Chapter 7

1.5K 54 147
                                    

"Theo, buksan mo 'tong pinto."

Oh my gah! Si Mom.

Nataranta kami at agad kinuha ni Bank yung damit niya at pumasok siya bathroom. Ako naman ay napatalon at nagbihis agad at hindi ko na nasuot yung underwear ko.

Tumakbo pa ako papunta sa pinto para buksan.

"Bakit ang tagal mong buksan yung pinto?" Tanong ni Mom at mukhang irritable siya.

"I'm sorry. Nagbibihis kasi ako."

Pumasok si Mom at umupo siya sa couch.

Shiya!

Nakita ko pa yung underwear ko na nasa gilid ng kama kaya nagmadali ako pumunta para sipain yung underwear ko sa ilalim ng kama.

"Sinabihan ka na ba ng Kuya mo tungkol sa pagmomodel mo?" Tanong ni Mom.

Kahit kabado ako kasi nasa bathroom lang si Bank ay sumagot pa rin ako.

"Yes Mom at napag-usapan na namin yun." Sagot ko.

"About that, okay lang ba sayo na may kasama kang ibang model?"

"Of course! Professional kaya ako."

"Professional? Pano kung sabihin ko sayo na si Scott ang kapartner mo?" Tanong ni Mom.

Medyo uneasy ako nung nalaman ko kung sino ka-partner ko. Wala naman akong magagawa kasi professional ako. Hindi naman basta-basta na magdemand ako kasi kay Mom at Dad pa rin yung kumpanya at soon to be, kay Kuya na din.

"I'm okay with that." Sagot ko.

Tumango si Mom at parang inalam niya pa sakin kung okay ako about it. Kahit may something kami ni Scott noon, hindi naman sagabal yun sa trabaho namin.

"Teka, nasaan ba si Bank? Hindi ko siya nakita sa kwarto niya."

Napalunok ako nung hinanap ni Mom si Bank.

"I don't know Mom." Sagot ko at mabuti nalang hindi ako nautal. "Baka may lakad lang kaya wala na sa kwarto niya."

"Hindi siya nagpaalam sakin."

Tumabi ako kay Mom at niyakap ko siya para lambingin. Ayoko na hinahanap niya si Bank sakin kasi nakokonsensya ako sa pagsisinungaling ko.

"Mom, malaki na kami. Hindi mo na kailangan na i-monitor kami bawat galaw namin." Sabi ko.

"Theo, nag-aalala lang ako. Alam mo naman ang mundo ngayon, maraming masamang tao at paano na kung may mangyari kay Bank?"

Okay... minsan nga ayoko na maging anak ng elite family. Lahat ng mga tao ay may chika at bash kapag may magawa kaming mali.

"I know Mom but please trust us. Responsable naman kami di ba?" Tanong ko.

Napabuntong hininga pa si Mom bago siya sumagot.

"Okay. Pero, dapat alam ko kung saan kayo pupunta kung may lakad kayo. Ayoko mangyari sa inyo yung mga pinagdaanan ko noon lalo na yung kinuha ka sakin." Sagot ni Mom.

Natawa tuloy ako kasi naalala ko pa yung insidente na yun na kinuha ako ng isang baliw at umarte pa talaga ako para gaguhin yung mga baliw. Pero, takot din ako nung nabaril si Dad.

"Yes Mom, I understand."

"Oh siya, aalis na ako. Marami pa akong gagawing trabaho sa kumpanya." Sabi ni Mom.

Tumayo na si Mom at hinatid ko pa siya sa kwarto.

"Nga pala anak, yung assistant mo nasa baba pala. Mabait na bata yung assistant mo kaya wag mo siyang i-stress o i-pressure." Sabi ni Mom.

My Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon