36. [ Blaster ]

59 4 0
                                    

"We need to go away from here, asap."

Hindi na nagsalita pa si Unique at sa halip ay nagpahatak nalang siya sakin pabalas sa cinema. Hindi na namin tinapos pa yung movie at dali daling umalis pagkatapos tumawag ni Blaire sakin. Bakit ba kasi kailangan na mangyari yung ganito? Paulit ulit na scenario. Puro nalang paparazzi at issue. Walang katapusang trending about sa aming dalawa.

Hindi ko alam saan kami pupunta. Siguro uuwi? Tahimik lang kaming naglalakad, ako nagmamadali si Unique naman nakayuko habang nakahawak sa mga kamay ko. Pumasok na kami sa kotse at dali dali kong binuksan yung electric fan na nakapatong sa unahan. Makakapag pahinga muna kami at walang masyadong makakakita samin dahil dark tinted naman yung bintana nung kotse. Lumingon ako kay Unique, tumahimik siya mula nung umalis kami sa movie date namin.

"Sorry ah. Hindi na natin natapos yung movie. Hayaan mo babawin naman ako sayo katulad noon, diba?"

Tumango nalang siya at tumingin sa bintana. I started the engine tapos bumiyahe na ulit kami. Tanging yung daldalan sa radyo lang ang namamagitan sa katahimikan namin dalawa nang biglang tumugtog at lumipat ito sa kanta.

🎶 Wishing that I'll be 🎶

🎶 The man you will touch and see 🎶

🎶 I gave my love that I-- 🎶

"Bakit mo pinatay? Midnight sky mo yun oh?"

"Gusto ko tahimik, matutulog muna ako."

Nag stay muna kami sa may apartment ko, saktong pagbaba namin ay nandun si Blaire naghihintay. Tumakbo siya papalapit samin, "Blaster! Unique!" Agad namang tumingin si Unique at tila ba napangiti nang yakapin siya ng kapatid ko. Medyo nakaramdam ako ng selos. Kumalas si Blaire sa yakap ni Unique, tumingin sakin at ngumiti. Lumapit siya sakin at hindi ko inasahan na niyakap niya ako. Isang mainit na yakap na naman galing kay Blaire.

Pumasok na kami sa loob. "Cr lang ako." paalam sakin ni Unique. Napansin kong sunod sunod yung pagtunog nung cellphone niya kaya naman sinilip ko habang nasa kusina siya. Ang daming issue grabe! Ang daming mga usapin at trending sa Twitter. Hindi ko ineexpect na ganon pala karami yung nakikipag interact sa kanya kapag may issue kami. Ibig bang sabihin non, hindi lang kami ni Unique may problema dito? So does it mean na nadadamay din si Blaire sa amin?

"Hindi pa ba titigil yang issue na yan? Paulit ulit nalang ah?" Napalingon ako kay Unique na nakikita at nababasa yung mga notifications. Saktong lumapit naman si Blaire nang may mabasa akong message sa IG niya.

Sis, kailan ka uuwi dito? Miss ka na namin ni Lianne ;)

Kinuha naman ni Blaire yung cellphone niya sakin, "Uuwi? Bakit ka uuwi?" Ngumiti lang siya nang matipid at sinabing, "Hindi ako tumuloy para tulungan kayo. Para maiwasan yung issue at- para hindi naman obvious na may problema kaya ako uuwi diba?" I nodded as it was my answer. Masaya ako na maayos na kami ni Blaire but something feels so wrong with Unique.

"Ganito nalang ba lagi sa tuwing magkasama tayong dalawa, Blaster?"

"U-Unique hindi ganon--"

"Ter, bakit hindi nalang muna tayo magkita at maghiwalay nalang tayo? Para naman matapos na yung mga issues."

"Naman oh? Napag usapan na natin to, diba? Hindi naman sa hindi tayo matatanggap ng mga tao pero--"

"Pero ano?! Ano Blaster? Hindi mo ba ako kayang ipaglaban?! Hindi mo ba kayang sabihin na mag relasyon tayo kaya nililihim mo nalang? Maeexpose din tayo Blaster, maeexpose tayo hindi man ngayon pero oo mangyayari yon!"

Naiwan akong nakatayo lang dahil sa panibago na namang argument. Ramdam ko kahit si Blaire ay nagulat sa biglaang nangyari. Ngayon ko nalang ulit nakitang ganito magalit si Unique. Siguro kanina niya pa yon tinitimpi, tinitiis kaya siya biglang nanahimik. Sinubukan ko siyang habulin pero sinenyasan niya lang ako at pinatigil kaya naman wala na akong nagawa pa. "B-Bukas na bukas.. Magkakaroon tayo ng interview, sure akong mapapasama sina Zild at Badjao dito. Get ready at malamang mapapasama yung tanong nila about sa inyong dalawa."

♠️♠️♠️♠️

Simula nung gabing iyon, hindi na ulit kami nagkita ni Unique. Hindi na ulit kami nakapag usap via calls. Kahit personal messages sa Instagram or even Messenger wala. Nag umpisa na din siyang mag-deactivate sa Twitter at usap usapan yun. Paulit ulit na nasa trending tweets yung BlasNique. Maski ibang mga kapatid ko wala pang kaalam alam sa gender ko at-- sa relasyon na nagaganap samin ni Unique. Ang tanging alam lang nila ay yung relasyon namin ni Crystal na stable ngayon.

Dapat ko na nga bang sabihin sa lahat?

Natatakot nga ba talaga ako na sabihin sa mga tao yung totoo?

Siguro nga tama yung mga sinabi Unique kanina, pero hindi naman hahayaan na maging ganito kagulo yung sitwasyon namin dahil maski sa mga general rehearsals namin ay naiisip ko pa rin siya. Kung paano nga ba aayusin lahat. "Huy Blaster. You're not playing your solo in a correct notes again." umiiling iling na sinabi ni Badjao habang binaba niya yung drumsticks niya at minamassage yung kamay niya. "Tara water break." sabi naman ni Zild papalabas ng recording studio namin at tinapik pa ang balikat ko bago tuluyang nagsara yung pinto.

Tahimik lang kami ni Badjao. Tahimik lang ako at hindi ko alam ang gagawin ko dahil gulong gulo na yung takbo ng isipan ko. "Hay nako." Badjao sighed. "Pre alam mo, hindi makakatulong yang pananahimik ko. Subukan mong magkwento sakin. Sa amin ni Zild at papakinggan ka namin. Tungkol ba to kay Unique?" I nodded at tila ba sumalampak ng higa sa may bean bag. "He's not talking to me again. Siguro sawa na siya sa sitwasyon namin. Everytime na magkasama kami, laging may nagmamasid na mga paparazzi para pag pyestahan kami sa social medias.

"Maybe it's the right time to let go. I know you guys can fix it, pero mahirap yung ganun na maraming nangingialam. Basta lagi lang kaming nandito ni Badjao para sayo, para suportahan kayo." sumabat naman si Zild na ikinalingon ko naman. Ngumiti silang dalawa sakin. Pinipilit kong pigilan yung luha ko dahil nakaka touch yung mga sinabi nila sakin pero- masaya lang talaga ako at laking pasalamat kong nagkaroon ako ng mga kaibigang ganito. Nagpapasalamat din ako sa kapatid kong suportado sakin. Ngunit isa lang ang panalangin ko sa taas.

Sana tumigil na ang panghuhusga nila sa amin dahil wala naman kaming ginagawang masama sa iba.

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon