Almost six hours ang biyahe namin patungo Seoul, South Korea. Sinulit ko na lang yung oras na matulog habang kumportable ako sa business class. Malamig ang panahon dahil spring season sa Seoul.
Pag-landing ng eroplano ay nagpresenta si Zee na dalhin yung handcarry ko pero umayaw ako. Hindi niya obligasyon na dalhin yun at lalo na, hindi ko siya kasambahay.
Paglabas ng eroplano ay binuksan ko yung phone ko. Wala ako signal at hindi ako makapagsend ng message sa asawa ko.
"Zee, may nagtitinda ba ng sim card dito sa loob ng airport?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa baggage counter.
"Oo. I think paglabas natin dun sa baggage counter may booth dun." Sagot niya.
Tumango ako at naglakad kami ng mabilis. Naghintay pa kami ng ilang minuto sa mga maleta namin. Nakuha na ni Zee yung maleta niya pero yung sakin hindi pa. Umikot na lang ulit yung mga bagahe na hindi na claim at wala pa rin yung maleta ko hanggang sa wala ng maleta nilabas.
Na-imbyerna tuloy ako dahil nandun lahat ng damit ko.
Agad ako pumunta sa may airline booth na sinakyan namin at nagreklamo ako. Chineck nila kung may natira pang bagahe and unfortunately, wala na. Hindi ko napigilan na magalit sa kanila and they're keep on telling me about my baggage na nasa Taipei.
Umalis ako ng masaya kanina pero dumating ako ng Seoul na mainit ang ulo.
"Sir, we'll call you when your baggage arrive in this airport and sorry for the inconvenience." Sabi nung staff ng airline.
"You better make sure that I can claim my baggage on this day." Medyo napataas na ang boses ko dahil sa malas na araw na 'to.
"Okay Sir. Again, we're sorry."
Hindi na ko nakinig dahil kahit ilang beses pa sila mag sorry sakin, naglakwatsa ng kusa ang maleta ko sa Taipei.
Pagkatapos ko nagreklamo ay napansin ko na hindi ko na kasama si Zee. Hindi ako umalis dahil hindi pa ako nakabili ng simcard para makatawag o makatext. Nung hindi ko siya nakita ay nagpasya nalang ako umalis at hanapin yung susundo samin.
"Theo, wait!"
Napalingon ako at nakita ko si Zee na tumatakbo papunta sakin.
"Saan ka ba nanggaling?" Iritableng tanong ko.
"Sorry, bumili lang ako nito." Sabi niya sabay pakita ng simcard. "Akin na yung phone mo."
Binigay ko yung phone ko at pinalitan niya ng simcard. Chineck pa niya kung nagkaroon na ng signal saka niya binalik sakin.
Nung may signal ulit yung phone ko, tinawagan ko na ang asawa ko. Mas mabuti ng tawagan ko siya kesa i-text.
"Hon... kamusta? Di ka ba napagod sa biyahe?" Tanong ang sumalubong sakin ni Chen.
"Yes Hon. Nagkaproblema lang ako kasi naligaw yung maleta ko." Pinaalam ko na yung nangyari sakin.
"Naayos mo na ba yun? Nandun pa naman lahat ng gamit mo."
"Oo... na-imbyerna ako."
Tumawa pa siya sa kabilang linya.
"Bumili ka nalang ng damit diyan at necessities. Gamitin mo yung credit card. Ako na magbabayad niyan." Sabi niya.
"But Hon..."
"Wala ng but but Hon. Sige na, gamitin mo na yun. For emergency naman yun g credit card."
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.