31. [ Zild ]

55 3 0
                                    

"Kamusta na kayo ni Unique?"

"Ayos lang naman. I worked as his gig photographer."

Kanina nung pagpasok pa lang nila dito sa VIP room, nakahawak si Unique sa balikat ni Blaire. Parang mini akbay ganun. Nakatingin sa kanila si Blaster pero bumalik siya ng tingin sa may la mesa namin. Alam ko kung gaano siya nasasaktan ngayon. Alam ko kung gaano siya ka WASAK ngayon. Umupo si Blaire sa tabi ko at si Unique naman sa tabi ni Badj. Siya yung namamagitan sa kanila ni Blaster.

I know you guys are asking why Gelo is not here. Well, his heart isn't feeling well to see Blaire. Like bruh! Ilang taon na ang nakakalipas hindi pa rin siya maka move on kay Blaire? Sa bagay, ganon talaga kapag first love mo nga naman di madaling makalimutan. Hahaha but seriously? Gelo isn't feeling well. He's sick and it is legit.

"So we've heard na you guys are a couple?" umpisa kong tanong. Ako naman laging nag oopen up ng topic at mahilig mag entertain eh. "Ah oo. Kami nga." sagot ni Unique at ininom yung vodka na nasa shot glass niya. "Since when?" tanong naman ni Badjao at inayos niya yung salamin niya. "Basta 2 years na kami." nakita kong napatingin si Blaster kay Unique pero yumuko din siya kaagad. "Congrats." ngumiti si Blaster at nagkatinginan sila ni Unique-- I think almost 1 minute na titigan. Ehem. It seems like things aren't going well for Blaster huh?

Super low tolerant sa alcohol si Blaster. Nakakadalawang shot glass pa lang siya nalasing at nanahimik na agad sa isang tabi. Si Unique naman tawa nang tawa. Super high na ng paligid pati ako pero kahit lasing ako, nasa wasto pa rin akong pag-iisip. Si Blaire nakainom din at hindi ko alam kung anong oras ba sila uuwi ni Unique. Gawain naman ni Blaire kahit noon pa ang hindi mag lasing nang sobra, alam ko yun para prepared siya if ever na siya magdadrive. "Cr lang ako." nahihilo na rin siguro siya. Maybe she's going to vomit or something? Hahahaha.

Tumawa na naman si Unique at umurong kay Badjao. "Ano ba Unique ang likot mo!" nakitawa nalang din ako at uminom ulit ng isa pang shot. Nilagyan ko yung baso ni Badjao pero umiling siya at nagsabi ng, "Wait." Si Blaster? Eto nakatulog na naman. Gising siya kanina bago pa mag cr si Blaire. "Huy ano ba yaAaaaAAaannnN?" nagising na nga si Blaster dahil sa kakulitan nilang dalawa ni Badj at Koi. "Blasteeeeer. Halika ditooooooo!" nakatulog na si Badj kaya naman madaling naurong ni Unique si Badj at tumabi kay Ter.

"Alam mo baaAaaang namiiiissSsSsss kitaaaaaaaaAaaaaaaAaaa?! Ang cute cute mooooOoOoo. Iniisip kitaaaa gabi gabiii!" at niyakap nga siya ni Unique. Fuck, mukhang nagigising ako sa ginagawa nilang *trigger homophobic word* kabaklaan. No, it's okay even if it looks so gay. Namiss naman talaga nila ang isa't isa literally. They have a relationship and I am glad na hindi to nakikita ni Badj. It makes me cringe too pero hayaan mo sila dyan.

"Unique anooooOo baaaaaAaaa! Ang bigaaaaAaat mooooOOoooOooo!" niyakap ni Ter si Unique na nakaangkas sa may hita niya. I feel something wrong that is gonna happen. Hindi ko alam at hindi ko rin masabi. Hindi ko sila mapigilan sa paglalandian nila, siguro nga dahil sa super high na ako sa alcohol. Minsan lang naman ito pero yari ako kay Shanne nito. "You guys serious ah?!" napansin kong gising na pala si Badjao at gulat sa nakikita niya. Si Unique na nakaupo sa hita ni Blaster habang itinataas yung bote ng red horse na iniinom niya-- I mean nilalaklak niya. Mabuti nalang talaga at nasa VIP room kami phew!


