14.

93 11 2
                                    

"Hays, umuwi na nga tayo!"

"Blaire, easy ka lang. Ang bilis mong maglakad eh."

"Halika na, Zild. Hayaan na muna natin si Ter."

Naiinis ako kapag naaalala ko yung nangyari talaga kagabi hays! Unti unti nang nabubuo yung inis ko kay Blaster. Naiirita ako sa kanya lalo na nung iniwan niya ako kahapon doon sa may Eastwood! Bukod sa napakalayo, ginabi pa ako. Ginabi kami nila Badjao kakahintay sa kanya! Mabuti na nga lang at sinamahan pa rin ako nung dalawa. Sinubukan pa rin nila akong pasayahin at pakalmahin. Ano ba kasi talagang problema ni Blaster? Bakit ba kasi siya nagkakaganyan? Naiinis na talaga ako sa kanya eh! Hinatid muna ako ng dalawa at ni-drop ako sa tapat ng bahay namin. Dumere-deretso na ako sa kwarto ko at natulog. Padabog akong natulog nakakabwiset pero-- ang weird talaga. Kasi everytime na magagalit ako, kinabukasan naman kapag nakita ko si Ter makakalimot ako sa nararamdaman kong inis. Ano bang meron sa kanya para patawarin ko siya? Hindi kapatawad patawad yung ginawa niya kasi babae ako! Hindi niya dapat ako iniwan nang ganon kasi pwedeng may mangyari na masama sakin. What if hindi dumating sina Zild that time? What if wala silang free time para pumunta doon sa Open park that time? Edi para akong tanga na naghihintay don mag isa na para bang out of this world? Kung mag iikot ikot naman ako sa buong mall, baka biglang may makakita sakin na fans tapos interview ako ganon about being a "photographer" ng IVOS or baka bumalik si Blaster don nang wala ako edi nagkanda letche letche na?

Sa bagay. Di nga bumalik eh.

"I deeply apologize. For you, Zild and Badjao for making you wait." nung una hindi ko siya pinapansin kasi busy ako sa social medias ko, busy ako makipag chat kina Danica at Lianne kasi super miss ko na sila. Binabalitaan ko din kasi sila sa mga nangyayari sakin dito, lalo na at nalaman nilang photographer ako ng bandang IV OF SPADES. Patapos na akong magtype sa message ko sa group chat naming tatlo nang maramdaman kong naging cold yung paligid at papalabas na siya sa kwarto ko. Tinigil ko muna yung pagtytype ko and said, "I accept your apology but--" I sighed as I remember yung dalawa kong kasama na naghintay sa kanya nang sobraaaang tagal. "Zild and Badj, they deserve to hear a sorry coming from your mouth." I just smiled kasi medyo nawawalan na ako ng gana makipag usap sa kanya dahil napagod din ako sa biyahe. "Pakipatay nalang nung ilaw, goodnight." sabi ko sabay tayo at lapit sa kanya. It feels weird kahit na ilang beses na akong mainis at magalit kay Blaster, basta basta nalang nawawala yung feeling na yun everytime that I see his face and hear his angelic, calm voice. It' s such a nice and warm hug for us.

"Goodnight."

I woke up and all I can hear is silence nang marinig kong may nagsigawan downstairs. Random shouts from random people. Ano nangyayari? "Fuck!" as I panicked. Nakita ko silang nagtitipon tipon sa mesa, ang aga naman yata nilang mag lunch? I checked out the clock downstairs and I was completely shocked! I've burned out 12 hours of sleeping! So it means, ganon ako kapagod kagabi? Sht. Nag toothbrush ako tapos pabalik na sana ako sa taas dahil naalala ko yung mga photos na hindi ko pa naeedit. Ang dami kong gagawin today!

"Blaire." tawag sakin ni Blaster.

"Anak, kumain ka muna dito." malambing na sinabi sakin ni tita.

Matagal na nila akong tinatawag na anak, so medyo nagiging at ease na din ako sa kanila lalo na at nasasanay akong kami kami lang nila Dave ang nandito kasi busy sila sa own business nila. Umupo muna ako para kumain, nagugutom na rin kasi talaga ako. "Mahirap mag isip nang gutom." alo ni Blaster sakin. "So. Kamusta editing mo?" tanong pa niya sakin. "So far, so good. Hindi ko lang naasikaso kagabi kasi nga diba umalis tayo." sabay subo ko ng Adobo. "Ate, ako nagluto nyan!" masayang pagkakasabi ni Ashanti sakin. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti nang masigla. "Infairness, masarap." Ang sarap sa feeling nung tinawag niya akong ate. Alam niyo kasi, medyo nagkakahiyaan pa kami ng mga kapatid ni Blaster kaya madalas lang kaming mag usap usap, pero sa ngayon nitong mga nakaraang buwan nakikipag kwentuhan na rin sila sakin. Sila na rin mismo yung nag aapproach sakin kasi minsan naiilang din akong magtanong about sa mga hobbies nila.

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon