Muntik ko na nakalimutan na may pa despidida party pala si Mom para kay Bank. Nakaramdam agad ako ng chills nung naalala ko na ipakulam niya ang aabsent sa party na yun.
"P'Tine, paki-cancel please yung dinner meeting ko mamaya." Sabi ko sa secretary ko.
"Okay Sir Chen. Ano po sasabihin ko sa kanila kung bakit mo pina-cancel?" Tanong niya sakin.
"Kailangan ko i-meet ang boss ko... Si Sir Wayo. Sagot ko.
Yun nalang talaga ang last resort ko na dahilan para hindi magalit yung mga i-meet ko mamaya. Agad naman niya tinawagan yung mga businessmen at nagligpit na ako ng mga documents na. Pinuntahan ko ang asawa ko at busy pa siya.
"Hon, you're not ready yet?" Tanong ko.
"Ready for what?" Tanong niya ng hindi niya ko tiningnan dahil naka-focus siya sa bagong project niya.
Napa-cross arms ako at hindi sumagot hanggang napatingin siya sakin.
"What?"
"Hon, don't you remember? O baka gusto mo magpakulam?"
"Shiya!!!"
Nanlaki ang mga mata niya at nagpanic siya. Natawa ako sa reaksyon niya hindi niya ma-organize yung mga documents niya. Tinulungan ko siya magligpit para mas mabilis matapos.
"Buti pinaalala mo. Muntik ko na nakalimutan." Sabi niya.
Pinatawag na din niya si Gun at pinaalam niya na pupunta pala sila ng party ngayon. Pati si Gun nagpanic at agad lumabas para magligpit din siya.
Iba talaga pag si Wayo Panitchayasawad-Itthipat na. Lahat ay matatakot.
"Dadaan pa tayo ng cake shop." Sabi ko.
"Okay. Daan din tayo sa mall. Bili lang tayo ng casual clothes. Ayoko ng naka-suit pa rin sa party."
"Sige Hon."
Umalis kami agad ng matapos namin ayusin yung desk niya. Pati si Perth nataranta ng dahil sa amin at instant lahat. Nandiyan agad ang kotse at nag-waze na rin ang driver namin kung saan ang hindi traffic.
Tinawagan ni Perth si Saint para i-manipulate yung traffic lights at rinig ko na sinigawan siya Saint. Natawa na lang ako.
"Chill lang kayo. Ang sabi naman niya yung aabsent... hindi yung male-late." Sabi ko.
Dumaan pa kami ng cake shop at bumili kami ng dalawang Blueberry Cheesecake at Black Forest cake.
"Theo, totoo bang kukulamin tayo ni Sir Wayo pag absent tayo sa party?" Tanong ni Gun.
"You know Mom... seryoso siya sa mga sinasabi niya kaya sumunod nalang tayo kung ayaw mo may mararamdaman ka mamaya." Sagot ni Theo.
Natawa ako sa sagot ni Theo. Pati si Theo ay seryoso din. Mas kilala niya si Mom kaya sigurado ako may naka-ready ng mangkukulam sa bahay.
Umalis agad kami at minalas sa daan. Inabutan kami ng traffic dahil pa-5pm na kasi. Tinawagan na si Theo ni Mom at sinabihan na papunta na kami.
"Talagang naninigurado si Mom. Inaalam niya kung sino ang hindi makapunta." Sabi ng asawa ko.
"Grabe naman ni Sir Wayo." Dagdag pa ni Gun.
"Sinabi mo pa. Mala-anghel ang mukha pero pag magalit, parang kaharap mo na ang demonyo." Dumagdag din si Perth.
Napa-brainstorm ako sa sinabi ni Perth. Hindi naman siguro ganun kasama si Mom dahil mahal nga siya ng mga empleyado niya.
Almost 6pm ay nasa daan pa kami. Nababagot na din ang asawa ko pero hindi na kami malayo sa bahay ni Mom. Hindi na rin kami dumaan ng mall para bumili ng damit. Nagkuwentuhan nalang kami para hindi kami mabored hanggang sa makarating ng bahay.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.