16.

98 4 7
                                    

Umaga pa lang pero umalis na kaagad kami nila Blaster. Nakitulog muna kami sa bahay nila Zild para medyo malapit lapit na rin sa photo studio ni ate Shaira. Konting biyahe lang din kasi, kaysa naman sa bahay nila Blaste--- or should I say na bahay namin e-ehem. Seryoso, malayo talaga. Ilang oras na biyahe siya at madalas pang matraffic doon. As in.

Napa 'woah' ako nang makita si Unique na nagcecellphone lang sa isang tabi. I'm like wow, super aga niya talaga tapos hindi man lang siya haggard tignan. Medyo malayo si Unique pero ang aga niya talaga sobra! 7 o' clock pa lang at maski nga si ate Shai wala pa e. "As expected, lagi ka pa rin nauuna ah?" napalingon ako nang magsalita si Blaster na nanggaling sa likuran ko. Nag bro-fist sila. Omg, I am so grateful and happy na makita ulit silang magkakasama. They also seem like they really missed each other na kasama si Unique pero halata sa mga kilos niya na naiilang pa rin siya or-- maybe awkward kasi nga mag iisang taon na ata since last nilang magkita kita.

"Gather. Zild move closer."

"Badjao stay in the center with Blaster. Unique a bit closer pa. Closer without leaning on each other."

Natatawa naman si Badjao nang makitang magkasandal si Unique at Blaster sa harapan nila ni Zild. Kaya naman pati si ate Shaira napapangiti din sa reaksyon nila. "Blaire. Kanina pa kayo dito?" kalabit sakin ni ate Crys na alam kong kakarating lang dahil narinig ko boses niya kani-kanina lang eh. "Yeah, around 7 am." I smiled on her as I nod. I looked back to those boys. I know this is going to be one of their toughest and stressful day for today.

Hindi naman mahirap katrabaho si Unique, actually ang saya nga niya katrabaho eh. Unti unting bumabalik yung closure nilang apat together, kasama na rin si Gelo na kakarating lang kani kanina.

"Oo tapos ano ganun! Boogshh!"

"Ano suntukan nalang?"

"Boogsh! Woaaaah! Knock out! Wapak!"

Total coffee break namin ngayon sa pagpo-photo shoot sa kanila, ayon naglalaro at naghaharutan na naman sila. Parang mga bata lang. "Nakakatuwa lang isipin that it turned out so well na isama ulit si Koi with them." ate Shai happily said it. I looked back to them na naghaharutan pa rin maski sahig hindi na pinatawad sa mga suntukan effect nila. After an hour, tinuloy na namin yung pictorial and then we went home. Si ate Shai kasabay si Unique at Gelo sa pagbibiyahe. May lakas pa yatang pumunta sa lakad si Gelo ewan ko ba dyan. Same scenario pa rin naman, si Zild at Badj magkasabay tapos kami naman ni Ter sa iisang kotse. Ito naman yung usual naming pag-uwi pero this time kasabay namin si ate Crys.

Tahimik lang kami at smooth sa pagbibiyahe. May konting kwentuhan pero about sa kanilang dalawa lang, di ako masyadong makarelate sa iba nilang topic. Mag uusap sila pero saglitan lang. Magkaaway ba sila? Okay naman sila kanina ah?

"I know, I understand that you're already tired."

"I'm sorry babe. I love you. Ingat ka."

"Blaire, labas na ako ah? Ingat din kayo sa pagbibiyahe, bye!"

Pagkababa ni ate Crys, hindi pa rin kami umaalis. Seriously? Anong problema ni Ter? Sabaw na naman yata to. "Oy Ter! Lutang ka na naman. Aalis na tayo." napalingon ako nang marinig ko yung door lock na umangat. Bago pa man ako magtanong eh inunahan na niya ako sa pagsasalita.

"Lumabas ka tapos tumabi ka dito sakin."

"Ano gagawin mo akong jowa mo?"

"Ano gagawin mo akong driver?"

"Atleast pogi driver ko."

"Pumarito ka na at napapagod na ako."

"Edi ako magdidrive."

Lumabas na ako at binuksan yung pinto niya. Agad naman siyang nagreklamo, "Ako na." kahit na kitang kita ko naman sa kanya na super pagod na siya. "Aww, kawawa naman ang kapatid ko. Nagkaka eye bags na." pambobola ko sa kanya kaya naman agad agad siyang lumipat sa tabi ng driver's seat. Nakakatawa talaga siya, parang bata lang kasama eh. "Ter paano nga ba ulit to?" nanlaki naman yung mata ni Blaster sakin, "Akala ko ba marunong ka mag drive?" tapos pinatong niya yung kamay niya na nasa cambio pa at inurong ito. "Sorry. Nakalimutan ko lang, matagal ko na kasing hindi nadadrive yung kotse namin ni Charlene before." hininaan niya lang yung aircon tapos sumandal sa bintana ng kotse. Halatang inaantok na kaya hindi ko na kinausap pa. Naalala ko lang naman si Charlene eh. Nawala siguro sa mood dahil sa pagod. Ang hyper kasi kanina ayan bagsak tuloy.

Radyo lang yung nagiging kausap ko sa buong biyahe. Buti nga hindi siya nagigising sa mga tawa ko dahil sa mga naririnig ko sa mga DJ eh. Akalain mo, marunong pa pala akong magdrive. Medyo naaalangan pero masasanay din ulit ako nito for sure. Ang hassle! Traffic pa rin kung kailang ala-una na ng madaling araw! Nag update nalang muna ako sa Instagram ko nang may mapansin ako na maraming naglike ng recent photo ko with Blaster sleeping in the car. Magalit man siya pero, walang magagawa kasi nakapost na eh! Tsaka may benefits naman yun.

NAGIGING MEME NA SIYA.

I checked out my dms. Ang dami ah? Pagpindot ko si Gelo lang pala. Puro heart heart parang baliw lang.

Gelo Esperon
@geloesperon17











Miss mo na ba si Ter? Unfortunately he's asleep beside me eh.

Huh?! Tulog si Ter eh
diba siya nagdadrive?

Ako nagdrive kasi pagod na siya.
Bakit puro hearts?! Report kita ng spam dyan sige ka.

Badtrip. Si Badjao na naman siguro may gawa non, pinicturan pa nga ako tsaka si Zild nang tulog eh! Sensya na, Blaire.

It's okay. Naiinis ako kasi hanggang ngayon nasa high way pa rin kami.

Ah ganon ba. Ingat kayo ha? Oh siya matutulog na ako, good night.

UNIQUE started following you.
You and UNIQUE follows each other.

UNIQUE
@unique

Hi. Ingat kayo sa pag uwi.


Hi, Unique. Thank you, tulog si Ter eh. Traffic pa tapos pagod, ako nalang nagdrive.


Sige. Nakauwi na ako. Goodnight.



Kinikilig man ako pero super exhausted na ako. Akalain mo finollow ako ni Unique! Omg. After ng chat namin ni Gelo at ng pag follow sakin ni Unique, umusad na yung traffic. Ano bang nangyayari sa road na to at lagi nalang traffic? After 15 minutes naging okay na yung takbo namin and finally! Finally we're home. "Ter wake up. We're here." agad naman siyang nagising pero lutang pa rin. Hindi na muna kami nag usap dahil maski ako hinang hina na at gusto ko na matulog. Sabay na kaming umakyat, pumasok na siya sa kwarto niya same with me. Bagsak ako sa kama at hindi mapansin na dumilim na ang paligid.

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon