I started to be with Unique's gigs again. Maraming medias na pumapalibot sa amin. All I can say is, "Wala na po kaming relationship ni Unique Salonga. I am just her gig photographer from now on, just how it all started." Walk out at dedma kahit na sadyang makukulit talaga yung iba at kating kati makakuha lang ng informations.
Nakita ko si Unique na nakatayo sa may pintuan ng kotse niya. Naka black na hoodie at tila ba nakasandal lang at pachill chill. "Ah sorry medyo nalate ako ngayon. Ang dami kasing mga paparazzi sa loob kaya natagalan ako." First time ko lang malate sa ganitong usapan nang dahil sa mga buwiset na medias. "Hmm, nakikita ko nga." Tumango siya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse niya. Umupo ako at pumasok na din siya. "Buti nga walang masyadong lumalapit sayo eh. Di ka ata nila nakikilala masyado sa suot mo." Nag iba yung expression ng mukha niya, parang nagulat siya at medyo napa-cringe.
"Anong wala! Ang dami nga at ang tatalas ng paningin nila patungo sakin haha." ayan na naman siya at lalim niyang manalita, pero kapag nagagalit siya hindi naman siya ganyan magsalita. Ewan ko ba dyan haha. "Teka--- ikaw magdadrive? Nasaan personal driver mo?" umupo siya sa driver's seat at pinaandar na yung makina. "Kinasanayan naman natin to noon pa man diba?" tumawa lang ako ng matipid at nagbiyahe na nga kami. Napadaan kami sa may high way hanggang sa apartment at sa bahay namin nila Blaster. Nakakagulat lang at hindi man lang siya lumingon o bumaba sa kotse niya for Ter.
"Nakakailang paramdam na oh? Hindi mo pa rin ba siya pupuntahan?"
"Bakit ikaw? Gusto mo na bang makita mga magulang mo sa loob nyan?"
"H--Hindi."
"Yan ang sagot ko."
Hindi pa ako ready na makita sina mommy ulit. Hindi ko rin nga alam o naitatanong kay Blaster if galit ba sila sakin or hindi, sana hindi.
At ilang buwan pa nga ang lumipas, hindi na muling nagkita sina Blaster at Unique. Kahit chat, call or text wala talaga. Kahit na ako na mismo yung nag vovolunteer para maging bridge nilang dalawa, as in wala dahil witness ako don. Nagiging okay naman ulit yung relasyon namin ni Unique pero napag usapan na namin lahat ng limitasyon namin. Bestfriends. Oo, hanggang dun nalang talaga kami.
Wala nang iba pang issue ang kumakalat at lumalabas about sa BlasNique keme nila. Hays, hirap talaga kapag pumapasok sa ganitong showbiz or music industry. Bantay sarado ka dahil maski personal mong buhay alam na alam nila. Ramdam ko din naman na nahihirapan din si Unique sa sitwasyon niya lalo na't hindi na sila nagkikita nung kapatid ko. Maski ako? Hindi ko din alam yung reason kung bakit hindi nangungulit si Blaster sa ngayon. Alam ko din naman na ginagawa lang to ni Unique para makaiwas sa issues, tulad ngayon na tahimik at walang ibang pinag uusapan yung mga tao.
Kahit din naman ako naiirita na sa ganon. "Kumain na muna tayo pagkatapos nito." sumang ayon ako sa sinabi ni Unique dahil maski ako nagugutom na rin talaga. Kanina pa kami nagtatrabaho eh. Inayos ko yung buhok niya at yung salamin niya tapos kinuhaan siya ng picture nung mga co-photographers ko. Mga kaibigan din naman sila ni Unique pero hindi ganoon ka-close dahil alam niyo naman!
Talong ang gusto niya eh!
♠️♠️♠️♠️
"Uh-- Nikkoi?"
"Huh?"
Napatingin din si Unique sa direksyon kung saan nakalingon yung leeg ko. Smells like there's going to be a war. Bumalik ako ng tingin kay Unique at nakita kong unti unti nang namumuo yung mga luha sa gilid ng mga mata niya pero nahahalata kong pinipigilan niya lang iyon. Nakita ko kung paano siya yumuko nang dahan dahan sa sobrang sakit na nakikita niya, hinampas niya nang mahina yung mesa namin at kinumos ang kanyang palad. Tila ba galit sa kung ano man ang nakikita niya ngayon.
"B--Bakit. Bakit Crystal at Blaster?! Pinag usapan na natin to. Siguro nga-- siguro nga mali din ako na iniwasan ko siya, but I did that for the sake of our relationship. Akala ko ba maiintindihan ako ni Ter? Ano na bang ginagawa nila ngayon? Ano nang nangyayari sa Blaster Mitchelle na nakilala ko?!"
Halata sa boses ni Unique na nagtitimpi na siya at halos konti nalang ay tatayo na siya para lapitan at pigilan yung dalawa, pero shempre ayaw ni Unique ng mga issue or scandal just like me. Mukhang masayang magkasama ang CrysTer na dati pa nilang shipname nung hindi pa alam ng mga tao ang tungkol sa BlasNique. Hinawakan ko nalang yung kamay ni Unique as a sign of comforting him pero nagulat ako nang mag-interwine yung mga kamay namin.
"Blaire. Please act like you are my girlfriend again. I know we've talked about these things before, it won't happen again but-- I don't know what's going on and running on Blaster's mind right now. Maybe his ADHD hits him again, so I am expecting you to deny but--"
"Are we going to pretend only?"
"Yes. Nais ko lang na matauhan nang husto si Blaster. That he needs me, not that Crystal bitch."
"Unique Salonga, you are acting so desperate right now. Calm down, hindi pa natin alam ang tunay na nangyayari ngayon but-- I will help you. I will help you but promise me, you guys will talk about this personally."
Nanahimik siya bigla. Gusto ko siyang tulungan. Alam kong mali itong paraan na pinaplano namin dahil hello?! Kapatid ko yon at bakit ako magpapagamit kay Unique? Simple lang! Para daw marealize ni Blaster that he needs Unique not Crystal daw. Okay! Wait! Mali talaga ito pero siguro ito yung magiging way para tumigil na yung mga usap usapan then why not?
"Walang mafafall. Deal?"
Mahirap na deal yan Salonga.
"Deal."
Lumabas kami ng restaurant nang magkaholding hands. Parang dati lang namin na gawain tapos binitawan na niya ako nang pumasok ako sa cr. Namumula kami sa sobrang awkward at hiya pero kailangan, sa ngayon. Okay dating gawi ikot ikot para tumingin ng mga damit or any fashions na mapagkakasunduan namin. Masarap sa feeling pero alam kong hindi naman ito magtatagal at dahil na rin yun sa nakamove-on na ako sa lalaking to noon pa.
After a week, nakikita ko na sa mga Twitter posts ni Blaster that he is proud of his girlfriend daw at kung ano ano pang stuffs like photos that they are dating. Naguguluhan ang mga tao, halata naman pero alam kong mas gulantang ang mga tao dahil nalaman din nilang in a relationshit kami ni Unique right now kahit na hindi naman lols. Nagkakagulo na naman ang mga tao at mga paparazzi. Bahala sila dyan, walang magpapainterview sa inyo. Kahit sino sa aming dalawa wala at manigas kayo dyan kakahintay sa exit ng mall kahit na sa may parking grounds kami lumabas at nag-segway kasama yung kotse namin ni Salonga hahaha!
"I'm sorry Blaire. Please hold on."
"Yes, I am willing to conquer this plan Unique. I will do my very best."
Please forgive us, my young brother.
BINABASA MO ANG
What have you done, my Disco?
Fanfiction"Biktima nila tayong dalawa, Blaire. Biktima ng secret relationship nila." -COMPLETED- 3/24/2020 (5:38 pm)