"Huy teka saan ka pupunta?"
Wala man lang akong idea kung bakit? Anong nangyayari kay Blaire? Ayos naman kami kanina bago siya umalis ah? Bakit dala dala niya lahat ng mga gamit niya?
*2 Hours Earlier*
"Pre. Bakit warla si Uneknok sakin? May nagawa ba akong masama kagabi sa bar?"
"Blaster. Napaka bobo mo. Nilayuan ka lang ni Crystal, napaka clingy mo sa kapatid mo kagabi. Pasalamat ka at iniintindi ka niya kasi lasing ka lang."
"Pero Zild, wala namang malisya sakin yon. Hinawakan ko lang yung kamay niya kasi nilalamig na ako nung mga oras na yon."
"Sayo? Wala. Sa amin nila Badjao, Unique Blaire at lalo na kay Gelo? Meron. Ang tanga mo ayusin mo yan."
Sinubukan kong puntahan si Unique. Baka sakaling nandun siya sa apartment niya ngayon, at para din naman makaag explain ako sa kanya. Makapag sorry ganun. Wala siya doon, sarado lahat kaya umuwi na muna ako at natulog. Baka sakaling paggising ko magiging okay na ang lahat.
End of flashback
Nagising ako kasi may naririnig akong mga kalampag sa tabi ng kwarto ko. "Sa kwarto yun ni Blaire ah?" Maingay na para bang naghahakot ng mga gamit. Dahan dahan akong sumilip pero nagising ako sa nakita ko. Malinis yung kwarto niya, as in simot yung mga gamit at ang nakikita ko lang ay yung DSLR na binigay ko sa kanya! Nataranta naman agad ako. Nasaan na mga damit niya? Wag naman sana yung iniisip ko ngayon please. Hinabol ko siya dahil tanaw sa labas na dala niya yung mga gamit niya. Tumakbo na ako palabas.
"Huy teka saan ka pupunta?"
Hindi man lang niya ako nililingon. Galit ba siya sakin? Dere deretso lang siya at napapansin kong bigat na bigat na siya sa bitbit niyang maleta. Gusto ko sana siyang tulungan, "Sandali!" at hinawakan ko yung braso niya. Sinusubukan ko siyang pigilan. Hindi siya dapat umalis. "Blaire ano ba?! Teka nga kasi! Saan ka ba pupunta?" hinarap ko siya sakin at sa lahat ng mga sinabi niya? Nasaktan ako. Naguguilty ako.
"DON'T ACT LIKE YOU'RE ALWAYS CONCERNED ABOUT ME! TIGILAN MO NA YUNG PAGIGING CLINGY MO AND DON'T YOU EVER TOUCH ME AGAIN!"
"What? Hindi ko maintindihan. Ano bang nangyayari sayo? What's your problem? May nagawa akong mali sayo kagabi?"
"You. You are my problem! You make me suffer from what I feel, Blaster! You wanna know? Gusto mo bang malaman lahat ha?!"
I am trying to comfort her with a hug. Nagba baka sakali lang ako na baka magbago pa yung isip at desisyon niya pero-- mukhang malabo na iyon na mangyari.
"NO! STOP! YOU ARE MAKING ME FALL EVEN MORE! I AM NOT A WHORE BUT YOU ARE THE ONE WHO'S MAKING A REASON PARA LALO AKONG MAHULOG SAYO KAHIT NA ALAM KO NAMANG HINDI PWEDE! AT PLEASE LANG. HUWAG NA HUWAG MONG HANAPIN YUNG IBANG TAO SAKIN. WAG MONG ISIPIN NA AKO SI ATE CRYSTAL DAHIL HINDI AKO SI ATE CRYSTAL, DAHIL ALAM KO SA SARILI KONG NEVER MO AKONG MAGUGUSTUHAN AT NEVER MAGIGING TAYO!"
I am not expecting like this to happen. I never expected na ganito yung mangyayari saming magkapatid, kung kailang nagiging okay na eh. Walang malisya sa lahat nang ginagawa ko pero-- siguro nga eh dahil sa hindi na kami bata. Lasing man ako kagabi pero hindi ko nga dapat ginawa yon. Hindi ko alam. As in hindi ko talaga napansin o nalaman agad na may gusto sakin si Blaire. May gusto sakin ang ate ko. I understand because she started as one of our fans pero natatakot ako. Ayoko nang ulit mawala siya pero dumeretso na siya ng lakad. Nakaluhod lang ako at ramdam kong namamanhid ang mga paa ko, hindi ko maigalaw. Bakit? Bakit ngayon pa kung kailang kailangan ko ng yakap mula sa kapatid ko?
"ATEEEEEE!!!!"
Tuluyan na nga siyang nakasakay sa jeep. Hindi na siya tumingin at lumingon man lang sakin. Wala na akong ibang nagawang paraan para pigilan man siya. Takot na takot ako at balisa nang mga oras na iyon. Nawala na si Crystal sakin, nawala na ang ate ko, at ayaw ko nang may mawala pa sakin. Natatakot ako na baka--
Baka si Unique mawala na rin sakin.
Deserve ko naman siguro itong mga parusang natatanggap ko ngayon eh. Gustuhin ko man sabihin yung reason kay Blaire o di kaya sa tatlo? Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin. Sa paanong paraan ko maipapaliwanag na hindi lang si Crystal ang minamahal ko ngayon. Kundi pati na rin si Unique secretly.
Bakla? Salot? Bayot? Bisexual? Gay? Kahit ano pang mga salita ang sabihin ninyo sakin? Wala eh, tinamaan ako. Alam kong sa maling tao pero mahal ko si Unique. Gusto ko din si Crystal, pero mas higit pa ang pagmamahal na nararamdaman ko. Lamang lahat pagdating kay Unique.
I called him, "Uneknok. Can we meet each other tonight? I am so alone." his line remained silent. Kinabahan ako kasi hindi naman ganito si Unique. Kapag matagal siyang sumagot it's either may nangyaring masama o di kaya may hindi magandang bagay siya na gustong sabihin sakin. "Blaster. I am sorry, I can't meet you anymore. Mag iingat ka palagi." bago pa man ako makapagsalita, binabaan na niya ako. Natulala na naman ako. Akala ko okay kami ni Unique?
Bakit ang sama ng mundo sakin?
2 YEARS AGO...
Patuloy pa rin at sunod sunod ang mga biyayang bumubuhos para sa banda ko. "BEST INFLUENCE BAND OF THE YEAR,
IV OF SPADES!" paulit ulit din kaming nakakahawak ng medalya at ng mga trophies. Malaki ang ngiti namin ni Badjao nang mahawakan na ni Zild yung trophy namin at nagsalita siya sa mic, "Maraming salamat! We are so honored to accept these award. Para sa inyo din to mga fans, salamat sa pag suporta!" At napuno ang paligid ng masigabong palakpakan from random people around us.1 month muna kaming nagpahinga. Pahinga at tigil muna sa mga gigs kasi nagfofocus kaming magcompose together, magrerelease kami ng kanta. Marami na kaming napaplano para sa darating na 2019, oo ganon talaga advance kami mag isip kahit na 2018 pa lang naman. "So, kailan niyo planong irelease IMP para maalarma ko na yung mga fans?" tanong ni Zild sa amin ni Badjao, kinukulikot ko lang naman yung gitara ko. "Bukas na agad, madaling araw haha." sagot ni Badjao. "Bakit madaling araw? Magkaka eyebags mga fans niyan hahahaha!" agad naman silang nagtawanan sa sinabi ko.
We whole heartedly publish our song entitled, "In My Prison" exactly July 12, 2018.
"Zildterjao! Sabay kayong nagrelease ni UNIQUE ng song! I mean-- oras lang yung pinagkaiba niyo haha. Yung midnight sky yung sa kanya." -Gelo
"Seriously? Baka naman coincidence lang." -Zild
"Midnight Sky?" -Badjao
Nananadya ba si Unique samin?
BINABASA MO ANG
What have you done, my Disco?
Fanfic"Biktima nila tayong dalawa, Blaire. Biktima ng secret relationship nila." -COMPLETED- 3/24/2020 (5:38 pm)