52.

44 2 5
                                    


"Guys, una na ako. Susunduin ko pa si Shanne. Thank you sa breakfast, Blaire."

"Oh siya sige. Ingat, kita nalang tayo don hihintayin ko lang si Unique."

Hindi ko pa nakikitang lumabas ng kwarto si Blaster. Ang tagal naman niya yatang gumising? "Badjao, Blaire, Gelo, good morning." kaway niya samin habang bumababa ng hagdan. Hindi nalang ako umimik, nevermind it siguro na-late lang alarm niya haha. "Nauna na si Zild. Si Unique naman kailangan na niyang mag ayos. Asan siya?" tanong ko habang nagtotoothbrush si Ter. "Pababa na yon. Nagmumuni muni pa siguro haha."

Maya maya bumaba na nga si Unique at para bang may iniindang sakit ng katawan kasi nakahawak siya sa baliktan niya. "Okay ka lang?" pangungunang tanong si Badjao sa kanya. "Ah oo. Nanibago lang siguro ako sa higaan ni Ter. Masyado kasing mataas kaya nahulog ako." sagot niya samin at kumakapa kapa pa siya. "Nako! Tumambling yata sila ni Ter kagabi? Sabing behave eh HAHAHAHAHA!" nahawa nalang kami sa halakhak ni Badjao. "B-Baliw! Mabait ako grabe naman kayo samin ni Ter!" napansin namin na medyo namula sa hiya si Unique. Ang cute niya uwu. "Uh Nikkoi? Naiwan mo yata salamin mo sa kwarto?" pagpapaalala ni Ter. Nilapitan niya si Unique para paupuin muna sa table. Sobrang labo na talaga siguro ng mga mata niya. "Ohhh kaya pala umiikot mundo ko kay Blaster ay--" tumawa nalang kami kasi para talaga siyang lasing magsalita. Napa ayiee naman si Gelo kaya nahawaan din kami.

6:30 am na. Ready na kami para kumain. Tinulungan ako ni Gelo magluto at magserve ng mga pagkain. "Uy ano yan? Mukhang masarap." sabi ni Nikkoi habang inaayos yung salamin niya. "Pork Humba. Specialty ko yan Koi wag ka ngang ano hahaha!" Marami pa kaming mga kwentuhan pero kinailangan na din namin umalis ni Unique kasi nga 7 am na. Bibiyahe pa kami palabas para kitain sina Shanne.

"Oh maiwan muna namin kayo dyan. Kain ulit tayo dito sa bahay mamayang dinner."

"Sige, ingat kayo!"

Sumakay na ako at umupo sa may driver's seat. "Kala ko ba ako magdadrive?" tanong ni Unique sakin. "Mag ayos ka. Ayokong haggard ka mamaya hahaha!" He just shrugged at me at nagsuklay ng buhok. "Babye Koi." rinig kong sinabi ni Blaster. Kumaway naman si Unique at ngumiti. "Ehem! Paano ako? Wala man lang babye?" parinig ko. "Babye mahal! Mamahalin pa kita I love you beri muts!" kaway naman ni Gelo dahilan para mag blush ako habang hawak yung manobela. Kumindat nalang ako bago sinara ni Unique yung bintana ng kotse.

On the way na kami. Hays nakakabuset naman Author! Matatapos na yung istorya at lahat traffic pa din sa EDSA? Pwede bang maiba naman?

_Windmill: Oo na! Pasalamat ka talaga kapatid ka ni Blaster nako nako! Oh siya bigyan mo ng pulbo si Unique manghihingi yan. Spoiler peace!

"Blaire, may pulbo ka ba dyan?"

"Oh heto. Patuyuin mo agad buhok mo may maliit na fan dyan."

"Ha?! May fan dito sa kotse?!"

"Mini electric fan. Witty ah? Nahahawaan ka na ni Blastoise hahahahaha!"

Mabuti naman at umookay na ang lagay ng traffic hanggang sa makalusot na kami. As expected, Zild and Shanne are waiting for us. Dali dali kaming bumaba ng sasakyan para salubungin sila. "Hi Shanne!" niyakap niya naman ako with her sweet smile pero hawak niya yung phone niya at para bang hindi mapakali. "Uh I'm sorry if I look so bothered. Wala kasi si ate Shaira hindi ko siya macontact kasi nasa meeting daw. Kailangan na natin magstart eh." paliwanag niya samin ni Unique. "As I said, nandito naman si Blaire haha. Don't panic." pagpapakalma naman ni Zild sa kanya. "It's okay po. I can manage kasi naexperience ko na din naman mapicturan si Unique. Tara na?" Pumasok na kami sa may venue. Sa may likod ng cafe may parang mini garden don.

Nakaposition na yung mga gamit sa pictorial. Agad naman kaming nag umpisa. Nilapitan ko muna si Unique na naireretouch ni Shanne. "Koi, baka pwedeng patanggal muna ng salamin mo during the pictorial? Kung okay lang naman?" he nodded as his answer habang nilalagyan siya ni Shanne ng konting foundation.

What have you done, my Disco?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon