2 days after that scene.
My relationship with Unique became so complicated. He is trying to fix it with me. He is very sincere and aggressive na maayos o mabigyan ng solusyon yung nagawa nila ni Blaster, but I don't know if there is still have a chance to bring back our old happy days. I am currently losing my hope. Slowly losing my happiness. All the trust that I gave to Unique for almost 2 years of our relationship, it all vanished. The feeling that I am deeply inlove with Unique, it feels more than amnesia. I feels so shit more than literally being killed.
Cafe. I saw him sitting on his favorite table inside. He loves sitting beside the window but sometimes he can't because of the paparazzis. All alone and as expected, he always believe that every piece of his time is gold. I sat in front of him. Trying to act like I am so strong. That I moved on from what happened but everytime I see him the more that I remember the way he kissed Blaster, blehh. "May- May pictorial ako para sa gig ko mamayang 6:30 pm. Sana makapunta ka tapos, pupunta tayo sa mall at babalikan natin yung jacket na gusto mo." hmm he sounds so calm and smooth. I just like his smooth side of that but it doesn't mean na magiging okay na ulit ako sa kanya duh!
Tinititigan niya lang ako. Back to normal. Back from the first day that he used to date me. Biruin mo siya yung nag aya pero ako pa nag entertain sa kanya para makapagsalita siya tsaka, para din mawala yung poker face niya na ginagawa niya ngayon. "Ayokong makipag entertain sayo. Kung wala ka naman sasabihing importante, sinasayang mo lang oras ko." nagtangka akong tumayo pero hinila niya ako pabalik kaya naman napaupo ako. "Nawa, mapatawad mo ako. Mapatawad mo si Blaster."
Iniiwasan kong makipag eye contact sa kanya pero sige. Pagbigyan nalang natin siya kaya tinignan ko siya, pero halata sa mga mata kong emotionless yung tingin na yon at naiinis ako sa kanya. "Nawa hayaan mo akong maihatid ka hanggang sa paroroonan mo." ngumiti siya nang matipid habang ako naman ay hinatak yung kamay kong hawak niya pa rin. Naglakad na ako palabas ngunit ramdam kong sinusundan niya ako. Hindi ko nalang siya pinansin.
Nang mapunta na kami sa may parking lot, inunahan ko na siyang buksan yung pinto at pumasok na ako. Nakatingin lang siya dahil madalas kasing siya yung nagbubukas para sakin pero ngayon? Si Blaster nalang pagbuksan niya ng pwet niya este-- pinto ng kotse niya. Ano ba yan kasi nakakainis. Nakaupo na ako at tahimik na nagcecellphone nang magbukas yung pintuan. "Teka, bakit sa likod ka? Diba dapat sa unahan?" kinunotan ko lang siya ng noo, "Bakit anong masama? Eh ayoko sa harap." Umiiling ako habang siya naman nagkakamot ng ulo niya.
"Gusto mo ba akong magmukhang personal driver mo?" I chuckled a bit. "Kaysa naman umupo ako sa harapan edi magmumukha naman akong shota mo?" inirapan ko lang siya at nag cross arms sabay numero kwatro na upo. "Bakit hindi ba kita shota?" medyo nagseryoso yung boses niya sa tanong niyang yan pero mas seseryosohin ko na rin yung tanong ko pabalik sa kanya. "Eh sino si Blaster sa buhay mo? Rebound?" Sinarado niya nalang yung pinto at pinaandar na yung makina ng kotse.
"Ayos lang kahit galit ka pa rin sakin, sa amin sa nangyari last last night sa bar." I rolled my eyes again at kinuha nalang yung earphones kong nagkabuhol buhol sa loob ng bag ko kaya kailangan pang ayusin. Hays ayoko na siyang kausap, kung di ko lang to naging kaano ano tinanggihan ko na talaga to sa paghatid sakin. "Alam mo ilang beses na to, paulit ulit ko nang tinanong at sinabi sayo kung bakit di mo agad sinabi nang maaga sakin. Kung bakit kailangan mo pa kaming ipagsabay eh pwede mo naman ako ibreak up muna bago ka maghanap nang iba para tanggap ko at kung bakit sa dinami dami ng tao bakit kapatid ko pa yung sinabay mo sakin? Dalawang Silonga, Unique Salonga." nag 'tsk tsk' ako umiling iling habang siya naman tahimik na nakikinig at nagdadrive. Yan ang gusto ko sa kanya eh, always willing makinig.
"At kung magiging paulit ulit nalang din naman yung usapan na to, pwes ibaba mo na ako para makasabay sa jeep. Mas mabango pa yung polusyon compared to your-- your face." Your gayshitness, I'm so sorry. Hindi na siya nagsalita pa kaya naman naghintay nalang ako na makauwi para naman makalabas na ako dito. Ayon, bumaba na ako at sinara yung pintuan. Binaba niya yung bintana niya, "Ingat ka. Sorry." Tinignan ko lang siya nginitian nang matipid. Hindi na ulit ako lumingon at dumeretso sa kwarto ko para ayusin mga gamit ko. Plano kong umalis dito at umuwi kung saan talaga ako nanggaling noon. Kung saan ako nag umpisa kasama sina Danica, Lianne-- at pati na rin si Charlene.
I think this is already my fate. Doon ko nalang siguro itutuloy yung career ko if magiging successful man. Kung hindi naman edi ititigil ko nalang at babalik ang lahat sa normal, na para bang wala akong nakilalang Blaster, Gelo IVoS at Unique. Naalala ko yung usapan namin ni Unique. Pupunta pa ba ako? 6:15 pm na pala at hindi namalayan ang oras dahil sa sobrang busy ko kakalinis ng apartment ko bago ko ito iiwan. Sayang pero sa susunod nalang, baka next year ata ulit bago ako makakabalik dito eh.
"Konting usog pa Unique. Gumitna ka, urong ka sa banda kaliwa."
"Yan?"
"Oo wag kang magalaw."
"Hanggang anong oras ka? Pupunta pa tayo sa mall diba?"
"Inaantok na ako. Aalis na ako. Mauna na ako, bye Unique."
I got my new car, last week lang. Ipon ipon para lang sa BMW na mini copper haha. Wala silang idea na aalis na talaga ako, even si Unique hindi niya napansin. Sina Danica at Lianne pa lang ang nakakaalam pero hindi pa nila alam ang nangyayari sa BlasNique ngayon hays. Umalis na ako habang si Unique ay nagstart nang magperform sa loob, eh kaya na niya sarili niya kaya okay lang yan. Tumigil muna ako sa may bus stop para kumain mag isa nang may tumabi sakin at kinalabit ako.
"Blaire?"
"U-uy! Ate Crystal?!"
I hugged her whole heartedly just like my real sister. "Kamusta ka? Anong pinunta mo dito?" panimula niya. "Ah ayos lang po, napadaan lang ako kasi nagutom na ako eh." at nag-order ako ng Kerimoto na nasa stall lang. Umupo kami sa may mataas na upuan don at nagkukwentuhan. "Bakit? Saan ka pupunta?" inabot na nung tindera yung kerimoto ko at tumingin kay ate Crys, "Aalis. Babalik na sa Laguna." napansin kong napatigil si ate Crystal sa paghigop niya ng juice habang ako sumubo pa ng fries, "What?! Bakit ka pa babalik eh maganda naman career mo dito?" I chuckled a bit, "I don't like what's going on here anymore." Ate Crystal just nodded at maya maya ay nagtanong ulit siya sakin.
"H-Have you-- have you heard about Blaster and Unique's comeback relationship?" Iniiwasan kong makipag eye contact kay ate Crystal dahil ayoko nang umiyak. Ini-stay ko lang yung mga mata ko sa fries habang kinukulikot ko yung straw; which is my mannerism haha. "Sorry." agad naman akong sumagot sa kanya, "No ate Crys. Hindi naman po ako naooffend ng sobra pero, opo alam ko na po yun. Hinayaan ko nalang siya sa desisyon niya." I slowly smid pero si ate Crys nanatiling kalmado at nginitan pa rin ako. She pats my back at kinukwentuhan pa ako ng mga masasaya niyang moments nung high school pa daw siya, hanggang sa dumaan kami sa point na--
"Blaire. I will ask you this question, straight to the point."
"Haha yeah sure ate Crys!"
"Can we talk about Blaster and I, you and Unique's relationship?"
Maraming tanong ang biglang sumagi sa isipan ko. Naalala kong hindi lang pala ako; dahil kung gaano ako nasaktan edi mas lalo naman si ate Crystal. What I mean is, am I not the only one who suffered a lot from Unique's cheating?
BINABASA MO ANG
What have you done, my Disco?
Fanfictie"Biktima nila tayong dalawa, Blaire. Biktima ng secret relationship nila." -COMPLETED- 3/24/2020 (5:38 pm)