♠️♠️♠️♠️


Napalingon ako sa may bandang kanan ko kasi may narinig akong nagclick, pintuan pala. Nanlaki yung mata ko at umayos nang kinauupuan at nang maalala kong nandito pala si Blaire! Sinubukan kong itulak si Unique kaya naman napahiga siya sa sahig at nabasag yung boteng hawak niya. Shit. I am so sorry Unique kung nagkaroon ka ng maliit na hiwa sa pisngi nang dahil sa bubog, but all I have to worry to ask is kung nakita ba niya yung ginagawa nila?

Nakita ba ni Blaire lahat?!

Umayos ng upo si Blaster at nanlalaki yung mga mata niya sa sobrang gulat. "B-Blaire?!" napuno ng tension ang paligid at hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari dito. You're so stupid to forgot to say that Blaire is still here, Zild! No. You are so stupid and you fucked up again, Blaster! This is both our fault! I shouldn't have tolerated you. I'm sorry too Blaire.

"Alam kong lasing kayong dalawa. I saw everything and it doesn't look good to make some shit things here!" tumaas yung boses niya sa huling salitang sinabi niya. Nakikita kong kinukumos ni Blaire yung kamay niya pero nilapitan niya pa rin si Unique para itayo ito at pinahid niya yung dugo nito sa pisngi using her own handkerchief. She's so damn inlove with Unique, I can really see it. Inupo niya si Unique na mahimbing ang pagkakatulog. "I know you guys aren't gay! Lalo ka na Blaster pero bakit ba hindi mo ako pabayaan na maging masaya ha?!" at nagulat kami nila Badjao nang basagin niya yung isang bote ng alak na may laman pa.

Susubukan ko sanang pigilan si Blaire pero naalala kong mas nakikinig siya kay Badjao. So I looked to Badjao and fortunately our eyes met. I signed him with an eye contact saying, 'Talk to her. Interact her.' It doesn't work at umiling lang si Badjao. I don't know kung natatakot ba siya kay Blaire or what? "Hayaan na natin na sila ang mag ayos nito. We did our part. We are just here to stay and listen to both sides." napatingin si Blaire sa sinabi ni Badjao. She gave me a death glare at napayuko ako don. I also feel guilty. I should have said it from the start.

"B-Blaire. Everything you saw, we are just drunk."

*trigger homophobic words*

"Enough reasoning Blaster! ENOUGH!! Puro rason nalang natatanggap ko sayo kahit noong umalis ako sa bahay! You always give me an idiot reasons saying na hindi mo napapansin na may gusto ako sayo that time! Hindi ko alam! Hanggang ngayon sa muling pagkikita natin irarason mo na lasing kayo?! Kahit lasing ka Blaster alam mo kung anong ginagawa mo!"

"Pero totoo yu-"

"ENOUGH!"

Blaire instantly flipped the table at nabasag lahat ng mga bote. Nagkalat lahat pati yung mga snacks namin dahilan at nagising si Unique. Tumayo siya at lumapit kay Blaire at pinigilan ito. First time ko lang makita that Unique is very sorry. Ganito pala talagang mainlove at magmahal ang isang Unique Salonga na inaasar asar lang namin pagdating sa mga ganitong bagay.

"Bitiwan mo ako! Putangina kayong mga bakla kayo!! Mga mapanakit kayo! Sana sinabi niyo nalang nang mas maaga para nakapaghanda ako nang mas maayos! Ayoko na ulit makita kahit isa sa inyo lalo ka na Blaster! Tapos na tayo, Unique! Tapos na gago kayo!!" Sa sobrang bait ni Blaire, hindi ko inakala na totoo nga. Matinding magalit ang mga mababait.

Umalis na kaagad siya at dinala ang bag niya. Hindi na siya nagdalawang isip pa at kinalabog niya yung pinto ng VIP room. Naiwan kami lahat doon nang tulala. Gulat kami at para bang nawala yung kalasingan namin sa nangyari. Ngayon lang ako naging ganito, lutang pwera kay Blaster araw araw lutang joke-- pero seryoso nga. Naiwan kami doon nila Badjao at Blaster na tulala sa pintuan. Bagsak ang balikat sa pagkadismaya habang si Unique ngayon ko lang nakitang umiyak siya nang ganito. Bakit ba kailangang mangyari to?


Ano bang kalokohan ito Blaster at Unique?!





ฅ'ω'ฅ

Hello! As you can see, I made ate Jules the exact description for Blaire. Ayon, si ate Jules si Blaire para di na kayo mahirapan mag imagine or magtanong ano kayang itsura ni Blaire? Hahaha. Oh by the way proud tayo sa IV OF SPADES sa WMA 2019 ang dami nilang hakot na awards, they deserve it! 🤘Yeah yun lang good night! ♡

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon