50.

39 1 0
                                    


Mainit pa rin sa pandinig ko lahat kaya naman nanatili kaming tahimik matapos yung mga pangyayari. Hindi na ulit kami nag usap nila Danica at Lianne dahil sa mga nalaman ko. Tuluyan na akong nawalan ng balita tungkol kay Charlene. Habang si Unique naman, balik sa pagiging busy niya sa gigs niya at medyo nagkakalabuan na naman sila ni Blaster.

"Ter alam mo, hindi mo naman kailangang idamay yung relationship niyo ni Unique nang dahil lang sakin."

"Baka nakakalimutan mo. Ginagawa ko lahat para lang maprotektahan kita kasi gusto kong makabawi sa ilang taon na hindi tayo nagkasama. Naiinis ako kay Unique kung bakit at paano niya nagawa sayo yon dahil maski ako apektado."

"Naiintindihan ko naman pero hindi kaya't nadadala ka lang ng galit sa mga ginawa ni Charlene? Ayusin niyo yan ni Unique at ako? Kaya ko na sarili ko Blaster. Thank you talaga."

Paalis ako ng apartment namin para puntahan si Badj sa may bahay nila ate Shaira. Doon din daw kasi siya dadaan kaya naman isasabay nalang niya ako papunta doon. "Ingat." huling sinabi ni Blaster habang sinasaksak yung xbox niya sa may TV. Maglilibang siguro sa laro.

After a minute na naghihintay ng taxi sa may labas ng apartment, dumating si Badjao. He's wearing his black leather jacket with his white polo na nakabukas hanggang sa may chest niya which is so damn hot. Crush ko din kasi si Badj before but good thing dumating si Gelo-- literal na nandito at lumabas sa kotse. Magkasama pala sila? Hahaha. "Oh nasaan si Blaster?" tanong ni Gelo. "Uh nasa loob naglalaro ng xbox. Bakit? Kasama ba dapat siya satin?" Umiling naman si Badjao, "Bigyan muna natin siya ng privacy. Oh ano? Tara na? Wala ka na bang naiwan?" I smiled and said, "Wala haha. Let's gooo."

We've met ate Shaira and her brother named Lance. Hindi din naman kami nagtagal so marami pa kaming oras na pwedeng magugol sa kung ano ano. Dumeretso nalang kami sa may mall para makapag bonding naman kaming tatlo together. Bumili sina Gelo at Badjao ng movie ticket ng Bohemian Rhapsody. Sayang nga kasi wala si Ter. I'm sure he would really love that movie.

Habang naghihintay yung dalawa sa pila ng ticket, umupo na muna ako sa bench na malapit lang din naman sa kanila. May ilang tao na nakakarecognize sakin at nagpapicture saglit. Same as Badjao and Gelo doon sa pila. After 15 minutes, bumili muna kami ng popcorn bago gora at deretso pasok sa may Cinema.

Nakita ko yung lalaking naka hoodie sa may tabi ng seat number ko kaya naman dali dali akong bumulong kay Badjao bago pa siya makaupo. "Uy dito nalang ako sa upuan mo pwede?" Ngumiti naman siya nang may pang aasar, "Yiee sige katabi mo si Gelo." sabay upo niya sa seat ko. "Baliw. Ang weird kasi nung nasa tabi ko. Baka mamaya sumigaw yan atakihin pa ako sa gulat haha." Nagcommercial na yung sa may TV kaya alam ko mag uumpisa na yung movie. "Sayang talaga yon si Ter. Mag eenjoy pa naman yon sa mga ganitong palabas." sabi ni Gelo. "Hmm sa bagay, musical."

"Grabe. Alam mo, sa loob ng halos 5 years na magkakasama kami nila Blaster, ngayon ko lang nakitang ganyan siya. Yung tipong magmumukmok nang sobra tapos tignan mo. Nagawa niyang di sumama satin." -Jao

"Deds na deds talaga siya kay Unique. Never nabaliw nang ganyan katindi si Blaster kay Unique-- Oh! Mag uumpisa na yung movie!" -Gelo

♠️♠️♠️♠️

Hinatid ako nitong dalawang kasama ko tapos umuwi din naman agad si Gelo. Nagtaka naman ako kung bakit may kotse sa may bakuran. "Kanino naman kaya yon?" Dahan dahan muna akong nagmasid sa paligid bago pumasok.

