54. End

47 1 2
                                    


Blaster

Hindi ako nag-expect ng ganito kalaki. Hindi man ito yung dinadasal ko noon, hindi ko inexpect na darating ako sa point ng buhay ko na sobrang saya. Kumpleto ang pamilya, nahanap ang kapatid ko na si Blaire, patuloy na nagsusucceed ang banda namin na IV OF SPADES, nagpapasalamat sa mga fans sa patuloy na pagsuporta samin at mas lalong higit na nakakapagpasaya sakin ngayon?

Si Unique.

Sobra sobra pa dito ang ibinigay Niya sakin. Nandito, kumbaga full package na. Lalo na at sigurado akong makakasama ko ng masaya at panghabang-buhay ang tunay kong minahal una pa lang. Dahan dahang lumapit si Unique sa akin ng may malaki at matamis na ngiti. "Uy Ter! Masyado ka namang tulala, nakakalusaw." nahihiya niyang bulong sakin. "Ako pa nga ang dapat na matunaw sa kagandahan mo, Unique S. Silonga." dahilan para mamula siya. Ang cute niya talaga kapag kinikilig.

Dahan dahan akong sumandal sa makinis niyang braso at kinapa ang kamay niya. Hinawakan niya ako pabalik na siyang ikinangiti ko. Nagkatinginan kaming dalawa at nag-umpisa akong magsalita, "Unique. Handa akong gawin ang lahat para lang sayo. Mamahalin kita ng paulit ulit. Kahit maulit ang lahat at dumating sa punto na hindi na ako makakaalala pa, matatandaan ka ng puso ko. Hinding hindi ka mawawala sakin. Babalik at babalik ang naging tayo." Tila parang kuminang ang kanyang mga mata.

"Maraming beses tayong pumalya, pero tignan mo kung anong meron tayo ngayon? Masayang buhay. Masayang relasyon.. at hindi ko hahayaan na magiging masaya lang tayo. Gusto kong maging tapat tayo at parehas ng may takot sa Kanya. Siya ang magiging sentro ng pagmamahalan natin. Hihingiin ko ang basbas ng mga magulang mo Unique. Kung hindi man pwede dito, handa akong pakasalan ka sa ibang bansa. Kayang kaya ko Unique. Kaya natin to." nagulat na lamang ako at umiyak siya habang hawak ang kamay ko.

"Grabe naman yang puwing na yan! Pluto ba pumasok dyan? HAHAHA!" patawa ko sa kanya sabay yakap sa kanya. Para talaga siyang babae kung umiyak. "Wala na ngayon pa lang hindi na ako masaya.." pag-iinarte niyang bulong. Medyo pabebe ba. "Hala!" lalo ko siyang niyakap ng mahigpit na siyang ikinatawa niya. "Masaya ako na hanggang sa huli pinili mo ako. Pinaglaban mo ako Blaster. Higit pa dito ang huli kong dasal. Sobrang laking blessing nito para sakin." Pinawi ko ang mga luha niya.

at tsaka hinalikan.

Kasabay ng  isang mahigpit na pagkakahawak sa kanyang malalambot ng mga kamay.

Kasabay ng mga magaganda at nag-iilaw na fireworks sa langit. Sabay naming pinanood ang mga ito. Wala nang mas magiging masaya dito. Wala na akong mahihiling pa.

"Hoy! BlasNique!" hindi pa kami nakakalingon ni Unique nang maayos ay nakita ko nalang ang isang maliwanag na kislap. Si Blaire na may hawak na DSLR at nakuhaan kaming dalawa na magkahawak ang kamay. "B-Blaire! Burahin mo yon!" sabi ni Unique. "Oy cute kaya! Ipapakita ko to kina mama hahahahaha!" hinabol ko pababa si Blaire at sumunod naman sa amin si Unique na nakipagkulitan rin samin.



End.



Thank you po sa mga nagbasa! Pasensya na po at natagalan ng sobra ang aking huling update (thank you po kay Pareng Quarantine!) Shempre dahil uso at laganap ang COVID19 ngayon, pinapayo ko talaga na umiwas muna kayo sa pagpalabas labas ng bahay niyo. Magdasal tayo ng sama sama para tuluyan nang mapuksa ang COVID19, gumaling na ang mga nahawaan at bumalik nang muli ang pagtatrabaho o pangkabuhayan ng mga tao.

Sa aking bagong istorya na paparating, Oras ay ipupublish ko after this month of March siguro. Blaster, Spin the Bottle! has 781 reads now! Also sa iba kong stories thank you po sobra sa pagbabasa. This book has already 4k reads and counting! Very thankful po ako and ayun lang. So magkita kita po tayo ulit sa mga next stories ko, God bless and stay safe! Bye! ♥











What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon