20. [ Blaire & Blaster ]

98 3 12
                                    

"So totoo yon na crush mo ako? Kawawa naman si Gelo my friend!"

"Naaattract kasi ako sayo whenever you play your drums! Ang astig mo kaya!"

"Pogi kasi ako hahaha!"

I didn't expect na magiging ganito yung takbo ng usapan namin. Siya yung nagdadrive at wala akong alam kung saan ba kami maghahang out ni Badj. Walang awkwardness na naganap dito sa loob ng sasakyan,as in puro kwentuhan at tawanan lang. Ang sarap niyang kasama tsaka totoo nga yung sinasabi ni Zild na si Badj talaga yung pinaka approachable sa lahat. Kahit na ngayon lang talaga kami nagkaroon ng super habang conversation.

Nag stop-by kami sa may 7-Eleven na nadaanan namin. Kukuha na sana ako ng pera sa bulsa ko pero nilibre na niya ako. Ano bang nagawa ko sa mundo para madeserve ko yung mga ganitong bagay? Umupo na kami sa may banda loob. Gustuhin man namin na umupo sa may banda bintana pero, baka kasi may mga makakita samin tapos makapagkamalan na kami hahaha. Alam niyo naman, ayoko talaga ng issue. "Hindi ko talaga inakala na, may darating pa palang swerte sa buhay ko." ngumiti ako kay Badj. "Blaire. Wala namang taong malas. Dumating ka man sa point na ganon, makakahanap at makakahanap ka pa rin ng diskarte para makabangon ka."

Naalala ko tuloy yung sitwasyon namin ni Ter. Ininom ko yung fresh milk na hawak ko nang magtanong ulit siya sakin. "Bakit parang hindi mo na nakakasama si Blaster ngayon? Nakakagala ka nang mag isa ngayon?" Possessive na tao si Blaster, hindi niya agad hinahayaan yung alam niyang kanya. Kilalang kilala na talaga nila ang isa't isa. "U-uhm." napahinto ako at nablangko. Ano nga bang sasabihin ko? Paano ko nga ba sasabihin? Sabihin ko na ba sa kanya?

Sabihin ko nalang kaya sa kanya yung totoo?

"Ano kasi eh- uhm. Nagkaaway kaming dalawa. Nagtalo kami kasi, may hindi kami napagkasunduan." napansin kong parang medyo nagulat din si Badj. "Ikaw? Aawayin ni Blaster? Sa ano namang rason?" alo niya habang kumakain siya nung big bite na hakdog. Ahh! Hindi ko na talaga kaya yung ganito! Atat na akong sabihin sa kanya pero napapanic ako. Umaatras yung dila ko tapos hindi ko alam kung paano ko sasabihin. "Tito Badj. Anong una mong naiisip kapag nakokonsensya ka?"

"Gusto ko agad sabihin yung totoo."

Napakabuti talaga ng puso ni Badj. "Ano ba kasing sasabihin mo ahhh?" pinisil niya yung ilong ko tapos kumain ulit siya. "Promise me first, na hindi mo muna sasabihin kay Zild. At mas lalo na kay Blaster." inangat ko yung kamay ko at nagpinky swear pa kaming dalawa ni Badj. Infairness ang lambot ng daliri niya, so fluffy din hahaha! "Magkarelasyon ba kayo ni Ter?" mahina niyang tanong habang binitawan niya yung daliri ko sa pagpipinky swear namin. "Uy ano ba! Hindi ganong relasyon. Pero related kami sa isa't isa, gets mo ba tito?" nag isip siya at inikot sa paligid yung mata niya pero umiling din siya.

"Magkapatid kami ni Blaster."

Natahimik bigla yung paligid kaya napalingon ako. Parang feeling ko tumigil yung oras ganon. "Oh wow. Nahanap ka na pala niya." teka. Alam na siguro nila noon pa man na may hinahanap si Ter na sister? "Uh- oo nga pala. Nakwento niya samin kaya naman naalala ko. Matagal na yun, siguro nasa college days pa ako non. Hindi na nga ata natatandaan ni Zild yun eh." tinitigan niya ako tapos niyakap. "Ikaw talaga Silonga. Saan ka ba napadpad? Hahaha." sabi niya sakin habang ako niraramdam yung init ng yakap niya. Malakas din kasi aircon dito sa 7-Eleven ngayon. "Mukha kaya kayong identical twins! Magpagupit ka lang ng konti ahihihihi!"

♠️♠️♠️♠️

Napahaba din yung kwentuhan naming dalawa. Kung paano nalaman ni Blaster, kung paano nalaman ng parents niya (namin) at kung ano yung dahilan para itago namin yun. Basta lahat sinabi at kinwento ko sa kanya. "Ah! Kaya pala nung last month marami siyang nai-skip na rehearsals kakaalis. Tapos ang weirdo niya." natawa naman ako sa sinabi niya. As in same thoughts lang kami ni Blaster.

"May sasabihin din ako. Alam kong mapapansin mo naman pero- wag kang maingay ha?" tumango ako. "Ang weird ni Blaster kapag nakikipag kita tayo kay Unique diba?" Oh my gosh! Akala ko ako lang yung nakakapansin non? "I think totoo yung BlasNique nilang ship name." naguguluhan pa ako nang magtanong ako sa kanya, "What do you mean na-"

"They are couples, I think so?"

Nashookt naman ako pero tinawanan ko nalang yun kasi muntik ko pang maibuga yung gatas na iniinom ko. "Badj talaga! Imposible naman yang iniisip mo hahaha. Blaster loves Crystal so much." tumayo na kami at dumeretso na sa sasakyan. Medyo lumuwag din yung pakiramdam ko sa pag amin ko sa kanya. Nag ring yung phone ni Badj at nang sagutin niya to, nanlaki mata niya at napanganga. "Paano nalaman ni Zildjian?!" napatakip naman agad ako ng bibig at nagulat sa narinig ko.

Blaster's POV

Naiinis ako sa sarili ko. Ewan ko ba. Ilang araw na kaming hindi nag uusap ni Blaire at napapansin na rin yun nila mommy at daddy. "Anak, hindi mo dapat siya pinepressure. Hayaan mo nalang siyang gawin yung mga nakasanayan niyang gawin nung mga panahong wala pa tayo sa tabi niya." Siguro nga tama yun. Napaparanoid ako kasi mula nang malaman kong kapatid ko pala si Blaire, eh ayoko na ulit siyang umalis.

Without knowing and realizing na ako din pala yung gumagawa ng reason para mapalayo siya sakin.

Galing ako sa bahay nila Crys nang may pinahatid si mommy na pagkain para sa kanya. Nagdrive muna ako at hiniram yung sasakyan ni daddy. Ang dami ko na ngang tinatago sa sarili ko, dumagdag pa tong sikreto namin ni Blaire bilang magkapatid. Hindi naman sa ikinakahiya ko siya pero siguro kahit hindi yun yung reason ko, dun din naman mapupunta yun. Dumeretso na muna ako sa bahay nila Zild. Dun muna ako nag stay kasi sobrang lamig sa labas.

"Hay nako Ter. Style mo! Makiki dinner ka lang dito eh!"

Mapapansin mo naman sakin if there's something wrong with me. Nanahimik nalang ako at nagpalumbaba sa unan. "What's wrong with you? Ano bang nangyayari sayo these past 2 days?" tumabi si Zild sakin at inabutan niya naman ako ng maligamgam na tubig kasi nga malamig, eh galing pa ako sa kotse. "Me and Blaire. We're not good together, tapos nagtalo pa kaming dalawa dahil sa pagiging protective ko sa kanya." napailing naman si Zild sa sinabi ko. "Wrong move, kiddo. Hindi mo naman pati siya kaano ano para maging possessive sa kanya."

Unti unti nang pumapasok sa isip ko yung mga tanong. Should I say it to Zild? Well he's such a good friend of mine pati si Badjao. I am kind'a scared pero alam kong makakabuti din ito. "Zildjian." napatingin naman sakin si Zild dahil ramdam niya ang pagkaseryoso ng boses ko. "Blaire. She is our long lost sister." humawak agad ng cellphone si Badjao. "Edi tama nga. Na overheard namin kayo ni Badjao nung nag uusap kayo ni Blaire but guys denied it." I knew it.

Sasabihin niya kaagad yon kay Badjao, hindi pwedeng alam ng isa yung isa naman nganga. Ganito talaga rules namin sa magkakaibigan kahit noon pang kasama namin si Unique. Kaya naman ganon nalang yung tampo namin sa kanya nang kumalas siya at hindi niya man lang agad sinabi yung reason.

"Badjao, if ever you're with Blaire right now- then take care of her. She is Blaster's sister."

"Teka-- m-magkasama sila? Are they dating or something?"

"Ayan ka na naman eh. Date? Diba pwedeng gumala lang sila? Alam mo naman yan si Badjao mahilig mag hang-out kahit saan. Kahit sino satin aayain non."

Humiga ako sa may sofa nila nang mag umpisa na naman magtanong si Zild, "How your secret relationship with Unique?" Isa din ito sa mga sikreto ko na kahit sina mommy hindi alam. Tanging si Zild lang ang nakakaalam nito at napapag-usapan lang namin kapag kaming dalawa lang. Alam ni Unique na si Zild lang nakakaalam kaya minsan siya yung nagiging chaperone namin, nung nagkita kami sa may Northpark para kumain. Sumama lang kasi itong si Gelo kaya hindi namin masyadong maenjoy pero okay lang naman yun. Pinakita ko yung last text namin ni Unique.

Mundo
+63942*******

I love you.

I love you too.

ฅ'ω'

Nabigla ko ba kayo sa BlasNique? Hahahahahaha! That's the last update for today, sa Monday na ulit. Thank you for 600+ reads! 💓

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon