13. [ Blaster ]

95 5 0
                                    

If she really is the one then, I will help myself to find those answers.

After kong ihatid si Crystal sa Marikina, agad akong dumeretso sa may Shangri La. Namasyal lang saglit tapos nakakita ako ng mga Instax. Naalala ko si Blaire. The reason para maisip kong bumili ng DSLR dahil alam kong magagamit niya din naman yun para sa pagkuha ng mga photos namin sa gigs.

"Sir, ano pong kulay ng collar lace na gusto niyo?"

Ang napag isipan kong kulay ay yung kulay na palagi kong nakikitang hawak niya noon bago pa man siya nawala. Yung kulay na pinaka paborito niya at yun ay, "Red." Isa ito sa mga plano ko, ang malaman kung ano ang mga paborito niya para naman malaman ko kung siya nga ba talaga. Nakuha ko na yung DSLR na ipina box ko pa para naman maayos tignan diba? Pumunta muna ako sa may Northpark para bumili ng drinks at nang maalala ko yung box, binuksan ko ulit tapos sinulatan yung maliit na papel na nasa tabi nung box para bang christmas card ganon hahaha.

'Hoy panget. Para naman hindi ka na nanghihiram kay Gelo!

Blaster.'

Umuwi na nga ako nang tuluyan at siya agad yung hinanap ko kay Dave, kapatid ko. Umakyat na ako at napansin kong tahimik na yung kwarto ni Blaire dahil maingay siyang tao, hahaha I mean madalas siyang magpatugtog ng mga music namin. Medyo awkward din pala marinig yung music na kayo mismo yung gumawa, tapos lagi pa namin iyon tinutugtog sa gigs namin nakakaumay din marinig mo ba naman Mundo araw araw lol. Pumasok na ako deretso sa kwarto niya kasi hindi naman nakalock. Iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung kulay kung papasa ba sa kanya or hindi, pinatong ko nang dahan dahan yung box sa may tabi ng lampshade niya kasi ayaw ko naman na magising pa siya kasi ang ligalig niya kaya!

"AGHHH! PU--"

"Ouch!" grabe yung pagkabagsak niya hahaha. At shempre, hindi naman ako ganoong klase ng tao na papanoorin lang siya kaya naman lumapit agad ako para itayo siya. Imbes na ako yung matumba sa gulat, kabaliktaran pa yung nangyari. Mukhang ayos na rin naman siya. "Anong pu- ha? Bakit ka nagmumura ah?" Dinuduro pa niya ako. Like what?! Ang bait bait kong Blaster para naman mag-mura nang ganon? Iniisip ko lang naman yung kulay grabe. "Sorry ginabi ako, nag date kasi kami ni Crys." umupo ako sa tabi niya. Medyo kinakabahan ako kasi baka magtaka siya sakin kung bakit ko siya bibigyan ng DSLR coming from my own budget. Napapansin ko din naman na nagtataka na sila at naweweirdohan sa mga ginagawa ko hahaha. "I'm sure tatawanan ka na naman ni Badj niyan." ayan na naman siya. Si Badjao na naman bukambibig niya. Kinakabahan talaga ako, ewan ko kung bakit pero paano ko ba kasi ibibigay sa kanya yun? Natutuliro na ako kakaisip dito lol. "Ano yan?" Buti naman at napansin niya, naiilang ako mag approach sa kanya these following days. Malay ko ba bakit ang abnormal ko ngayon. Oo, lagi akong lutang pero, mas lutang pa ako sa lutang na iniisip niyo. "Yung sa naputol kong sinabi. Pula. Pula kasi yung collar na nabili ko. Di ko alam kung ano bang favorite mong kulay eh." medyo nag-lilo ako. Nag dahan dahan sa pananalita ko, ano bang nangyayari sakin? Pumasok lang ako dito nag iba yung takbo ng sistema ko. "Ano ba kasing laman niyan? Para ba yan sakin or what?" So, we're on the heat hahaha! Nagiging suspicious na yung tingin niya sakin. Kaya naman ako, act normal lang tapos nag gesture para sa kanya para buksan yung box. Gusto kong makita yung reaction niya pero, napapagod na ako kasi buong araw ba naman kaming gumala ni Crys. Hahayaan ko nalang na magkwento siya sakin bukas. Kaya tumayo na ako at ngumiti nalang sa kanya. Siguro mapapansin niya naman sa mukha ko na nahihiya ako, I swear! Pero saglit lang siya tumingin sakin, di ata mapakali sa excitement sa loob ng box. I opened the door at palabas na ako nang magsabi ako sa kanya ng, "Have a good night."

Maaga akong umalis-- ulit para sa lakad ko. This time, sinama ko si Blaire para naman kahit papano naman mabawas bawasan din yung pagiging suspicious niya sakin.

Ito yung araw na pinakahihintay ko dahil ngayon ko na malalaman ang matinding rebelasyon na ilang linggo kong pinagplanuhan.

"Pahiram naman ako ng suklay."

"Eh?! Baka may kuto ka!"

"Pssh, grabe ka naman."

"Oh. Ngayon ka lang hihiram niyan ah hahaha."

Pinag stay ko muna si Blaire sa may Open Park dahil pumunta kami ngayon dito sa Eastwood para mamasyal, at para na rin puntahan ang kinakailangan kong puntahan dito. "Luh? Iiwan mo na naman ako? Sama na ako." tangka pa niyang tumayo para sumunod sakin. "Dyan ka nalang, pinapunta ko sina Badjao at Zild para naman may kasama ka. Wait lang." sumama lang yung tingin niya kaya dumeretso na akong maglakad. Nag aalala din ako at the same time kasi baka sundan niya din ako kaya nagpalingon lingon ako sa likuran ko. So far, so good hindi niya naman yata ako trip na sundan ngayon. Pumasok ako sa malaking building at pagpasok ko agad sa pintuan ay nakaabang na sa akin si Dra. Madrid at ngumiti.

"How's your plan, Mr. Silonga? Have a seat."

Inaamin ko, medyo kinakabahan ako na ewan. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon na hindi naman dapat lumalabas, at hindi dapat ganito kalakas ang heartbeat ko kung ano man yung dapat kong malaman. "Doctora, ito po." inabot ko sa kanya yung suklay na hiniram ko kay Blaire. "Doc, when do I have to come back?" tumingin sakin si Doc tapos tumayo na. "You can wait." ngumiti siya ulit sakin at iniwan akong mag isa na nakaupo sa malamig niyang office. Iniimagine ko tuloy kung anong ginagawa ni Blaire doon mag isa? Ganito din kaya siya na nakaupo mag isa doon? Pinapapunta ko naman sina Zild at Badjao doon para naman may makasama siya habang wala ako dahil sa mapapatagal nga ako, kahit na sinabi kong 'wait lang'.



♠️♠️♠️♠️



Sa sobrang tagal, nakatulog na ako at tinignan ko yung relo ko. 8pm na pala?! Hindi ko alam kung napatagal ba yung tulog ko o yung process na nandun kay Doc eh. "You woke up just in time. Here, buksan mo." at inabot niya sakin yung brown envelope at ngumiti ulit siya sakin, pero this time kakaibang ngiti. Yung para bang may kahulugan siya na hindi ko maintindihan. "See the results." tumingin muna ako sa kanya bago ko binuksan yung envelope. Kinuha ko na yung DNA results palabas sa envelope. Yes, slowly but surely.

Positive: 99.99%
Negative: 1%

Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. I am so speechless to know na that SHE IS MY LONG LOST SISTER! At nakakasama ko na rin siya at the very long time! At hinding hindi ako nagkamali na ginawa ko to kahit alam kong maaga pa para malaman ko ito. Hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko, na para bang lumuwag yung pakiramdam ko at naiintindihan ko na ngayon kung bakit.

I remember her name. I remember the way she speak and deliver her own words. I remember the day she tried to look at me but I already came home. I remember the day she sat beside me. I remember the scent of her. I remember a different kind of spark that I felt for her. The spark that says I am connected to her.

The spark that says we are blood related.

I came home while I remember na may bitbit ako so, tinago ko muna sa loob ng bag ko yung envelope dahil ipapakita ko rin ito kina mommy at daddy bukas at sa mga kapatid ko. They also need to know and they do deserve to know it. "Shit. Iniwan ko pala si Blaire sa Eastwood mag isa!" sumilip ako sa kwarto niya at binuksan yung pintuan niya nang dahan dahan. Sinilip ko siya nakita kong gising pa siya kaya binuksan ko na nang deretso yung pintuan. Alam kong alam niya na nandito ako at nasa likod niya ako kahit na tahimik yung pagbukas ko ng pinto. "I deeply apologize. For you, Zild and Badjao for making you wait." I sincerely said sorry sa kanya because it's just too much. Hindi ko dapat iyon ginawa sa kapatid ko. Sa ATE ko. I am waiting for her answer pero ang ginagawa niya lang is mag cellphone nang magcellphone. If wala siyang pakialam sakin, fine then lalabas nalang ako. "I accept your apology but--" as I heard she sighs and continued, "Zild and Badj, they deserve to hear a sorry coming from your mouth." she smiled and fixed her bed para matulog. "Pakipatay nalang nung ilaw, goodnight." she smiled at lumapit siya sakin then she hugged me. The warmest hug that I ever need and felt for a sister like her. "Goodnight." as I pat her head like a dog at dumeretso na sa kwarto ko para matulog.

I am so glad, she accepted my faults.


_Windmill: *Long update everyone!* Celebrate, celebrate! ฅ'ω'ฅ

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon