After ng gig ko sa may Eton Centris, tinawagan ako ni mama. "Anak. Kamusta ka?" napangiti nalang ako dahil sa totoo lang din ay namimiss ko na rin siya. Bihira nalang kami magkasama kasi ako busy sa gigs at madalas kasama ko si sir Kean. Siya naman busy din sa Motorcyle Riders Club nila. After namin mag usap ni mama agad kong tinawagan si Blaster. Naka apat na ring na pero hindi pa rin siya sumasagot.
9:38 pm. Medyo maaga aga din natapos yung gig ko at hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakakausap. Kanina pang 5pm last call niya sakin. Nakalimutan niya ba akong tawagan? Ano kayang ginagawa nila ngayon doon sa Tagaytay? Hay nako, Koi. You're overthinking again. Baka busy lang at marami din silang inaasikaso roon.
I checked out my personal messages on Twitter. I saw Blaster's profile pic na blangko. Malamang nagbago na naman siya ng profile niya, kalokohan talaga. I tried to stalk him but I can't see his account anymore. Teka anong nangyari? Did he just blocked me? Ayos naman kami kanina at nag uusap pa nga kami sa telepono.
Tinawagan ko agad si Badjao. "Koi?" panimula niya. "B-Badj. Did Blaster blocked you too?" nanahimik sandali ang kabilang linya nang makarinig ako ng sigh sa kanya at nagsalita ulit siya. "Unique. Si Blaster. Nilayo siya samin ni Daddy A kasama si Blaire. We're shocked too at hindi namin alam kung anong nangyayari sa kanila right now." Napatakip ako ng bibig at kumabog nang mabilis ang aking dibdib. Iniisip ko na sana hindi nalang nangyari samin ang ganito. Sana hindi nalang naging kami pero gusto ko siya. Ano ba.
Tila ba nakaramdam ako ng konting pamamanhid sa buong katawan ko dahil sa kaba. "H-How did they know?!" wala akong pake kung marinig ni Badjao na para bang nanginginig yung boses ko pero kailangan kong malaman kung paano. Paano nila natuklasan? Matagal na rin kaya nilang alam? Nag iingay na naman ba yung mga media? Ano bang nagawa naming mali ni Blaster para danasin ang mga to?
I have no other choice but to text Blaster's number saying, "Blaster. Please tell me what's going on right now."
He instantly replied, "Yes. I wanna talk to you now."
I know I should freely breathe out sa nireply niya but I can't. I still can't dahil may nararamdaman talaga akong hindi maganda. Blaster replied again but I'm shocked because this time, hindi na pala si Blaster ang katext ko.
*trigger warning: homophobic words*
"Stupidity and idiocracy hits me. I am sorry for what I told, but I can't keep it. I won't keep my promise to you anymore. I am sorry--"
"No. Ano ba? Blaster?! Hello?!"
"Unique? Sinasabi ko na nga ba una pa lang eh! May gusto ka sa anak ko no? Inimpluwensyahan mo ng kabaklaan mo ang anak ko!"
"T-Tito Allan--"
"Lumayo ka sa anak ko! Mag mula ngayon, hinding hindi mo na makakausap ang mga anak ko maski si Blaire at gaya nga ng sinabi ni Blaster Mitchell sayo, hindi ka na niya gusto!"
"Sandali lang po tito please! Pakiusap--"
Natapos na nga yung tawag. Sinubukan ko ulit tawagan yung number niya pero alam kong napaka imposible na sagutin niya iyon dahil kontrolado sila ni tito Allan. Oo, tanggap ko lahat ng galit niya sakin. Lahat nang sinabi niyang bakla ako. Wala akong magagawa basta ang alam ko sa sarili ko, mahal ko si Blaster. Minamahal ko nang tunay ang anak niya at hindi mababago iyon kahit bali baliktarin man ang mundo.
Iniyak ko lahat at nang makita ko si mama sa bahay, bumuhos na nga nang tuluyan ang luhang kanina ko pa pinipigilan sa daan. Wala na akong iba pang maramdaman kundi puro sakit at hinanakit kay Blaster. Maraming tanong ang patuloy na bumabagabag sa isipan ko, ngunit wala naman akong magawa kundi itatak yun sa isipan at maghintay ng sagot.
Tuluyan ko nang nilayo ang sking sarili sa pakikipag usap sa mga taong konektado kay Blaster at Blaire. Masakit man pero kailangan kong gawin. Kailangan ko munang iwasan sina Gelo, Zild at Badjao dahil ayoko din naman na umabot sa point na madamay pa sila sa amin. Patuloy pa rin akong nagpakabusy sa mga gigs ko, baka sakaling makalimot kahit konti. Act normal lang na para bang hindi ako apektado.
♠️♠️♠️♠️
Sa ngayon, patuloy na gumuguho ang aking mundo. Natatakot din sa mga susunod na mangyayari sakin. Takot akong mag-isa pero, sa nakikita ko ngayon mukhang kailangan ko nang tanggapin lahat at bitawan ka. Natapos na lahat. Natapos na nga at hanggang dito nalang muna tayo. Pasensya na. Alam kong marapat kong intindihin ang sitwasyon mo, pero ayoko nang magpatuloy pa ang paghihirap mo nang dahil sa akin. Marami nang pagkakataon na nagsakripisyo ka para sa ating relasyon pero hanggang dito nalang muna talaga. Magpapahinga muna ako at magpapaalam, pagsamantagal.
Salonga, Unique T.
![](https://img.wattpad.com/cover/167549235-288-k261965.jpg)
BINABASA MO ANG
What have you done, my Disco?
Fanfiction"Biktima nila tayong dalawa, Blaire. Biktima ng secret relationship nila." -COMPLETED- 3/24/2020 (5:38 pm)