March 10, 2017
Finals na ng Electric Guitar Hero sa Music Hero ng Eat Bulaga. Mas ginusto nila na pumunta ng ganitong date para daw suspense! Di natuloy yung last week eh, na-postponed dahil sa mga biglaang researches. Nakakatense lalo na yung mga fans na naghihiyawan sa performance nung nauna. "Naging close ba kayong dalawa before?" tanong ni Danica. "Actually hindi masyado eh. Pero nagkausap kami, saglit nga lang kasi tinawag na siya ng prof namin para lumipat ng room. Ewan, tagal na rin nun haha." sabay inom ng tubig na dala ko.
"Wow! Buti nga nakausap mo siya eh." First time ko lang manood ng LIVE sa mga ganitong competition! "Gosh next na si Blaster!" excited na pagkakasabi ni Liliane. Hanggang sa tinawag na nga si Blaster. Nag-umpisa na siyang tumugtog. At nung nakita ko ulit siya, feeling ko super ginhawa ng pakiramdam ko kasi siya talaga una kong kinausap after almost 2 years na naging introvert ako. Grabe, humahaba na rin buhok niya hahahaha. Napaka-amo ng mukha niya tapos ganon pa rin yung tingin niya na para ba siyang nahihiya na ewan. Nag-umpisa na siyang tumugtog.
"Our Electric Guitar Hero from Marikina City, Blaster Silonga!"
After ng performance niya, super amazed ako sa kanya. I'm not sure pero, tagal ko na rin tumigil sa pagtugtog. Superstition by Stevie Wonder. He really played it well! Until they announced who won. Hindi na kami nagtaka kasi super galing niya talaga, pero shempre proud kaming tatlo! Nagtatalon kami sa super saya at sulit ang first time namin na panonood. Alam mo yung feeling na gusto mo siyang lapitan at yakapin just to say the word,
"Congratulations! We're so proud of you!" Then we saw his parent's face at yung mga kapatid niya. Super saya ng mga tao at ng mga fans niya na 'Blasterifics'.
I felt something weird again. I don't even know why?
Blaster Silonga. Blaster Silonga. Blaster Silonga. Blaster Silonga. Blaster Silonga.
Laman ng diary ko. Laman ng isip ko. Laman ng memories ko. Laman ng utak ko.Di ko alam pero, di ko naman siya gusto. Di ko naman siya type- err. Ewan ko ba!Basta marami lang akong gustong itanong sa kanya. Wala kung ano ano lang. I wanna feel close with him.I don't know why do I keep feeling this whenever I see him. But I'm aware na, never ko naman siya magiging close. Super impossible, at ayoko naman isipin niyang feeling close ako kasi ito nga. Nanalo siya at alam kong makikilala na siya ng mga tao.
"Grabe girl! Super galing niya talaga no? Sabi ko naman kasi sayo, mas may thrill kapag finals na at swerte kasi live natin napanood yung pagkapanalo niya!" kinikilig na sabi ni Danica habang nakasakay kami ng bus pauwi. "Owmaygash! Trending agad siya sa Twitter oh! Ang daming nagmemention sa kanya! Blaire tignan mo oh!" nilagay ni Liliane yung cp niya sa mukha ko. "Oo nakikita ko! Teka nga." sabay binasa ko yung mga tweets sa kanya. People saying, 'Congrats, Ter!' 'Good job Blaster Mitchelle!' I smiled and happy deep inside. "I'm so proud and amazed to youuuuu!" super saya kong sinabi habang nakatingin sa pictures niya. Di talaga maipaliwanag yung mga kinang ng mata naming tatlo kasi saksi kami sa napaka-angas niyang performance! Alam kong paulit ulit na pero last na to pero:
SOBRANG GALING NIYA!
♠♠♠♠
"Happy 2 years fan-sary ng IV OF SPADES Blaire and Danica!"
1st year college na ako, don't you know na ang last wish ko bago pumatak ang debut ko ay ang makita yung favorite Indie Rock band ko?! After ng almost 9 months mula nung mawala si Unique Salonga, may ginusto ko pa rin na ipagpatuloy ang pagiging fan ko kahit na may umalis. Ganon naman talaga, pag may nawawala may dadating din na mas better at special. Before mag Christmas, I heard na magkakaroon daw ng Meet and Greet ang IV OF SPADES sa Shangri La Plaza! So, I decided to ipon ipon my money hahaha! Inipon ko yung mga natanggap kong pamasko para sa travel at venue mismo. Sino nagsabi na hindi na dapat manghingi ng pamasko kapag hindi na bata? Like duh? Bininyagan din ako at kahit bali-baliktarin ang mundo, inaanak pa rin nila ako! *insert evil laugh* back to the topic! Naka-ipon ako ng mahigit 5,500 pesos! Yung ngiti ko halos umabot na sa tenga dahil excited na akong makita yung IV OF SPADES omg!
"Hello! Nandito na ako sa may Grand Atrium! Ang ganda dito beshy! Yung lamig ng aircon dito, kakaiba! Hindi natin to nararanasan sa loob ng room natin HAHAHAHAHA! Asan ka na ba banda?" masaya kong tanong sa dalawa. "Wait lang! Easy ka lang bes! Nandito na kami sa may Binangonan, Rizal. Mag-enjoy ka muna dyan at tulog pa tong kasama ko. Itetext nalang kita mamaya ha? Ingat ka dyan babye." sabi ni Liliane. Napakatulugin talaga nitong si Danica Jane Ferrer! Kahit kailan at kahit saan! At naglakad lakad muna ako sa loob hanggang sa-
"Ouch!"
Hindi ko alam kung ano man yung natapakan ko. Basta malambot siya na hindi ko maipaliwanag kung ano man yun kaya tinignan ko. Ano nga ba yon? Edi sapatos! Sapatos na may bakas ng dumi galing sa sneakers ko kasi nga maputik sa labas kanina kasi maulan. "Ayayay." jusko nagreact na siya! Kaya dali dali naman akong nag-apologize. "Sorry po! Sorry talaga kuya! Omg! Di ko po expect kasi kung saan saan ako nakatingin." napansin ko yung damit niya na parang kakaiba. As in kakaiba yung para bang floral or 80's yung style. Mga damit nila kasi may mga kasama siya. At nakakahiya! Baka pagtulungan nila ako! Lumalabas na naman yung phobia ko pagdating sa mga opinions na ganito, baka kung anong sabihin nila sakin kasi naapakan ko yung isa sa kanila!
"Aww Badjao, that's okay. She said sorry, it's all done." I heard that sweet and mild voice na super familiar sakin, lalo na yung name na- OMG BADJAO?! At tumigil na nga ang mundo dahil nakita ko nga sila na nakatitig sakin (dahil medyo maliit ako sa kanila) ayon na nga!
OH MY GOSH! CHRISTIAN GABRIEL PERUCHO DE CASTRO! DANIEL ZILDJIAN GARON BENITEZ!
"Hey, what's going on? Anong nangyari kay Badjao?"
BLASTER MITCHELLE MEDINA SILONGA! THEY ARE LOOKING AT ME! OMG! I DON'T KNOW WHAT TO DO! PLEASE SEND HELP! KINIKILIG AKO KAY BADJ AT ZILD! *MY INSIDES ARE SCREAMING IN EXCITEMENT* HOW TO BE CALM! PLEASE SEND HELP! Super akong kinikilig lalo na kay Badjao! He's such a nice, approachable and cutest drummer of all! Ang fluffy niyang tignan maski yung paa niya (Sorry Jaooo!) Ultimate crush ko siya ever since I met them last 2 years! Ang saya ko kasi kalapit at kausap ko na rin sila.
"Hi." sabi ni Blaster sakin. I'm a bit nervous kasi hindi ko alam kung natatandaan niya pa ba ako kasi ilang years na rin yung nakakalipas. Shempre nagbago na din yung itsura ko. Grabe, hindi ko inexpect na magpapahaba siya ng buhok na as in short hair! "Do you know each other?" tanong ni Zild habang nagkatinginan kami ni Blaster. Nag-shrug lang siya while saying, "Maybe? Yes? Hindi? She's my former classmate right?" tumingin siya sakin tapos tumawa na parang nahihiya din. Ang cute niya sa ganong side haha. "Wow. Parehas kayo ng mata hahaha!" sabi ni Badjao. "Yeah. You look like twins." malambing na pagkakasabi ni Zild. "Miss. Magpapapicture ka ba?" tanong ni Blaster sakin. "Ah yes. Can we?" masaya kong sinabi sa kanila. Kinuha ni Badjao yung cellphone na hawak ko sabay kuha groufie kami.
Grabe! Parang feeling ko mga barkada ko lang sila. Yung asaran at tawanan nilang tatlo, super kakaiba. Parang magkakapatid lang sila ganon. "See you later sa Meet and Greet." huling sinabi sakin ni Blaster. Yun naman talaga sadya ko hahaha. "Sorry talaga tito Badj! Ang cute ng sapatos mo natapakan ko lang." pahabol kong sinabi sabay ngumisi si Badjao sakin omg!
"Isn't she a quite cute fan?"
"Yeah. Look ever there!"
"Saan?"
"Darating? Hahahahahaha!"
"Kinain na kayo nung building hahahaha!"
Yun yung mga huling narinig ko sa kanila. Natawa nalang ako dun sa huling sinabi ni Zild at Blaster hahaha! Cute daw ako? Waaaat! Ang cute ni Badjao omg! Naalala ko yung kanina. Tinignan ko pa yung cellphone ko! Hindi ako makapaniwala na super dami naming pictures! So, ginawa kong wallpaper "#FirstMeet" nilagay ko sa owner info ng phone ko gahd!
*New Message Received*
Girl papunta na kami. Stay put ka lang dyan ah? Nag-cr lang kami sa may East Wing.
✓ Seen 5:41pm
Nandito na daw sina Danica! I can't wait na ikwento yung mga ackward at cute moments ko with IV OF SPADES omg I'm so happy today! Di ko talaga makakalimutan tong araw na to! Lalo na nung maalala ako ni Blaster. Naalala nga ba niya talaga ako? Hahahaha bahala na!
BINABASA MO ANG
What have you done, my Disco?
Fanfic"Biktima nila tayong dalawa, Blaire. Biktima ng secret relationship nila." -COMPLETED- 3/24/2020 (5:38 pm)