27.

85 5 2
                                    

3 years na ang nakakalipas.

3 years na mula nang umalis ako doon. 3 years na mula nang hindi na ulit kami nag usap ni Blaster. 3 years na nga at tuluyan na akong nawalan ng connection sa IVOS; except Gelo. I know he's still updating and reporting if ever na nag uusap kaming dalawa via direct messages lang sa Twitter or Instagram. Mas mabuti na rin na huwag na muna ulit ako makipag usap sa isa sa IVOS. Nakakamiss man pero choice ko to eh. Ano pa nga bang babalikan ko don? Sure naman akong wala na.

"Ah ganon ba? So bukas mo na irerelease yung Midnight Sky mo?"

"Mm hmm. Sinta?"

"Ah bakit?"

"2 years na tayo. Treat kita mamaya."

Tatlong taon na rin kaming hindi nagkakausap ni Gelo. Mula nung umalis ako, nagkikita naman kami pero hindi na ganon kadalas. Hindi na rin kami naging magkasundo, masaya. Dahilan para maghiwalay nalang kami at umiwas na rin mag-usap. So back to reality na tayo, I just finished my own photo editing. I also started my solo career then ended up as a solo artist and Unique's gig photographer at the same time. Ayokong maistorbo si Unique sa career niya kasi he is making his name, tsaka he is well-focused and serious sa mga trabaho niya. He is under OC Records while me, under naman ako ng Warner before. Yes. Same kami ng IVOS pero di rin nagtagal lumipat ako sa Viva, para naman privacy din from both sides.

1 year na nanligaw si Unique sakin. It may seem so awkward pero-- sinagot ko siya while we were watching fireworks display nung New Year. Yun na yata yung pinaka romantic scene na nakita ko kasama ang pinakaminamahal ko, shempre maski naman ikaw na nagbabasa nito ay kikiligin at gugustuhin na mangyari sayo yon diba?

Nag date kaming dalawa haha. Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa kanya kahit na 2 years na kami. Grabe hindi ako magsasawang ngumiti lalo na kapag siya lagi yung kasama ko. Iba yung nararamdaman ko kay Unique. It feels so good na nawala yung pagiging cold at masungit niya sakin hahaha. "Anong drinks? Pineapple juice?" tanong niya sakin habang nasa pila kami. "Exactly haha." kilalang kilala na rin niya ako dahil halos araw araw kaming magkasama.

He is a type of a guy na, masungit ang first impression mo at awkward siyang kasama pero pag tumagal na? Super kulit niyang kabonding. Tawa lang siya ng tawa kapag may something na nakakakuha ng atensyon niya, at yung nakakatawa naman talaga. He loves reading novel books. Mga tagalog kaya malalim siyang magtagalog dahil sa mga nababasa niya is naaadapt niya yon. I am waiting on him habang nasa upuan and then I checked my cellphone; so-- yeah 10:05 pm na.

"So anong oras mo ba kasi balak irelease yung first solo mo? Pa suspense ka pa eh." natatawa kong tanong sa kanya habang pinagmamasdan siya. Grabe talaga ang bilis humaba ng buhok niya hahaha. "Basta. Mamaya hahaha." Kumain na muna kami, nagugutom na kasi talaga ako haha. "Kamusta mga gigs mo?" tanong niya sakin habang humihigop siya ng Mc Cafe. Oo nasa Mcdo kami ngayon. Mahilig siya sa kape tapos ako naman sa juice. "Hmm ayos lang naman." I paused for a minute at tumuloy din sa pagsasalita. "Medyo mahirap din pala kasi magkasabay pero kaya ko naman eh." Hinawakan niya yung kamay ko, "Nahuhumaling ka naman eh. Siya nga pala, regalo ko sayo." at inabot niya sakin ang isang malaking box. Hindi naman siya super laki wag oa haha.

"D-DSLR?!" gulat at masaya kong pagkakasabi. Ngumiti siya nang malaki. Yung nakangisi siya at makikita mo yung hati ng baba niya sa ngiti niyang iyon. He's so damn hot when smiling gosh. "Alam kong mayroon kang instax ngunit sa kadahilanan na makabawas ka sa pagbili lagi ng film, ayan ang mabuting solusyon para sa mga taga-retratong tulad mo." oo aaminin ko kinilig ako sa sinabi niya. Ayos naman yung DSLR, parehas ang design nung binili sakin ni Blaster before. Kamusta na kaya sila? Wala naalala ko lang. "Thank you, Sinta." ngiti ko sa kanya at nginitian niya ako pabalik, "Laham kita."

"Laham din kita, Unique."

On the way na kami pauwi. Siya yung nagdadrive sa kotseng niregalo sa kanya ni tita Coco. Ang sweet nilang mag nanay kapag magkasama sila. Sana kami rin nila mommy pero sadyang mahirap magkipagdeal sa ganun kasi-- nasanay akong mag isa. Nasanay ako kay mama tsaka malaki na ako nang malaman ko. Nakakapanibago lang talaga. "Balita ko umalis ka daw sa Warner? Anong rason?" at tinigil niya ang kotse kasi traffic. "Wala. Parang ang awkward kasama ng mga tao don eh." at nagkibit balikat ako habang sinasabi yon. "Do you still communicate with the boys?" napatingin ako sa kanya at nagkatitigan kami pero saglit lang. Bumalik ang tingin ko sa may bintana habang umiiling. "Hindi ka pa ba handa na makita sila ulit? Lalo na yung kapatid mo?"

Napaisip tuloy ako kung bakit niya ako tinatanong? Is he willing to meet up with them one day?

"May contact pa rin naman ako kay Badjao, but they seem too busy kaya hindi nakakapag reply sakin."

"Hmm. How about Gelo?"

"Are you still mad at him? It's been a long time, Nikkoi."

"No I'm not. Sorry for my voice."

Nag stay ako sa apartment niya. Yep, we are living partners. Matagal na kaming nagsasama sa iisang bahay at kwarto kaya kilalang kilala na niya ako. Pumunta muna ako sa cr para umihi. Pagbalik ko nakita ko siyang nagbabasa ng text siguro sa cellphone niya at nagulat ako kasi parang nagmamadali siyang pumunta sa may mini studio niya sa taas. Anong meron? Anong nangyari? "Koi? What's with the text?" tapos sinundan ko siya paakyat sa taas hindi pa niya ako kinakausap o nililingon.

"They already released it. Their new music, In My Prison." tsaka siya lumingon sakin nang makaupo na siya doon at hawak ang gitara niyang nakaconnect sa amplifier niya. "Oh ano naman if they already released? What's your plan?" at binuksan na niya yung amplifier niya. Now I know it so, bumaba ako para kunin yung DSLR ko. Alam ko man yung plano ni Unique o hindi, naiintindihan ko siya. Hindi niya naman siguro gustong tapatan ang IV of Spades na dati niyang banda pero matalino si Unique. Matalinong tao si Unique para sa mga ganitong bagay at magaling rin siya sa decision making kaya makakaasa ang kahit sino sa kanya. I started calling out sir Kean na manager niya and then went upstairs. Nagrerecord na sila ng Midnight Sky niya. I am excited and a bit nervous din sa kakalabasan pero, ramdam kong magiging successful si Unique making his own name.

Wishing that I'll be

The man that you'll touch and see

I gave my love that can't explain

We will be running in the rain

And I will hold your he hey hand

We created started his music video and then mas artistic nga kasi for Unique ang black and white na filter. Maganda yung naging kinalabasan. Dinasalan muna namin yung music video bago namin ito tuluyang i-publish sa YouTube. Next? Nagkagulo na ang mga fans kung bakit daw sabay ang IVoS and Unique sa pag publish today; July 12, 2018. Ang dami na namang theories at pinapipiyestahan na naman nila yung privacy of both sides. Nagulat din si Unique kasi naging usap usapan agad yung music video niya. He got his cellphone and then tweeted on his Twitter saying, "Keep quiet." Ayaw kasi ni Unique yung ganito, yung kinokonekta siya sa IVOS pero hinahayaan niya nalang pag di mapigilan. "Congrats and good luck." saad ni sir Kean at umalis na.

"Salamat po. Salamat din sayo, Sinta."

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon