19.

86 5 0
                                    

3 Weeks After

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago yung ganito. Alam mo yung feeling na masaya ako nang malaman kong Silonga ako pero- hindi naman namin masabi ni Blaster sa kahit kanino man na magkapatid nga talaga kami. Kaya nga sinabi ko na sa mga bestfriends ko and guess what? Nalaman ni Blaster na sinabi ko sa kanila yun at sobra siyang nagalit sakin a few days from now.

Nakokonsensya na ako dahil hindi ko na talaga matiis na ganito. Kasi habang tumatagal na tinatago namin to, eh mas lalong nag-iiba na yung pakikitungo at pakikisama ni Blaster sakin ngayon. Last week ko pa tong nararamdaman sa kanya. Nabanggit ko na over-protective siya sakin pero ngayon mas lalong nag iiba yung timpla niya. Para bang there's something wrong whenever I talk to Unique na para bang sobra siyang naaapektuhan? Me be like: Seriously? Ano bang problema non?

"Magkikita lang kami nila ate Shaira tsaka Badjao."

"Anong rason?"

"Photo editing as usual? Ano pa nga ba?"

"Sino pang kasama niyo?"

"Gelo and maybe Unique."

"Ano?! Sasama ako."

What the-- what really is wrong with him? Narinig niya lang na binanggit ko pangalan ni Unique nagbihis na agad siya at nagmadali kasi na joke ko lang naman iyon. I'm just testing out his instincts. "Bobo ka ba? Anong kinalaman ni Unique sa lakad namin?" natatawa kong tanong sa kanya. "Oh bakit? Nagpo photography din kaya siya!" hala galit na galit? "Eh bakit alam na alam mo? Kasi stalker ka niya?" ang weird lang kasi like-- okay I'm gonna burst out my mouth for a while. Nakaka putangina lang kasi namula siya sa sinabi ko like wtf?!

What's with those redness, Blaster?!

Tinulak ko siya saying, "Wala nga si Unique don! Nagbibiro lang ako diba? Dun ka na nga napakaweirdo mo!" Lumabas na ako ng bahay at nagdrive akong mag isa. Binilihan kasi ako ni papa (Daddy A) ng mini cooper na Toyota. Ang sweet nga eh tapos sabi niya dad nalang daw itawag ko sa kanya pero nahihiya pa rin ako, kaya naman hinayaan niya akong papa nalang itawag ko sa kanya. I just can't fvckin' move on kung namumula ba si Blaster sa hiya or--

🎶 Wag naman sanaaa 🎶

After almost 25 minutes of driving, nakita kong nakaabang sakin si Gelo. Who is he waiting for? Lumapit ako sa kanya at agad niya naman akong inapproach. "Uy! Buti naman at nakarating ka na. Pinahintay ako ni Badjao dito kasi baka dun ka sa may kabilang entrance mag park." napatango naman ako at ngumiti nang kunin niya yung bag na dala ko. Nandon na nga sila at ako nalang yung hinihintay nila doon.

"Naku, hello po ate Shaira. Am I late?"

"Hmm nope. We're just 5 minutes early from you."

We started doing and talking about things. About sa company na makikipag collaborate daw sa amin para sa upcoming magazine na gagawin namin para sa IV of Spades. Masaya ako at medyo excited na rin dahil bukod sa first time kong makatrabaho sila ate Shaira, first time rin para sakin na ilalabas namin tsaka ila-layout yung mga pictures namin na kami mismo yung kumukuha sa mga gigs nila. "Captured by Blaire. Ayieee!" pang aasar at pagpapakilig sakin ni Badj dahil napansin niya siguro na super saya ko about sa magazine news na narinig namin. Well, hindi naman siya nagkamali and he didn't even failed to make me blush again.

"Uy crush mo si Badjao no?"

"Ayieee crush mo pala ako ah? Ikaw Blaire ahh?"

"U-uy. Grabe naman k-kayo sakin."

"Ay nako-- patay tayo nyan Gelo. Paano ba to? She likes me more than you ay este--- tara coffee break!"

Natahimik lang ako at napatulala kay Gelo. May gusto siya sakin? Should I laugh or something? Nagtayuan na silang lahat pero palayo pa lang si Badjao eh nagtanong na siya sakin, "Nagkakape ka ba?" umiling naman ako sa kanya at ngumiti. "Nahawaan ka ba ni Ter? Hahaha." inirapan ko lang si Badjao tapos sumunod na siya kina ate Shaira. Uy, grabe biglang natahimik yung lugar tapos-- naging awkward? Tsaka anyare kay Gelo?

"Namumutla ka ata?"

"Ah hindi. Wala yan."

Natawa ako, yung mahinang tawa lang para sa kanya. "Natatakot ka ba sakin? Hindi naman ako nangangain grabe kaaaaa!" sabay hampas ko sa kanya. "Wag ka nang malungkot! Wala namang masamang magkagusto ah?" nakangiti kong sinabi kaya naman napangiti din si Gelo sakin pabalik. "Thank you ah? Lahat kasi ng mga nagugustuhan ko nilalayuan ako. Minsan naman hindi sila napapa-sakin. Parang si ano-" tumingin sakin si Gelo na para bang nagpapaawa siyang umamin haha.

"Alam mo ba, crush na crush ko si Aimee noon. Pinakilala ko pa nga kay Badjao eh. Ang kaso, sila yung nagkagustuhan tapos naiwan naman ako." napa smid nalang siya pero ngumiti din na para bang nagbago bigla yung iniisip niya. "Talaga? Di ko alam yun ah?" shookt kong sinabi. Ngayon ko lang din kasi nalaman. "Crush na kita noon pa man, nung makita kita dun sa may backstage sa Shang. Natatandaan mo pa ba? Yung nahimatay ka tapos ako sumalo sayo pero pangalan ni Blaster yung paulit ulit mong binabanggit." naramdaman kong nag init yung pisngi ko sa sobrang hiya. Naalala ko nga pala na siya yung nagdala sakin sa hospital. Binuhat niya ata ako. Ang bigat ko pa naman, nakakahiya!

"Alam kong maaga pa at biglaan ito pero-- Blaire. Seryoso ako sayo." kitang kita ko yung ning ning ng mga mata niya habang nakatitig sakin. Totoo ba talaga sinasabi niya? "Pero Gelo--" di pa man ako tapos na magsalita ay dumugtong na siya, "Alam kong hindi mo ako kayang mahalin pero sana bigyan mo ako ng chance na iparamdam kung gaano kita kagusto." hinawakan niya yung kamay ko na para bang nag uumpisa na siyang manligaw.

"Kahit palihim na ligaw lang. O kahit na malaman nila basta hayaan mo lang ako." bumitaw ako sa pagkakahawak niya sakin. Ayokong masira friendship namin ni Gelo dahil masaya siyang kasama, sobrang saya! Kaya naman, "B-Bakit kita papayagan na manligaw sakin kung hindi naman pala magiging tayo?" I heard his deep sigh. "I'll take this opportunity na nakilala kita. I will also take the risk." he paused and continued. "Pwede ba kitang ligawan?" I pouted as I said, "Okay sige na ngaaa. Basta secret muna ah?" I gave him a smile. A very genuine smile na alam kong hinding hindi niya makakalimutan sa araw na yon.

♠️♠️♠️♠️

I drove my mini cooper again, pauwi na kami. It's already 5 on the afternoon. Kakasakay ko lang nang biglang kumatok sa bintana ko si Badjao. Agad ko naman binaba yung window shield. "Sure ka bang hindi ka sasama sa hang out namin? Kasama si Gelo tsaka si Zild." naghihintay siya ng sagot so, nagtanong nalang ako. "Hindi pupunta si Blaster?" Badj shrugged at me. "Masakit daw ulo niya eh?"

Oh fvck. I remember Gelo and I's promise to each other! At yung sa part na liligawan niya ako! Paano ba yun eh grabe yung pagkainis at pagkairitable ni Blaster last week kay Gelo? Nainis daw siya kay Gelo kasi nga daw hindi siya nakasama nung sa gig nila sa Route 196 that time kaya walang nakapag update sa mga fans doon. Hindi man lang daw nagsabi na hindi siya makakapunta. Mabuti nalang talaga at nandon ako, kasama nila that time.

Patay ako nito kay Blaster!

"Kung hindi ka makakasama, tayo nalang muna mag hang out. Pwede ako magdrive?" ay hala akala ko pa naman paalis na siya at sasama doon sa kabila. "Paano sina Zild at Gelo?" tanong ko sa kanya na ikinabahala man niya pero sumakay pa rin siya sa kotse. "Sasabihin ko nalang emergency, sumakit tiyan ko ganon para umuwi na rin sila hahaha." nahawaan naman ako sa super cute na hagikhik niya. Aandar ko na sana yung kotse nang bigla nalang siyang lumabas. "Anyare tito?" tito lang tawag namin sa kanya. Siya kasi pinaka kuya sa aming lahat.

"I think I should tell Gelo and Zild in a proper way. Nakokonsensya tuloy ako." tumango naman ako sa kanya. "Aww, you are such a very good brother to them hahaha." umalis siya at maya maya eh bumalik na siya at binuksan yung pinto ng pwesto ko. Bago pa man ako makapagsalita, nagsalita na agad siya at ngumiti ng malawak sakin.

"Mind if I drive this car for tonight?"

"U-Uh yes. Yes of course."

Am I only dreaming?! Deds na talaga ako kay Badjao, grabe yung tama niya sakin. Swabe at smooth lang, sana ganito nalang lagi kapag kasama ko siya.

ฅ'ω'ฅ

A/N: HAPPY 600 READS! MGA SILENT READERS DYAN COMMENT AT VOTE NAMAN DYAN OH? PARAMDAM NA KAYO SAKIN HAHAHAHAHA LABYU OL!

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon