Chapter 27 Dylan vs Jade

83 4 0
                                    

Third Person POV

'Magsisimula na ang totoong laban.' wika ni Jade sa isipan.

Dahil alam niyang hindi magiging madali ang magiging laban niya sa lalaking ito. Lalo't na magiging malaki ang advantage na binata kaysa sa dalagang nakaka-ramdam na ng pagod. Kung ang mga kasamahan nito ay mga magagaling marahil ay hindi rin maitatangging mas magaling ang isang ito, gayun ito ang pinuno ng grupo nila.

Isa-isang binuhat nila zahra at alesia ang apat na lalaking walang malay upang itabi. Lumakad naman papalapit ang binatang natitira sa dalagang kanina pa niya binabato ng matalim at masamang tingin. Ngunit ginagantihan lang niya ito ng walang emosyon ngunit napaka-lamig na tingin.

Kitang-kita sa mukha ng binata ang inis, madilim ang aurang bumabalot dahil sa nangyari sa mga kasamahan nito. Kanina pa siya napapa-mura sa tuwing babagsak ang mga kasamahan, pilitin man lumaban pa ng mga ito ngunit nahahalata na niya na hindi na ito makaka-laban pa.

Mas lalo siyang nainis ng gawin ni Jade ang huli nitong pag-atake sa mga kasamahan niya, ang pag-hampas nito sa kanilang mga batok dahilan mawalan na ito ng malay. Ramdam ng mga kaibigan ni Jade ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Bago pa man sumugod o umatake ang binata ay nag-salita ito.

"Psh! You're good. I didn't expect that, but one thing I will sure; i'll beat you." may matapang at porsigidong wika ng binata sa dalaga ngunit hindi maalis dito ang masamang tingin na pinapako, may inis na tono.

"You should expect the unexpected." malamig na wika ng dalaga. Gumaganti lang ito ng walang emosyong pag-titig sa binata, sa kabila ng tingin nito sa kanya na para bang kanina pa siya pinapatay sa isipan niya. "Let's see who will be going to lose or who will be going to win." dugtong ng dalaga.

"Tss! Then, I make sure that you'll be the one who lose in this fight." agad na sagot nito sa dalaga. Napangisi naman si Jade sa kanyang isipan, matapang ito at masyadong sigurado na siya ang mananalo. "But before we continue this fight, Why don't we have a deal?" dugtong nito at ngumisi.

"Deal? Deal for what?" tanong ng dalaga sa binata. Hindi pa rin nag-babago ang ekpresyon nito, pero nagtataka naman siya sa kanyang isipan. Gayun pa man, hindi na lang niya pinahalata kahit na hindi maganda ang kutob niya sa iniisip nito.

"Deal for this fight, so we have an appetite?" sagot nito ng patanong, he smile evil before he continue what he saying. "If I beat you, you will answer all my question to you. You'll give all the information about to you." dugtong nito na nagpa-bago ng ekpresyon ng dalaga.

Maging ang mga kaibigan rin nito ay nagulat at hindi inaasahan ang sasabihin ng binata. Lalong lalo na ang matalik na kaibigan ng dalaga, namilog ang mga mata nito sa gulat. Lumakas ang kabog ng dibdib nito sa kaba, unti-unting lumalaki ang takot na nararamdaman na kanina lang ay nawala na. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, nabuhay ulit ang matinding takot at pag-aalala.

'Darn! What he think he doing? But, Kayanin kaya ni besty? Hindi siya pwedeng matalo, pero ayoko ng ituloy pa niya ito. What should i do?! Ughhh!' inis at may pag-aalalang wika ni Mayzie sa isipan. Nag-tatagis naman ang mga bagang ni Yuina sa sinabi ng binata, naiinis siya dito. Ganon din ang iba pa nitong mga kasamahan, napapa-mura na lang sila sa kanilang isipan.

Hindi nila alam kung anong pumasok sa isipan ng binata para sabihin iyon. Napapa-isip sila kung bakit ganto na lang ito kainteresado sa nakaraan niya, gayon wala naman silang kinalaman sa dalaga. Walang ugnayan ang namamagitan dito, o kung ano pa man. Pero kitang-kita sa mukha nito kung gaano siya kainteresado sa dalagang nagiging isang puzzle sa kanilang isipan.

Nag-bago ang kanina kalmado, malamig at walang emosyon na ekpresyon ng dalaga. Madilim ang bumabalot na aura, matalim ang tingin na pinako sa binata na para bang hinihiwa na niya ito sa kanyang paningin. She's now more dangerous and evil, ayaw niya ang ideya na naisip ng binata.

Miserable LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon