If you are a real friend, you will notice if there's something wrong from his/her moves or decisions.
I called up Badjao to check out our new sound systems here in the house. Me and Shanne bought it last 3 days. Medyo rush ang pagbili dahil wala sa plano but who knows we made it that fast? "Oy! Ayos ah?" Badjao tapped my shoulders as usual gawain niya sakin yun, kay Blaster naman kung hindi tap binabatukan niya. "Wanna try it? Rehearsal tayo?" He gave me a thumbs up saying, "Sure! 6:30 pm sa 12 Monkeys mamaya diba? Tawagan ko na si Blaster?" I looked fast when he mentioned Blaster's name. "Uh ako nalang muna kakausap sa kanya."
Badjao shrugged and then he went on our studio dito lang din naman sa bahay, bitbit niya yung sound system paloob don. I tried calling Blaster first on his Messenger muna. After a minute I decided to call him directly through his number. At the third ring he asked me, "Hmm yes?" in a very lame or lazy voice. "Rehearsals? Nandito na si Badjao. Na-excite sa bago nating mga sound system. "15 minutes nandyan na ako." The call ended and I saw that almost 5 minutes lang pala kami nakapag usap? Usually kasi pinaka mabilis naming usapan is 10 to 12 minutes. Wala nanibago lang ako.
Ang laki ng pinagbago ni Blaster sa lahat. Sa pakikipag usap samin, madalang nalang siya mag online sa social media accounts niya, matino na siya hindi na siya lutang and mostly sa fans nagiging emotionless siya. Laging nakapoker face. "W-Woah Blaster. Calm down, masyadong bumibilis yung tempo sa guitar solo mo haha." I am just sad sa naging reaction niya pagkatapos ni Badjao magsalita. Lumabas lang siya at hindi nagpaalam kung pupunta ba siya sa cr o makikikuha ng pagkain sa ref namin.
Once in a blue moon nalang siya magjoke samin. Super iba na talaga siya ngayon. Sumilip silip muna ako sa may labas bago ko tuluyang sinara yung pinto ng studio which is sound proof, kaya kahit magdaldalan kami ni Badjao dito hindi maririnig ni Blaster. Dahan dahan ko munang nilapag yung bass guitar ko sa may stand habang si Badjao naman umiinom ng tubig.
"Psst! About him."
"Yes. I keep on observing him."
I nodded and agreed on Badjao's instinct and I also like his sense of observation. Very peculiar. "I heard it was connected to Unique kaya siya nagkakaganyan." Sumalampak naman ako sa may bean bag. I also love Badj's sense of hearing hahahaha! "Hindi na ba kayo nakakapag usap ni Blaire?" Yes dahil close sila sa isa't isa, medyo nagiging updater na rin namin siya minsan like Gelo lalo na pagdating sa BlasNique haha. Gelo is on his way home. Galing siya sa Dubai namasyal kahit na kakagaling lang sa sakit nun. Kasama niya sina ate Shaira sa pagtatravel.
"Why can't you tell and ask Ter about it?"
"Because-- I see that he's very hurt."
"Do you think BlasNique can work their relationship more?"
"Zild mahirap ipagpatuloy yung ganyang klase ng relasyon dahil bukod sa boy to boy sila, marami pang pumipigil sa kanila. Fans pa nga lang gigil na lahat. Eh paano pa kaya mga magulang both sides lalo na kag Blaster. Yari yun kay Daddy A."
I slowly nodded his head agreeing on what he said. Hindi pa rin nagsisink in yung iba pero karamihan sa mga sinabi niya is may sense and is very accurate. Pumasok na si Blaster at buti nalang hindi na ako dumugtong sa mga pinag kukwentuhan namin. Kinuha niya yung gitara niya sabay sabit ng strap nito sa balikat niya. Mag uumpisa na ulit sana kami but I can't handle myself anymore. "Blaster, can I ask if you're alright? 'Cause you're acting weird these past weeks. Is this about Unique?"
He remained silent. Hindi na ulit siya nagsalita after nung tinanong ko sa kanya hanggang sa umabot kami sa venue ng gig namin, 12 Monkeys. Nakapag perform na yung Ben&Ben tsaka Bita and the Botflies. Nandun din ang banda na Parokya ni Edgar, hanggang sa tinawag na kami para magperform. Nagpalakpakan naman agad ang mga tao pagtawag nung emcee sa band name namin na IV OF SPADES.
« A/N: Please play Mundo while reading, thanks!»
Okay so, Ter's guitar solo seems so smooth as usual pero alam kong hindi lang ako ang nagulat dahil maski yung mga audience nagulat din dahil sa nakikita nila. Napaka calm lang ni Ter, hindi man lang siya masyadong nagheheadbang like us. Nagkatinginan nalang kami ni Badjao. I feel sorry for the fans dahil nagmumukhang cold at ackward tuloy yung atmosphere namin sa stage.
♠️♠️♠️♠️
*blag!*
"Okay na ba? Naipasok na ba lahat nang mga gamit?"
"Ah opo, salamat po."
Nauna na si Daddy A umalis samin kanina dahil sa may dadaanan pa daw siya sa may Marikina. Sinasabay niya si Badjao pero mas pinili niyang magpa iwan kasama naming dalawa ni Ter na nakasakay na sa mini van namin. "Sino nakatoka magdrive ngayooooon?" nagkatinginan si Badjao at Zild na nasa may driver's seat nung pagbukas ko ng pinto. "Zild." sagot ni Blaster as he chuckled. Lumipat nalang si Badjao sa may shotgun seat kaya no choice ako! Pinaandar ko na yung kotse and as usual, lagi naman kaming naiipit sa traffic kaya stucked kami.
"Oh, nagtext na si Daddy A. Nakauwi na daw siya hahaha." saad ni Badjao sa tabi ko. "Patingin?" agad namang pinakita ni Badjao yung text sa phone niya. Buti pa siya nakauwi na. "Hoy Ter! Busy na busy sa Twitter puro new posts mo nakikita ko ah?" tanong ko nang makita yung puro posts niya kasi iniscroll down ko yung phone ni Badjao. "Ano ba Zild!! Akin na nga yang phone ko!!!" sabay hablot niya ng phone niya sa kamay ko. "Sus katext mo lang Aimee mo eh!!" at nakatikim na nga ako nang hampas kay Badjao. Ang sakit ah? Tahimik pa rin si Blaster sa likod. Kaya naman gumawa na ako ng paraan para mapansin niya kami ni Badjao.
*EENGGKKK!!!! BEEEEEEEEPPPP!!"
"AY-- PUTANGINA!"
"Anong tunog yung nauna?"
"Malay ko-- oh! Buti naman at napapansin mo na kami?"
"Blasteeeeeeerrr!!!!!"
Hindi ko din alam anong tunog yung nagawa nung busina namin hahahaha. Naghahagalpakan na kami ng tawa ni Badjao nang hampasin kami ni Blaster ng mga unan na nasa likuran. "Aww, atleast nagiging masaya ka na ulit Mr. Lutang?" Blaster smiled so sweetly sa aming dalawa at masarap sa feeling yung nakikita mong masaya ulit ang kaibigan mo. "Uh Zild, Badjao. The real reason kung bakit ako natatahimik dahil may pinaplano ako." napataas naman ang kilay ko nang magsalita ulit siya.
"I wanna tell the people and the whole world how much I love Unique."
BINABASA MO ANG
What have you done, my Disco?
Fanfiction"Biktima nila tayong dalawa, Blaire. Biktima ng secret relationship nila." -COMPLETED- 3/24/2020 (5:38 pm)