6.

144 8 10
                                    




9:34 am.


Edi heto! Nasa biyahe papunta sa Quezon City gaya nga ng sinabi ni Blaster. Hindi ko alam kung bakit ako excited pero kinakabahan din ako at the same time! So ayon, nandito na ako sa may Kamuning. Ang tagal at super traffic pa! Later on nagchat ulit si Blaster sakin saying, "Nandito ako sa Kamuning." I was shocked at naramdaman kong medyo nag panic ako asking him, "Saan ka banda?" Lumingon lingon ako sa may bintana ng bus baka kasi nasa next bus stop siya or somewhere?

Speaking of. Nasa bus stop nga siya. Bumaba na ako at nakita ko siyang nakatingin lang sakin. Poker face lang siya. "Slow?" sabi niya. Natagalan siguro siya kaya napasabi nalang ako ng, "Sorry." Kanina pa ba siya dito? Diba sabi niya sa may Rotonda kami magkikita? "Hmm, naisip ko kasing masyadong malayo yung Rotonda for you. Kaya dito nalang ako sa may Kamuning nag hintay." sabay nag para siya ng jeep. "Saan tayo?" nakakahiya man pero tinanong ko na total, tiwala ako sa taong to. He's such a nice guy kaya di ko siya sinabihang stranger nung una pa lang diba! Magtitiwala ako sa kanya kasi totoo mga sinabi niya like duh? "Buti nalang at hindi mo sinama yung mga kaibigan mo." I laughed a little. Ayoko silang isama, hindi dahil sa gusto kong i-date si Blaster pero- mas gusto ko rin magkaroon ng time mag isa para din sa sarili ko. 2 days na kaming hindi nagkikita lalo na nung nagmukmok ako dahil sa nangyari kay mama.




"By the way, saan nga ba tayo pupunta? Kuya bayad, dalawa po yan." napatingin lang ako sa kanya sabay bayad siya sa jeep. Omg, nakakahiya kasi siya pa yung namasahe for me! "Grabe, di ka man lang nagsabi na magbabayad ka na? Haha." super ackward! "Masasanay ka rin." After almost 10 minutes na takbo ng biyahe bumaba na kami. Tapos nag tricycle kami siya din yung namasahe. "You know, para kang si Zild. Todo tanggi yun pag nagbibill out na kami pero wala siyang choice kasi ako na nagbabayad haha." Yung ngiti at tawa niya, super nakaka relieve. Parang napaka worry less ng ngiti niya kapag nakikita mo siya. Iba siyang kasama sa mga Meet and Greets at mas lalong iba din siyang kasama kapag kayo lang talaga. Pagkababa namin sa tricycle, sumalubong samin si-- si ZILD?! OMG!



"Oh! You got a new buddy ah?"


"Nah."


♠♠♠♠


Pinapasok niya kami sa bahay nila. "Dito kasi kami madalas tumatambay, kasama si Badjao or minsan si Gelo." dahan dahan akong kinukwentuhan ni Blaster habang napaupo naman si Zild. "Wait- diba ikaw yung sa meet and greet sa Shangri? Hahahaha!" sabay kuha ng phone niya at nagchat siguro. I don't know. "Cr lang ako." sabi ni Blaster sabay tayo at punta nga sa cr.

Naaamaze talaga ako, hindi ko ineexpect na nandito ako MISMO sa bahay ng iniidolo ko! At makakasama ko pa ang IV OF SPADES dito! What the-! "Too lucky, siguro may nakita si Blaster sayo kaya naging interesado siya sayo hahaha." napatingin ako kay Zild. "Hindi ko nga alam kung bakit siya nakipag kita sakin eh. Nakachat ko lang dummy account niya kagabi then told him na- magchat siya sa real account niya if si Blaster ba talaga siya then ayun." I smiled at Zild. Super sweet ng boses niya tapos halata sa kanya na mabait siya. Kahit sa mga gigs, mabait pa rin siya sa mga fans nila.

"I told her na makipag kita sakin dun sa Rotonda. Hinatid ko pa si Crystal sa Kamuning pabalik siya sa Marikina. Ayon, dun na kami nagkita sakto." sabat naman ni Blaster na may kinakaing tinapay ba yun? "You guys. Parehas kayong makwento hahaha! At ikaw Blaster, saan mo banda nakuha yang tinapay?" tanong niya. "Sa may takip ng ref. Bakit?" sabay tabi si Blaster kay Zild. "No! Arrgh! Kay Chin yung tinapay! You better ask first 'cause she's gonna fight meee! HAHA." ang cute nilang tignan. Nakakatuwa silang kasama, super. Siguro nga kasi medyo nakakahiya pa ako pero iba kasi talaga yung feeling kapag kasama mo sila.


"I'M HER-"


"Uy Badjao! Nabalitaan mo na ba yung meet and greet dito sa Quezon?" tanong naman ni Blaster. Alam kong namumula ako, at nag iinit yung mga pisngi ko pero- hutaaaa anong gagawin ko eh diba deds talaga ako kay Badj! "Diba ikaw yung nakatapak sa paa ko? AHIHIHIHIHI!" ang cute ng halakhak niya sheeet! "Haha. Ako nga po." kumunot noo ni Badj saying, "Wag ka na mag po. Ano name mo?" sabay umupo siya sa tabi ko omg! Aym so ded! "Blaire Gabriel." ngiti ko. Kumuha ng cellphone si Badjao tapos nag open siya ng IG niya. "Follow back mo ako ha?" sabay ngisi sakin. OMG did he just followed me?! "Blaster, bago mong alaga?" tanong ni Badj habang papunta siya sa may kusina. "Hmm." yun lang sinabi ni Blaster. Alaga?

"Uy! Ang gaganda pala ng mga feeds mo sa IG! Ang galing mo mag picture ah? AEEEESTHETIC! WOOOOAH GAHAHAHAHA!" ang kulit niyang kausaaaap. Yung halakhak niya talaga poisonous! Nakamamatay gaaahd hahaha! "Ah patingin nga? Ayos ah?" tumayo si Zild para tignan pa mismo sa cp ni Badjao yung posts ko dun. Gahh! Di ko alam parang na-e embarrass ako sa mga sinasabi nila. "Thank you. Ah- h-haha." Nakita ko si Badj na nagpalit ng jacket niya. "Akala ko ba matutuloy?" tanong niya sa dalawa. "Oo nga, mamaya pa naman yun mga 7pm! Lunch muna tayo!" alok ni Zild at ayon, nakita ko siyang magluto ng pagkain. Sinamahan ko siya at tinulungan sa kusina.




"Sorry kung awkward. Hahaha." sabi ko kay Zild habang naghihiwa ako ng kamatis. "No, it's fine. Ganon naman kasi talaga eh. Gusto mo ipakilala kita kay Gelo?" sabi niya naman sakin habang nag gigisa siya ng bawang at sibuyas. "You can tell me a story kasi matagal tagal pa naman tong niluluto natin." Ang sarap sa ears nung word na 'natin' kasi alam mo yun? Super swerte ko dahil napili ako ni Blaster para makasama nila kahit hindi ko alam yung tunay na reason.

"Napagtripan ka siguro ni Blaster kaya ka niya sinama. Maski nga si Badjao nagulat eh haha." Siguro nga trip niya lang ako at hindi niya talaga ako kailangan. Pero, bakit nga ba talaga ako nandito? Ang gulo. Di ko mahanap yung sagot eh. "My step-mother died at few days ago. Wala akong ibang nagawang paraan para makita man lang siya sa huli niyang mga oras. I'm deeply sadden hindi lang sa pagkamatay ni mama pero, hindi ko rin kasi makasundo yung step sister ko. Adopted lang kasi ako pero naging mabait si mama sakin, at super caring niya saming dalawa. Hindi man lang niya kami napagbuntungan ng galit kahit isang beses. Tsaka, tuwing nakikita ko mga pictures niyo sa Instagram at Twitter gumiginhawa yung pakiramdam ko. You guys makes me happy. You make every fans happy and inspired through your musics. Now I can personally tell you the word thank you." I smiled at him.

Super motivated ako na sabihin sa kanya yun kasi deserve nila makatanggap ng praise at honor in a good way. "Thank you rin, Blaire. Sana mas makasama pa kita ng matagal. Sana mas naging close tayo ng mas maaga." he paused for a minute. "Ah! Umaawas na yung sabaw!" nagpapanic kong sinabi kaya nagulat din si Zild at hininaan yung apoy. After 3 minutes tumunog na yung egg timer, "Let's gooo!" masaya niyang sinabi habang dala niya yung ulam habang ako naman dala ko yung kanin. I really hope na tumagal pa sana yung pagsasama namin.


"KAKAIN KA NA BADJAO! HAHAHAHA!"

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon