"P' bakit ka nilipat dito?" Tanong ni Theo kay P'Jenny.
Biglang dumating yung isang staff dito sa cafeteria dala ang mga pagkain na pinakuha ni P'Jenny.
"Kumain din kayo ha. Wag kayo mag-alala, babayaran ko lahat yan." Sabi ni Theo.
Natawa si P'Jenny at hinampas pa niya si Theo sa braso.
"Hindi ka pa rin nagbabago."
"Bakit P'? Kailangan ko ba magbago para magiging mabuti?"
Umiling si P'Jenny.
"Hindi sa ganun. Ang ibig kong sabihin, binibili mo pa rin lahat ng mga niluto ko para lang hindi na ko mahirapan." Sabi ni P'Jenny.
Tumawa si Theo sa sinabi ni P'Jenny.
"Sign of my apology yan kasi gumawa ako ng eksena dito. Nasanay kasi ako na kilala ako ng mga tao. Nakalimutan ko na limang taon ako nawala at maraming nagbago dito."
"Oo... katulad ng paglipat sakin dito. Buti nalang nilipat ako ni Sir Scott kung hindi, balik park ako." Sabi niya.
Napahawak si Theo sa kamay ni P'Jenny.
"I'm sorry. It was all my fault kung bakit nagkaproblema ang Thanatsaran Company."
"Hindi Theo... talagang bad luck lang ng kumpanya yung taon na yun. Kinausap naman kami lahat ni Sir Wayo at Sir Godt na hindi sila mag-tatanggal sa amin. Nilipat lang kami dito sa Panitchayasawad Company at yung iba sa kumpanya ni Miss Yihwa. Nung binuksan yung bagong kumpanya ni Sir Wayo, na re-assign lahat ng empleyado dito sa bagong kumpanya. Kailangan talaga ng mas experienced na staff sa kumpanyang yun."
Ngumiti si Theo sa mga narinig niyang kwento mula kay P'Jenny.
"Kapag si Mom ang namamahala, hindi talaga kayo pababayaan basta gawin niyo lang trabaho niyo. At masaya ako na nandito ka."
"Nga pala, nasaan yung asawa mo? Gusto ko siya makita."
Nawala na sana sa isip ko yung kumag na yun habang nagkukuwentuhan sila pero biglang binanggit ni P'Jenny yung kumag!!
"He's working sa Cerbaeo Company."
"Kaya ba napilitan kang bumalik dito?"
"Kind of like that. Sinusuportahan ko naman ang asawa ko gaya sa pagsuporta niya sakin."
Kinurot ni P'Jenny si Theo sa may tagiliran at napa-aray si Theo.
"Blooming pala lovelife mo. Kakainggit! Sana ako din, merong ganyan."
"Soon P'Jenny."
Sa dinami-dami nilang kinuwento ay na-enjoy ko naman dahil parang ordinaryong tao lang sila na walang paki-alam kung ano mga reaksyon nila. Marami silang kinuwento at halos yung mga past nila at yung napag-usapan nila sa chat.
"Theo?"
Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ng baby ko.
"Uncle Tae!" High pitch pa ang boses ni Theo nung nakita niya si Uncle Tae.
Niyakap agad siya ni Uncle Tae at ginulo pa yung buhok niya.
"Kailan ka dumating? Bakit hindi na newsflash yung pagbabalik mo?" Tanong ni Uncle Tae.
"Loko ka pa rin Uncle. Biglaang pag-uwi lang at ayoko na mabalitaan pa. Hindi naman ako celebrity."
Tumawa si Uncle Tae sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.