2.

250 10 0
                                    

Naglelecture si prof tungkol sa Earth and Life Science. Siya kasi yung first subject namin every Tuesday. After her lecture, I went to the cafeteria kasi recess namin. Bumili ako ng lunch kasabay si Danica Ferrer. Siya yung katabi ko sa classroom at naging bestfriend ko na rin siya pati si Liliane Reyes, yung pumalit sa seat ni Blaster- Speaking of him, hindi na ulit kami nagkita dito sa buong campus.

Almost 2 months na rin kasi nagiging busy na kami sa thesis kaya di ko na naalala na dapat pala magkikita kami every after ng class. So pagkatapos mismo ng klase, I decided na abangan yung dismissal niya sa prof niya. After 10 minutes nagsi-labasan na yung mga estudyante sa room na yun. At wala akong nakitang Blaster Silonga na lumabas. Sumilip ulit ako at sakto namang nandun sa pintuan yung class professor niya, si Sir Carpio. Iniisip ko na baka naman absent lang siya, so hindi na ako nagdalawang isip pa at dumeretso para magtanong.

"Uh- sir? Nasaan po si Silonga? Pumasok po ba siya?" sinarado niya yung pintuan ng classroom niya. "Si Blaster Mitchelle Medina Silonga ba?" Grabe ang haba ah? Wala akong idea na ganon pala yung full name niya. At ganda lang pakinggan tsaka parang pambabae kasi may Mitchelle eh hahaha. Basta yun na yun! Kaya nag-nod nalang ako kay sir. "Opo sir. Blaster Silonga nga po." Tumingin sakin si sir, "Kaano ano mo siya? Silonga ka rin ba?" Napatigil ako kasi marami talagang nag-aakala na kamag-anak ko daw ba siya ganon.

Tumawa ako na parang nahihiya na din, "Uh sir hindi po. Blaire Gabriel po ako. Hindi ko po kasi siya nakakausap eh, tsaka magkikita po dapat kami every after class pero nagiging busy na din po ako kaya pinuntahan ko po siya dito sa room niyo." Tumigil siya saglit sa paglolock ng room niya, "Naku! Sayang at hindi mo siya naabutan. Kanina lang siya umalis dito, mga lunch break sinundo siya ng dad niya." Umalis? Sinundo? Bakit? Saan naman siya pupunta? "Ah, ano daw po reason bakit siya sinundo sir?"

"Home school daw. Hindi kasi ako ang kumausap sa kanila iha, kaya hindi ko alam kung ano pa yung mga ibang information. Mabuti pa at umuwi ka na kasi baka gabihin ka sa pag-uwi mo. Ingat ka." Sa bagay, may point din naman si sir. Siguro nga di niya din masasagot mga tanong ko kasi di niya rin naman alam. Hindi ko na pinagpilitan yung sarili ko na alamin pa kasi kung home schooling siya, hindi ko rin naman malalaman kung saan ba dito sa Marikina City yung bahay nila. Mas mabuti pa nga sigurong umuwi nalang ako. "Uh- okay po sir salamat po."



Ever since that day, naisip ko na may mga tao talagang willing umalis kasi na ayaw nung mga tao saying na, 'Wag kang umalis, dito ka nalang.' Siguro nga totoo yung sinasabi nila na, "People come and go." Charot! Isang beses ko nga lang siya nakausap! Maski nga hindi ko rin siya close bakit ko dadramahan yon. Baka malay mo in the future magkita ulit kami nyahaha. I focused more sa studies ko and strive hard para naman magkaroon ulit ng bagong chapter yung SHS life ko.

♠ ♠ ♠ ♠

February 24, 2017.

Alam kong super aga pero masaya ako at alam kong magiging super enjoyable ang araw na to dahil fieldtrip namin ngayon! Yehey! Medyo ackward din kasi sa loob ng mahigit 4 months, dalawa na yung mga naging kaibigan ko. Si Liliane at Danica. They influenced me kung paano maging fan girl at masaya ako don dahil nakakasundo ko sila sa mga gusto kong gawin.

"Bus no. 4 tayo diba?"

"Baka naman pwedeng magrequest na magkakatabi tayo?"

Pagkapasok namin sa bus, hinanap namin yung seat number namin at nagpatuloy sa pagkukwentuhan. Super excited kami kasi pupunta kami sa Enchanted Kingdom! Nag-uusap na nga agad kami kung anong rides yung una naming pipilahan. Kung sa Ferris Wheel ba o yung Space Shuttle, Extreme Tower ba or maglalaro kami ng Paint ball. Maski mga kasama namin sa bus ganon din yung laman ng kanilang kwentuhan.

After 30 minutes nag-umpisa na yung tour at biyahe namin. Yung mga beshies ko, natulog na kaagad! Kakasabi lang nung tour guide na wag munang matulog kasi nga nagdidiscuss siya tungkol sa mga information nung pupuntahan namin. About sa yung SLEX daw is about 51 km long kesyo ganito ganyan. "Huy gising daw!" kalabit ko kina Danica at Liliane. Itong dalawang to, pinag gitnaan na nga ako ginawa pa nilang tulugan yung balikat ko on both sides! "Nasa EK na ba tayo?" tanong ni Danica. "Baliw, nasa high way pa lang tayo! Traffic pa nga eh hahahaha." sabi ko.

♫ Mga ilaw sa daan, nakikisabay sa liwanag ng buwan ♫

♫ Habang ako'y nakatingin sa kawalan, nang di mo pansin ♫

I started to stamp my feet nung narinig ko yung beat nung kanta. Parang familiar siya sakin, at narinig ko na rin siya nung 4th year high school ako. "Uy! Diba kanta ng IV OF SPADES yun?! Liliane!" edi nagising naman yung diwa nung isa. At ayon, nag-ingay na naman silang dalawa. "IV OF SPADES?" tanong ko sa kanila. "Oo, sila yung band na kakaumpisa lang nung 2014 tapos nagrelease sila nung kanta na yan last year lang 2016!" kilig kilig naman tong si Danica. "Oo girl! Super cute kaya nilang apat lalo na si Unique! Kyaaah!" sabay hampas sakin. Sa likot ng dalawang to, kulang nalang mayugyog ng sobra yung bus na sinasakyan namin eh.

"Unique? IV OF SPADES? Di ako makarelate bakit ganun?" sabay pout ko. "Okay lang yan! Basta try mong pakinggan mga musics nila nakakakilig! Nabalitaan ko nga rin na mag-rerelease ulit sila ng kanta this year tsaka sa 2018! OMG!" so, habang nagdadaldalan sila tuluyan ko na ngang sinaksak yung earphones sa tenga ko. Ang ingay nila grabe, pati yung ibang tulong nagigising sa kanila so sinubukan kong magkunwari na di ko sila kilala. Joke lang hahahahaha!

♫ Tuloy tuloy, sa pagtakbo ♫

♫ Biglaang hihinto sa dulo ♫

"Ano ka ba! Sasali nga daw si Blaster sa Guitar Hero sa GMA eh! Kasi si Zild sumali na nung January." napatigil ako sa pag-scroll ng music sa cellphone ko. Tinanggal ko yung earphone ko sa kanang tenga ko at nagsalita, "Wait- Blaster? As in Blaster Silonga?!" shookt kong pagkakasabi sa kanilang dalawa. "Oh, kilala mo naman pala sila eh hahaha!" sabi ni Liliane. "Mga bes! Alam niyo bang kaklase ko si Blaster Silonga nung Grade 11 ako?" nagtawanan naman yung dalawa. "Maniwala? You're just trolling para maiba yung topic eh hahahaha!" I seriously stared on them.

"Seryoso ako. ABM kasi yung course ko dati, kaso pinalipat siya ng room kasi 3 sections kami before. ABM ako dati diba nakwento ko sa inyo. Kaso nagbago yung isip ko so, I switched to HUMMS." Nanlaki yung mata nung dalawa sa gulat lalo na tong si Danica, deds na deds kay Blaster. "WTF WTF WTF!" Sabog ng kilig yung dalawa oh! "Pero totoo yun na sasali siya sa Guitar Hero?" tumango naman yung dalawa. "Yes legit yun! Nakita ko yung post nung Eat Bulaga, kasama siya dun sa mga finalist na nag-audition!"

Wow. Di ko ineexpect na musician din pala siya? Kung sana lang naging mas close ko siya noon at hindi siya pinalipat ng room, siguro magkasundo talaga kaming dalawa. "Tara panoorin natin siya! Kailan daw start ng air sa TV?" agad kong tanong. "Next week na daw girl, siguro keri naman yan kasi nga diba sa QC lang naman yung building ng GMA sa pagkakaalam ko. Try mo kayang i-search dyan sa laptop mo." sabay kuha naman ng laptop tong si Danica. "So, planado na yon next week ha?" sabi ko. I really wanna see, Blaster Silonga. Kasi marami akong tanong sa kanya like bakit siya nag-home school? Nakalimutan niya bang makita ulit ako or kausapin?

Naaalala pa kaya niya ako?

Naaalala pa kaya niya ako?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Get ready girls! Makikita na natin sila in personal waaaah!"

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon