30.

76 3 2
                                    

Unique and I went for a shopping. Gumala muna kami kasi galing din kami sa may Bon Chon. Kumain muna kami bago gumala. All I can say is-- super saya ko kay Unique ngayon. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako naging masaya kay Gelo before, pero iba kasi talaga yung feeling ko kay Unik. Hulog na hulog ako sa kanya, do you get it? I am so deeply inlove with him.

"Blaire. Tignan mo ang ganda nung jacket." lumapit agad ako kay Unique nang sabihin niya yon. "Hala oo nga! Kaso ang mahaaal." tinignan ko yung price, grabe nakakabutas ng bulsa! Nagulat nalang ako nang dugtungan niya yung huli kong sinabi, "Kita." Tumawa lang ako kahit na corny siyang magjoke minsan. "Sus! Stressed ka lang! Hahahaha. Joke. Mahal din kita." ngumiti siya sakin. Ahhhkk I just can't! Deds na deds na ako kay Unique, nakakatunaw yung ngiti niya tsaka yung hati niya sa baba niya omg!

Hinawakan niya yung kamay ko. Tumitingin pa ako ng mga ibang damit nang mapansin kong lumingon siya don sa may malapit sa fitting room. "Bakit? Ano yon?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya bumalik ng tingin sakin. "Tara umalis na tayo dito. Baka may paparazzi dito. Ayoko ng interview ngayon." tumango naman ako at naintindihan siya. Umalis na agad kami doon. Wala na kaming ibang kailangan bilihin kasi nabili na namin haha. Pumasok na ako sa kotse.

"Ayaw mo bang matulog? Matagal pa yung biyahe."

"Hindi sige. Okay lang yun."

Si Unique yung nagdadrive. Ang smooth niya lang palagi magpatakbo. I opened my Twitter account. At nabasa ko yung post ni Unique. Nilike ko naman at medyo kinilig din ako haha. I scrolled down at nakita kong may something sa trending tweets kaya binuksan ko. "Hala! Break na si ate Crystal at tsaka si Blaster?!" nagulantang ako sa nakita at nabasa ko kaya napatingin din si Unique sa phone ko. "Normal lang naman na maghiwalay sila. Ganun talaga, tumatagal pero natatanggal." napaisip ako sa sinabi niya. "Natatanggal? You mean nawawala?" tumango naman siya sa tanong ko. Pinatay ko muna yung phone ko at hindi namalayang nakatulog na pala ako.

"Sinta." nagising nalang ako sa liwanag na pumalibot sa mukha ko. "Hirap mo talagang gisingin." nakabukas na yung pinto ng kotse at nakita kong may hawak siyang flashlight. What the fvck? Kaya pala ang sakit sa mata! "Patayin mo nga yan!" bumaba na ako at tumawa naman siya. Alas kwatro pa lang ng hapon pero pagod na agad ako kakagala. "Kita nalang ulit tayo mamayang 8 pm. Hang out tayo with IVoS." isasara na niya sana yung bintana niya nang mag react ako, "Talaga? Teka baka maging usap usapan na naman kayo non?" Unique chuckled at me. "Basta sila yung nag aya, walang problema don. Babye."

♠️♠️♠️♠️

7:30 pa lang prepared na agad ako. Aminado naman ako na matagal talaga akong maligo kaya inagahan ko na, para deretso nalang alis. "AY PESTE!" Naglilipstick ako nang may marinig akong busina sa labas. Sumilip ako sa bintana. Si Unique na nga at hindi siya nag kotse. Dinala na naman niya yung motor niya, dinadala niya yon kapag traffic sa Edsa. Para daw madaling makasingit sa biyahe which is totoo naman.

"Maaga pa naman ah? Pasok ka." nginitian ko lang siya at pinapasok. Oh yeah may sarili akong apartment pero minsan lang ako mag stay dito. Ngayon nalang ulit kasi nandito mga maayos kong damit haha. Tumabi siya sakin nung una. Maya maya pa ay pumunta siya sa likod ko at niyakap niya ako habang nakaharap sa whole body na salamin. "Kailangan mo ba ng pera?" tinaasan niya lang ako ng kilay at nag 'pssh' siya. "Marami akong ganon bigyan pa kita." natawa nalang ako at sinesway niya ako.

"Wag ka nga malikot! Pag lumagpas lang itong eyeliner ko gugupitan kita." agad naman siyang tumigil at tumawa nang mahina. Nararamdaman ko yung mainit niyang paghinga sa may collar bone ko. Ang sweet niya sakin shet. Bakit mo ba ginagawa sakin to ah? Kinuha ko na yung highlighter ko at bigla nalang siyang nagsalita, "Hindi mo naman kailangan magpaganda nang sobra, Blaire." Nag smid lang ako at hinarap ko siya. "Ayokong sabihin nila na mas maganda ka pa sakin." hinawakan niya yung bewang ko at nagreact agad ako, "Ano ba nakikiliti ako dyan! HAHAHA!" Binitawan niya agad tapos inayos niya yung buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko. Sinandal niya ako sa may pader. Teka anong plano mo Unik? Bakit umiinit yung paligid huh?

He kissed me and it is so passionate. Hinawakan niya ulit yung bewang ko at the second time pero nawalan ako ng pake don kahit makiliti man ako o hindi. Nagkatitigan lang kami sa mata. Yung mga mata niyang kumikinang at parang nangungusap sakin. He kissed me again and this time I kissed him back. Hawak ko yung batok niya habang yung isa kong kamay nakaholding hands sa kanya. Pinunta niya yung kamay niya at hinawakan yung pisngi ko.

*RING RING RING*

Kumalas nalang siya at lumingon sa bag niya kung saan nanggaling yung tunog na yon. "Wait lang." tinignan niya yung phone niya at sinagot yung tawag. "Ge. Papunta na kami." tumingin siya pabalik sakin habang nag aayos ako ng buhok. "You look so naughty sa make up mong yan." ngumiti siya sakin at naramdaman ko nalang yung pisngi ko na umiinit sa sobrang kilig. "Hintayin nalang kita doon, ireready ko lang yung helmet." nagsabi naman ako ng, "Okay." bago siya lumabas. Grabe ah? That was intense tho haha.

Nakarating na kami sa bar. Nagsuklay pa ako at hinintay si Unique bago pumasok. "Ah sir? Kayo po ba si Unique Salonga?" tanong nung guard sa kanya. "Yeah and this is Blaire Silonga." turo niya sakin. Ngumiti yung guard samin, nagpa autograph at nagpapicture pa. Wow. Di ko inexpect na nakikilala na rin pala ako ng ibang tao. "Nasa VIP room po sila." bago kami tuluyang pumasok sa loob. Excited ako at medyo kinakabahan din at the same time kasi ngayon ko nalang ulit sila makikita. Ngayon nalang ulit makakausap at hindi ko alam kung magiging normal pa rin ba katulad noon. I am pretty sure at aware na hindi na.

"Eyy! Unique is in the house!" -Zild

"Hi Blaire. Long time no see." -Badjao

Tahimik lang si Blaster. Parang iba yung atmosphere niya ngayon ah? Siguro dahil nga sa kakabreak lang nila ni ate Crys and I think it is also because ngayon nalang ulit kami nagkita. Nginitian ko si Badjao. May konting kilig pero mas nakafocus ako sa pagkamiss ko sa kanya. Yung friendship namin before na super duper close at lagi kaming kumakain sa kung saan saan. "Ter." thankfully at tumingin naman siya sakin. Nginitian ko siya at ngumiti din naman siya pabalik sakin. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Tumango man siya pero alam ko, ramdam kong hindi siya okay. You know haha sister instinct again.

"Kamusta kayo ni Unique?" -Blaster

"Okay lang naman. I worked as his gig photographer." -Blaire

"Uy balita ko solo artist ka na rin daw ah?" -Zild


Napuno lang ulit ng tawanan at kwentuhan yung paligid namin. Hindi pa rin nawawalan ng topic sa tuwing tumatahimik ang isa sa kanila. Hindi pa rin talaga sila nagbabago pero-- bakit hindi ata sumama si Gelo? Kamusta na kaya siya?

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon