapit ito sa kama niya at may kinuha sa kanyang bulsa. Iniabot nito ang isang susi, malamig niya itong tinignan.

"I'm here just to give this to you.. Maaari ka na daw lumabas, ngunit hindi na kita masasabayan pa. Mauuna na ako sayo Jade. Bye." tumalikod na ito ng maibigay ang bagay na inaabot. Lumakad at tinungo ang pinto ngunit hindi pa man siya lumalabas ng pigilan siya ni Jade.

"Wait..Best." malambing na tinig nito. Ayaw niyang isipin na pati ito ay galit sa kanya. Kahit na ganon na ang ipinapakita nito sa kanya, maging sa pag-tawag sa kanya. Hindi niya inaasahan na tatawagin na lang siya nito sa pangalan at hindi sa lagi nitong tinatawag sa kanya, ang salitang besty.

Pilit na tumayo ito sa kanyang kama mula sa pagkaka-upo. Masakit man ang katawan, nanghihina man ay hindi niya ito ininda. Lumakad at lumapit sa kaibigan. Hirap man lumakad ay pilit na inabot ang braso ng kaibigan.

"What happened to you, Mayzie?" nag-tatakang wika nito. Nag-babadya na naman ang mga luha niya, nangingilid ito na anumang oras ay babagsak.

"Why are you treating me like this?"

"Are you mad?"

"Look, I'm sorry.. Please dont do this to me."

"Hey, Mayzie.. Answer me.."

"Please.. Best."

Sunod-sunod na wika nito sa kaibigan ngunit wala ni isa itong sinagot. Pilit ni Jade hinarap sa kanya ang dalaga, hindi pa rin nag-bago ang ekpresyon nito. Hindi mabasa kung ano ang iniisip niya ngayon. Blangko at malamig pa rin siyang tinignan. Hindi niya na napigilan ang kanyang mga luhang bumagsak. Pati rin ba siya?

"Why do you need to ask me that, Jade?" tanong ni mayzie. Pilit na tinatatagan ang sarili, pilit na tinatago ang nararamdaman sa dalaga. "This is what you want, right? Ang hindi na mag-alala pa ang mga taong nag-papahalaga sayo. Ang mga taong nasasaktan kapag nakikitang sobra kang nasasaktan. So now, Are you satisfied? Malinaw na ba sayo?" matigas at may diin sa bawat salitang sinasabi niya, pinanindigan nito ang malamig na tingin sa kaibigan.

Unti-unti niyang tinatanggal ang kamay ni Jade sa kanyang braso at tuluyan ng lumabas. Doon na nilabas ang totoong nararamdaman, bumagsak ang mga luhang pilit na tinatago sa blangkong ekpresyon. Nasasaktan siya sa ginagawa niya at pagtrato dito. Hindi niya ito gustong gawin pero ito lang ang paraan para malaman ni Jade na may mga taong nasasaktan sa tuwing ibubuwis nito ang sarili sa kapahamakan.

Nanlambot ang mga tuhod ni jade, dahan-dahan napa-upo. Kumirot ang kanyang puso, lumakas ang kanyang iyak. Tinakpan nito ang sariling bibig upang pigilan ang humagulgol. Naawa sila Yuina sa dalaga, ramdam nila ang sakit at bigat na nararamdaman nito.

"Leave me alone.. Please." mahinang wika nito, ngunit tama lang para marinig ng apat na dalaga. Maayos silang nag-paalam dito at iniwan ang dalaga. Gustuhin man nila itong samahan ay alam nilang mas mabuting mapag-isa muna ito.

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon