Sorry but I have to do this type of homophobic chapters. Forgive me.
"Dad! Ano ba!? Bitiwan mo na kami!"
"Aray tama na po dad!"
Sinara ni dad yung bahay at humarap sa amin. Nandito ulit kami. Nandito ulit ako sa bahay kung saan aki nagstay. Nandito sa Silonga residence. Tahimik ang paligid at parang walang tao. Nasaan sila mom? Sina Dave? Nasaan na ang mga kapatid namin?
Binato ako ni dad sa may sofa kaya naman napayuko nalang ako sa takot at umiyak. Hindi ko inakalang kaya niyang gawin sa amin yung ganito. Sinubukan kong lumingon kay Blaster. Hawak ni dad yung kwelyo niya, "I did not sustended you to do such gay shit things!" Sinabi niya iyon nang malakas sa harap mismo niya. Binitawan niya yung collar ni Blaster at tuluyan na nga akong nagpanic nang sampalin niya at suntukin ito sa sikmura.
"B-Blaster!! Dad tama na!!!"
"Isa ka pa! Kung isa kang matinong ate o kapatid sa kanya, hindi siya magkakaganyan! Hindi sana siya nagkakanda letche letche sa Unique na yon! You shouldn't have tolerated him!"
"But-- But there's nothing wrong sa nakikita ko dahil wala naman silang ginagawang masama!"
Pilit kong itinatayo si Blaster. Mabigat siya at alam kong nanghihina pa siya nang dahil sa suntok sa kanya ni daddy. Nakahawak pa rin siya sa sikmura niya at iniinda ito. "Dapat sa inyong dalawa, paghiwalayin din!" tangka sana akong hatakin ni daddy papalayo nang hawakan ako ni Blaster nang mahigpit. "W-Wala kang ka-k-karapatan pag-paghiwalayin kami." tinignan ko si Ter na nakapikit pa yung kanang mata niya sa sakit.
Napalingon ako sa may bandang kusina at nakita si Ashanti na umiiyak habang si Dave naman tahimik na nakatingin at pinagmamasdan kami. Sinusubukan niya kaming lapitan para matulungan pero umiling nalang ako sinenyasan sila na wag nang lumapit dahil ayokong madamay sila. Hindi na ako nakapag timpi at napuno na sa galit kaya naman hindi ko na napigilang mapagsalitaan si dad.
"Pati ba naman kami paghihiwalayin mo dad?! Kung ganon naman pala, edi sana hindi nalang ako nagpakilala at hindi nalang kita nakilala! Nang dahil kay Blaster, nandito ako! Kung hindi dahil sa desisyon niya na makipagkita sa akin, edi sana hindi niyo po ako makikita! Nang dahil lang sa isang sitwasyon kakamuhian mo na ang kapatid ko? Paghihiwalayin mo kami? Pwes kami nalang ni Blaster ang lalayo sa inyo!"
Binitbit ko na yung dala kong bag at itinayo si Blaster. "Oh siya! Wala na kayong babalikan dito!" Sigaw ni dad samin pero hindi ko na siya nilingon. Hindi na namin siya tinignan pa pabalik at pumasok ako sa kwarto ni Ter para kunin lahat ng mga gamit niya. Lahat inimpake na namin. Wala na kaming tinira kahit na isang gamit.
Palabas na sana kami nang marinig namin ni mom na umiiyak, para bang nagmamakaawa siya sa amin na huwag nang umalis dahil ngayon na nga lang ulit kami nagkita ganito pa. Ganito pa yung kakahinatnan. Hindi siya nakalapit sa aming dalawa dahil pinigilan siya ni dad. Siguro nga dapat na namin umalis. Dapat ko nang umalis at lumayo sa kanila.
"Pasensya na Blaster. Buong buhay ko iniisip kong malas ako eh. Mula nang dumating ako dito at bumalik sa inyo, pati kayo nadadamay na naman sakin." nakayuko lang ako sa hiya. Do I really deserve this happiness? He smiled in the middle of my driving, "You're not unfortunate." I nodded at panandaliang natahimik ang sasakyan. "Paano na yung banda niyo? Daddy A was angry so sino na muna magiging manager niyo?" Silence surrounded us again until he broke the ice between us saying. "Hayaan na muna natin yun ate."
I turned on the radio and it became the only thing na nag iingay dahil sa mga daldalan ng mga DJ. Makakatulog na sana ako dahil sinandal ko na yung ulo ko sa may bintana nang biglang tumugtog yung kanta nilang Mundo. I heard Blaster's sighs. Nag umpisa na naman siyang mag-drama. "Tulog ka man o hindi, gusto ko lang ipalam sayo na mahal na mahal ko si Unique. Mamimiss ko siya dahil sa boses niyang iyan but, I think what I'm going to miss was-- the old us."
Nagpatuloy na ang takbo ng sasakyan. Smooth yung daloy nang mapadaan kami sa may Rotonda. Naalala ko tuloy yung una kaming mag meet ni Blaster dito haha. I feel so bad and I feel sorry for him right now pero alam kong kailangan niya ng mas maraming time na dapat niyang aksayahin kasama ako.
Sana.
Sana maging maayos na lahat.
♠️♠️♠️♠️
5 years later.
"Oy. Blaire gising! Sinusundo ka na ni Gelo."
Agad akong bumaba. Nag-ayos and as expected, palagi siyang nakangiti sa tuwing nagkikita kami. Nandon lang siya naghihintay samin. Agad niyang binutawan yung cellphone niya para hawakan naman yung kamay ko. "Namiss kita." bulong niya sakin at kinindatan pa ako dahilan para mamula na naman ako. "Hoy ano ba. Nagmamadali na diba? May aasikasuhin pa kami nila Zild at Badjao para sa merch at album ng fans." sabat naman ni Blaster na lagi namang bitter. Natawa nalang si Gelo at lumabas na nga kami nang sabay sabay.
I can now say that it was a huge chance for Blsster to be free. Ang dami din talagang nagbago sa mga pananaw niya after namin iwan yung bahay; pati na sina mom.
Marami din talaga ang nangyari sa mga buhay at careers namin. Si Gelo naging isa na siyang sikat na vlogger. Ako naman unti unti na akong nakikilala ng mga tao at napapadalas na ang mga interviews ko sa kahit saang parte ng Pinas, saying na successful na daw ako as a soloist and also a professional photographer. The best band I've ever known called, IV OF SPADES got nominated sa MTV Europe Southern East Asian Act. Hanggang sa heto na sila. Kahit maraming circumstance ang dumating at muntik na silang mag disband, ayun super successful yung very first album nila entitled as CLAPCLAPCLAP!
Naglalakad kami ni Gelo papasok sa may backstage. Humiwalay si Blaster samin dahil inaabangan niya sina Zild at Badj. Mahal na mahal niya yung dalawang yon. So, 4 years na kaming in a relationship ni Gelo. Akala ko napaka imposible na magkaayos-- I mean ayos naman kami pero shempre dahil nga sa nagkakahiyaan ka before, akala ko wala na talaga pero meron pa rin palang natitira sa kanya. Masaya ako dahil iniisip ko nung mga panahon na yon na baka di na ulit kami magkita pero ngayon just look how strong we are.
--and tinadhana.
About Unique? Well, I heard he is going to release a new album again but I'm praying na sana okay lang siya lagi at maging successful din siya. Sana maging masaya pa rin siya kahit na pinaglayo sila ni Blaster. I know makakamit din nila yung likes and happiness nila. Not for today but I know sooner-- someday.
BINABASA MO ANG
What have you done, my Disco?
Fanfiction"Biktima nila tayong dalawa, Blaire. Biktima ng secret relationship nila." -COMPLETED- 3/24/2020 (5:38 pm)