"Kilala mo sarili mo Ter. You don't even deserve na magmukmok nalang dito. Sorry kung hinayaan kitang ganito all day. Masyado lang maraming pumasok sa isip ko. Always remember, I love you no matter what."

"U-uy Blaire!" napatayo si Blaster sa gulat nang buksan ko yung pinto. "Haha. Ikaw pala yan Unique. Akala ko kung sino." sabay sara ng pinto. Mahirap na at baka may makakita na naman saming mga stalker na paparrazi hahaha. "I'm about to go home. Sakto lang at buti naman dumating ka na para may kasama na si Ter dito." Tumayo na din siya at binitbit yung beret cap ni Shanne na kulay red at sinuot niya. "Sige na Koi. Mauna ka na. Gabi na din. Salamat sinamahan mo kapatid ko." Ngumiti naman siya pabalik sakin nang may narinig kaming busina ng kotse na kulay blue. "Ah baka si Badjao?" tanong ni Blaster kaya naman binuksan ko yung bintana.

Pero mali pala ang akala namin.

"Oh shoot nandito sina mommy!"

"Oh no. Unique go hide! Ayokong mag init yung ulo nila mom--"

"Blaster? Blaire?"

Nanigas nalang kami nung paglingon namin dahil nasa loob na pala sila mommy sabay pasok din naman ni Daddy A. Sht. Bakit parang lahat ng saya namin nila Gelo at Badjao kanina, napuno ng galit at takot? Nagulat nalang kami ni Blaster nang hawakan ni Daddy A si Unique sa kwelyo. "Daddy tama na!" pigil ni Blaster pero masyadong malakas ang pagkatulak sa kanya at medyo mahina pa siya dahil wala siyang ganang kumain dahil sa feelings niya ngayon. Agad kong nilapitan si Blaster kasabay naman ng pagbaba ni Daddy kay Unique.

"Allan tama na!" sigaw naman ni mommy at tinulungan si Unique makatayo. "Pinuntahan natin sila para ayusin to, hindi para palalain." dugtong ni mommy. Tinulungan ko naman si Blaster na makatayo habang hawak niya yung ulo niya sa lakas ng pagkauntog niya. "Wag na kayong magkunwari pa. Nandito kayo para guluhin kami ni Ter!"

*trigger warning*

"Kung hindi dahil sa kabaklaan ng kapatid mo. Hindi natin nararanasan to!"

"Pasensya na tgito pero--"

"Unique anak?!"

Dali daling pumasok at niyakap ni tita Coco si Unique na hinang hina sa pag iyak. Kanina pa siya ganyan nang dahil kay daddy. "Coco, pasensya na kung--" naputol ang pagsasalita ni mommy nang sumabat siya, "Hayaan niyong si Blaster ang magsabi ng lahat." Tinitigan ko si Blaster at tumingin din siya sakin na para bang sigurado na talaga siya.

"Gusto kong maayos natin kung ano mang issue nating mga Silonga. Oo! Mahal ko si Unique! At walang makakapagpabago ng isip at puso ko pagdating sa kanya."

Masyadong mabilis ang mga pangyayari nang suntukin siya ni Daddy A bago pa sila umalis ni mommy. Lumingon pa siya bago tuluyang lumabas sa pinto at tumingin sakin. Tinignan ko sila na puno ng galit, "Kung mahal ang anak mo, susuportahan mo. Tatanggapin mo. Iintindihin mo. Ni kahit isang kamusta wala kaming narinig sa inyo pero gulo lang ang lagi niyong dala." Mariin kong sinabi bago sila umalis.

Niyakap naman ni Unique si Blaster. "Tita pasensya na po kung palaging naiipit si Nikkoi sa sitwasyon namin. Sana po wag niyo pong ilalayo si Unique para sa kapatid ko." Ngumiti siya sakin at tinignan yung anak niya na ginagamot si Ter mula sa pagkakasuntok sa kanya. "Iha. Wala kayong ginawang masama sa anak ko. Never yon mangyayari." I smiled back to tita. Atleast naramdaman kong panatag ako sa mga oras na ito, at mas lalo na para sa kapatid ko.

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon