I curse myself. I fvcking hate myself.
I lost Blaire, am I going to lose Blaster too?
Nanumbalik ako sa dati kong gawain. Tahimik lang, nagkukulong sa kwarto ko at nagsusulat ng kung ano anong pumasok sa isip ko. Nang sumilip ako sa bintana, saktong nag umpisang bumuhos ang malakas na ulan. "Anak? Nikkoi?" narinig ko ang boses ni mama at biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Gagamitin ko muna yung kotse ah? Kumain ka nalang sa baba kung gusto mo." Tumango ako at bumalik ang tingin sa bintana. "Ingat ka ma. Madulas mga kalsada sa labas." Lumapit siya sakin, "Salamat anak. Importante lang." hinalikan niya ako sa noo at sinara ang pinto.
"Anak! Si Blaire nga pala, pupunta daw dito mamaya. Sinabi ko nalang na dito muna kayo habang wala pa ako." at nagsara ulit ang pintuan.
Hays.
Handa na nga ba akong kausapin siya pabalik? Magiging okay na kaya yung takbo ng usapan namin about sa- parteng iyon. Hindi pa rin alam ni mama na break na kami ni Blaire kaya siguro pumayag siya na mag usap kami. Hindi man lang siya nagpasabi kung anong oras siya pupunta dito. Ang boring. Ayoko munang buksan yung mga social accounts ko nang dahil sa issue namin. Bakit ba ang mga mahilig mangpiyesta sa personal na buhay naming mga kilalang tao? Hindi ba nila alam na sikat man kami o hindi, kailangan pa rin namin ng privacy?
Sinilip ko kung nakaalis na ba si mama bago ako lumabas. Gusto ko lang maglakad lakad kahit na maulan. Weird pero gusto ko. Nagsuot ako ng itim na jacket. Naalala ko tuloy nung nagkaroon kami ng gig sa Tagaytay, parehas kami ni Ter ng itim na hoodie jacket. Shet. Umiinit ba yung pisngi ko? Wtf?! Hindi na ako nagdala ng payong at agad tumawid sa may cafe. Balak kong pumunta sa park, hindi naman kalayuan samin. Nakita ko na yung paborito kong pwesto at umupo sa may bench.
Tumigil din naman yung ulan, may konting ambon pa pero kaya naman. Pinagmamasdan ko yung langit, marami akong nakikitang maganda pag tuwing sumasapit ang gabi. Bakit yung iba hindi nila makita iyon? Dahil ba madilim at kulang sa liwanag? Hindi ba nila alam kung gaano kaganda ang buwan? "Maitim ang ulap, handang bumuhos sa anumang oras." bulong ko sa sarili ko. "Mga tao'y tumatakbo, tila natatakot sa pagbuhos nito." Hays. Makauwi na nga lang.
*blag!*
"Awts!"
"S-Sorry."
"Koi? Anong ginagawa mo dito?"
Ang liit nga naman talaga ng mundo. Sino ang kaharap ko ngayon? Walang iba kundi ang parusa ko. Si Blaire at Crystal. Saan kaya sila galing at magkasama sila, late night na? "Ah, galing kasi kami sa may national bookstore. Tsaka nabanggit kasi sakin nitong si Blaire na magkikita daw kayo mamaya maya kaya sinamahan ko muna siya." nakatingin lang ako kay Blaire. Kaya mo to, Unique. Wag ka ngang ano! "Ah, sige. Isasabay ko na siya sa bahay." Show your usual poker face. Just act normal and don't be so nervous.
"Sige ate Crys. Mauna na kami, chat nalang kita pag nakauwi na kami. Ingat ka."
"Ah ingat din kayo. Mauna na ako Koi."
♠️♠️♠️♠️
Nag umpisa na kaming maglakad papunta sa bahay. Tahimik lang kaming dalawa. Super awkward na ewan. Hindi ko maexplain pero para bang may malaking tipa ng bato na nakaharang sa gitna namin. "K-Kamusta naman kayo ni Blaster?" at bigla akong napalingon sa maganda, maamo niyang mala anghel na mukha. "Ayos lang naman. Naaaligaga kami parehas pero kaya naman namin ihandle." tumango lang siya at tumawid na kami. Hinawakan ko yung pulso niya at nauna sa paglalakad. Medyo may pagkaclumsy kasi siya sa pagtawid at mahirap na.
"Unique. Tapos na tayong tumawid." napatingin ako sa kamay niya. Nakahawak pa pala ako sa kanya at napansin kong namula ako sa sobrang hiya. Ganito pala talaga yung feeling na makakasama mo ulit yung ex mo. Hindi ako aware na magiging ganito ako kakabado. Binitawan ko na siya at binuksan na ang bahay.
Pinaupo ko siya. "Gusto mo ba ng kape?" umiling siya kaya naman umupo nalang ako sa harap niya at nag umpisa na ng topic. Agad agad. "Yung apartment nga pala natin, sinangla ko na." sabi ko habang tinatanggal ko yung jacket kong basa sa ulan. "Bakit mo sinangla? Bakit hindi nalang kayo ng kapatid ko ang tumira don?" Hindi ko alam kung nanginginig ba ako sa lamig o sa kaba. "Naisip ko na rin yon pero, gusto kong maibalik ko yung pera na nagastos mo dahil don." She smiled at me! Seriously at nagulat ako doon. She held my hand saying, "You shouldn't do that. It's all okay. I am okay. I am sorry too."
She hugged me and I hugged back. The warmth that I always feel from her is always the same whenever Blaster hold my hands too. I loved everything from Blaire. The way she speak and smile on me. The way she kisses me before. The way we exchange different topics before, I loved it. Now, she's letting go of me I am happy and sad at the same time. Hindi na kami magiging tulad ng ganoon dati. "Maybe we can be friends hahaha." Her cute laughter and cries. I am sorry if I can't make it, Blaire. Sorry if I won't treat you anymore. Sorry if you are not the right one that I will forever desire.
I love you, but I really loved Blaster even more since before we met.
I love the way you loved me back but, I'm sorry to say that I loved your little brother most.
Maybe it's very hard to move on from your sweetness aside but, I used to love Blaster's different kind of influence.
Blaire have to go and said goodbye to me. "Goodnight, Blaire." Umalis siya nang maayos kaming dalawa. She waved on me bago pa siya tuluyan na nawala sa paningin ko. Masaya ako dahil sa nagkaayos na kami. Sapat na lahat nang pumasok at mga guni guning nabuo sa isipan ko para makapagsulat muli.
Itim na ulap ay nag iipon
Ng luhang ibubuhos sa ilalim nila
At tayo ay nababasa ng ambon
Habang mahina ay sisilong na sila
At may papasok sa iyong isipan na
Mahirap tanggalin
Oo. Mahirap tanggalin sa isip ko kung sino ba ang dapat kong piliin.
Kaya iyong nadarama
Pilit mong dinadaanan
Iniilagan ko nga ba yung mga bagay na dapat ko nang harapin?
Na parang ala ala niyong
Hinding hindi mo maiwasan
BINABASA MO ANG
What have you done, my Disco?
Fanfiction"Biktima nila tayong dalawa, Blaire. Biktima ng secret relationship nila." -COMPLETED- 3/24/2020 (5:38 pm)
