"Alam mo? Ang tanga mo."
Salubong sakin ni Badjao habang paupo pa lang ako sa table niya. Nandito lang naman kami sa Shangri La. Ang layo diba? "Luh? Ano na naman bang ginawa kong masama?" I paused and sighed. Medyo nainis ako sa sinabi niya pero nawala din naman yun nang may nagserve na waiter sa amin. Wow, may pa juice si Mayor?! "Di na ba uso hello sayo ngayon?" nag smid ako sa kanya at tumingin sa kanya. Medyo natatakot ako at kinakabahan sa mga tinginan ni Badjao sakin today. Mukhang may nagawa nga talaga akong hindi maganda. Hindi naman ako naglasing kagabi diba?
"Dederetsuhin na kita. Alam kong may gusto ka kay Blaster kahit na hindi naman pwede, you know dahil he is your brother." napakagat ako ng labi dahil sa naguguilty ako ng sobra. Totoo man yon pero pag usapang 'love', alam naman ng kahit sino na pag tinamaan ka non wala ka nang kawala. Walang pinipili ang pagmamahal. "Oo alam kong mali yon, I am trying to stop what I feel." uminom ako ng juice para pakalmahin yung sarili ko. Yun siguro purpose ni Badjao kasi alam niyang mahilig ako sa mga kinukulikot na bagay habang may kausap o kakwentuhan.
"Aren't you a fool? You are trying to stop eh hinahayaan mo nga lang na hawakan ni Blaster yung kamay mo kagabi? Sa tingin mo ba kahit magkapatid kayo tama yun sa paningin namin ni Unique at Zild kagabi? Gelo is jealous too but he knows na magkapatid kayo the reason bakit hindi siya sumabay sa inyo kagabi." I knew it. Napapansin kong nakatingin si Badjao sakin pero binaliwala ko lang. "Pero lasing si Ter that time and ate Crystal left her kaya he is broken. He needs someone to comfort him so did I." at sumagot ulit si Badjao sakin. "What if he keeps on seeing Crystal sayo? Hindi pa yon nangyayari sa ngayon pero hulog na hulog ka na dyan sa kapatid mo." sht. Alam kong tama siya. Alam kong dapat kong paniwalaan si Badj this time pero-- paano?
Sa paanong paraan?
Seriously. Ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong klase ng arguement ni Badjao. Napakaseryoso niya sa tono pa lang ng pananalita niya. "Jusko po Blaire. Hindi na kayo mga bata na kahit magkiss pa kayo ng lips to lips, smack man o magholding hands kayo ay okay lang. Nasa legal age na kayong dalawa. Parehas na kayong nasa wastong edad at kahit sinong kaedad niyo maiisip na mali yang ginagawa ni Ter sayo. What you are doing is wrong." naiiyak na ako sa mga sinasabi ni Badjao.
Unti unti kong narerealize na mali talaga to. Siguro nga dapat ko na munang lumayo sa kanila. Kay Blaster. Mali na nga talaga yung pagiging clingy niya sakin pero-- nahulog na nga ata siguro yung loob ko kay Blaster. Una pa lang nung hindi ko pa nalalaman na magkapatid kaming dalawa, shempre alam kong fan lang naman ako at napakaimposible na maging kami or mapapalapit ako sa kanya. The reason kaya nahulog ko ng sobra sa kanya ngayon kasi crush ko na talaga siya noon pa man.
I am scared na baka masira yung closure namin kapag nalaman niya to. I am scared na baka mawalan din sakin ng tiwala yung mga kapatid namin at parents ni Blaster, I mean parents namin. Alam kong kinakatakutan ko to at matagal ko na tong naiisip, pero ngayon lang sumagi sakin to nang marealtalk ako ni Badjao. Thankful ako at medyo nagtatampo sa mga masasakit niyang salita pero, isa ito sa magandang way para magising ako. Para matauhan ako sa bagay na dapat kong iwasan. Sa bagay na hindi ko dapat ituloy.
I started crying. My tears started to flow at nakatingin lang sakin si Badjao. Hinahayaan niya lang akong umiyak pero after a minute, hinawakan niya din yung kamay ko. Tinatapik tapik niya lang as a sign of comfort. Ngitian niya ako nang matipid at hinayaan lang akong ilabas yung sama ng loob ko. Sama ng damdamin ko na matagal ko na rin palang hindi nailalabas. Isang bagay at salita ang sumagi sa isipan ko.
Ang tanga ko nga talaga.
Napaka manhid ko putangina.
♠️️♠️♠️♠️
Dali dali akong umuwi. Wala na akong ibang iniisip kundi ang pumasok sa bahay at mag impake, umalis at kalimutan ang lahat. Ni kahit anong ingay pa man ng mga sasakyan ang marinig ko, wala na akong pake don. Lahat dedma. Hindi ko pinapansin. Nang matapos kong mag impake, dala ko lahat ng bag at mga damit ko. Lumingon muna ako sa DSLR ko na nasa kama kung iiwan ko ba yun o hindi. Lumabas nalang ako at nagdere deretso.
Oo. Iniwan ko yung DSLR ko. Bakit pa kung maaalala ko lang naman si Blaster dyan? Tsaka makakapag ipon naman ako, duh.
Palabas na ako nang may marinig akong mga footsteps pababa. Kaya naman dali dali akong lumabas kahit na mabigat yung mga gamit kong dala. "Huy teka! Saan ka pupunta?" alam ko kung sino at kaninong boses yon pero hindi ko siya pinansin. Hindi ako lumingon at dumeretso lang sa lakad hatak hatak yung bag ko. "Sandali!" naramdaman kong may humawak sa braso ko para pigilan ako sa pag alis. Nagpupumiglas lang ako at hindi na nagsalita pa. "Blaire ano ba?! Teka nga kasi! Saan ka ba pupunta?" pinilit niya akong humarap sa kanya kaya naman inilabas ko na yung galit na tinitiis ko sa kanya.
"DON'T ACT LIKE YOU'RE ALWAYS CONCERNED ABOUT ME! TIGILAN MO NA YUNG PAGIGING CLINGY MO AND DON'T YOU EVER TOUCH ME AGAIN!"
"What? Hindi ko maintindihan. Ano bang nangyayari sayo? What's your problem? May nagawa akong mali sayo kagabi?"
"You. You are my problem! You make me suffer from what I feel, Blaster! You wanna know? Gusto mo bang malaman lahat ha?!"
He hugged me again. Bullshit.
"NO! STOP! YOU ARE MAKING ME FALL EVEN MORE! I AM NOT A WHORE BUT YOU ARE THE ONE WHO'S MAKING A REASON PARA LALO AKONG MAHULOG SAYO KAHIT NA ALAM KO NAMANG HINDI PWEDE! AT PLEASE LANG. HUWAG NA HUWAG MONG HANAPIN YUNG IBANG TAO SAKIN. WAG MONG ISIPIN NA AKO SI ATE CRYSTAL DAHIL HINDI AKO SI ATE CRYSTAL, DAHIL ALAM KO SA SARILI KONG NEVER MO AKONG MAGUGUSTUHAN AT NEVER MAGIGING TAYO!"
Blaster completely froze. I know his time stopped for a minute nang marinig niya sakin yon. Tama lang na gawin ko to. Tama lang din na sabihin ko to lahat sa kanya para alam niya yung reason ko. Para alam niyang hindi lang siya ang may mali dito, kundi pati ako. Parehas lang kaming may nagawang mali dito sa isa't isa. I know I am hurting his feelings right now pero ako yung mas nasasaktan ngayon. Nasasaktan sa nakikita kong pag iyak at pagluhod niya. Naaawa ako pero wala akong ibang paraan. Wala na akong magagawa pa but to hope na sana maintindihan niya. Sana mapatawad niya ako soon.
Susubukan pa sana niyang humakbang habang nakaluhod nang pigilan ko siya.
"ANO BA BLASTER! WAG KA NANG MAGPAKATANGA SAKIN! TIGILAN MO NA NGA AKO! AALIS NA AKO! AALIS AKO AT HINDI AKO BABALIK! MARK MY WORDS!"
Narinig ko yung huling hagulgol at sigaw niya sakin. Sumakay na ako ng jeep at iniwan lahat. DSLR at mga litrato nila na nandoon sa kama ko, kotse't pati na yung mga clingy memories niya sakin. "ATE!!!!" huling sigaw at tawag na narinig ko sa kanya nang makasakay na ako sa jeep, at alam kong hindi na ulit mauulit iyon na tatawagin niya akong 'ate' ulit. Tulala lang ako sa buong biyahe, hindi ko alam saan nga ba ako pupunta. Babalik ba ako pauwi sa kung saan ako nakatira noon o hindi na?
Nag stop by muna ako sa may 7-Eleven. Bumili lang muna ako ng cup noodles para mainitan yung sikmura ko. 4 pm na at inabutan pa ako ng sobrang lakas na ulan sa labas. Lugi ako, sweater lang panlaban ko eh. Iniisip kong kasabay ng ulan ay ang malakas na pag iyak ni Blaster sa bahay. Alam kong di ko na dapat siya isipin ngayon pero, naging parte naman siya ng buhay ko at masaya ako don. Naubos ko na yung kinakain ko nng may naalala ako at naisipan kong gawin to. Tinawagan ko si Unique para sabihin yung desisyon ko na pinag-usapan namin kanina.
"Koi, I changed my mind. I accept your deal. Let me be your gig photographer simula ngayon, non-contract deal."
BINABASA MO ANG
What have you done, my Disco?
Fanfiction"Biktima nila tayong dalawa, Blaire. Biktima ng secret relationship nila." -COMPLETED- 3/24/2020 (5:38 pm)