Nasa loob kami ng bahay at pinag-usapan namin yung nakita naming ebidensya mula kay Bank. Hindi ko lubos maisip na si Bank ang may kakagawan nito. Paano niya nagawa yun sa kapatid niya?
Okay lang naman sakin na ako ang saktan niya pero napahamak na ang asawa ko na kapatid niya.
"Huminahon kayong dalawa. Hindi natin maso-solusyonan ito kung pina-iral niyo ang mga galit niyo." Sabi ni Sir Wayo.
"Yan ang pagsabihan mo Mom. Agad-agad lang siya nanunugod ng walang basehan!" Sigaw ni Bank.
"At ngayon magde-deny ka pa ha! Alam ko may galit ka sakin pero bakit mo pa dinamay ang asawa ko? Kapatid mo ang pinahamak mo!" Sagot ko din sa kanya na nakasigaw.
"Sa tingin mo magagawa ko yun ha?! Hindi ako katulad ng pamilya mo na mamamatay tao!"
"Enough!"
Natahimik kaming dalawa nung sumigaw na si Sir Godt. Dini-deny pa niya na hindi siya eh klarong klaro na sa kanya galing yung anesthetic agent na yun na ginamit sakin.
Alam ko papaboran nila si Bank dahil kapamilya nila. Hindi ko na aasa na may papanig sa akon.
"Bank, alam mo ba na yan ang ginamit kay Chen na muntik na siya mamatay?" Tanong ni Sir Godt.
"Paano ko naman malalaman yan eh sa sobrang busy ko, wala na nga akong oras para guluhin yang son-in-law mo!" Taas pa rin ang boses ni Bank habang sinagot niya si Sir Godt.
"Now you know pero bakit may dala ka nito?" Tanong ni Sir Godt at sabay pakita ng vial.
"Hindi ko alam. Nagulat din ako na may ganyan ako. Hindi naman ako anesthesiologist." Sagot niya.
Talagang deny to the max pa siya ngayon. Nasa harap na niya ang ebidensya namin at ayaw pa aamin.
"Teka, kung hindi sayo yan, eh kanino yan? Don't tell me may naglagay niyan sa kotse mo." Sabi ni Tita Queenie.
"I don't know. Maybe this is a setup. Pero kung hindi kayo naniniwala sakin, it's fine." Sabi ni Bank.
It's still attempted murder!
Hindi ko pa rin ma-exclude yung thought ko na si Bank ang may gawa unless he can prove it to us na hindi talaga siya. But in case he can't, I'm sorry but I'll do the right thing.
Tumayo si Theo at nagsalita na rin siya.
"Chen, huminahon ka. Walang magagawa ang galit niyong dalawa kung pina-iral niyo. Alam ko na hindi magagawa ni Bank ang pumatay. I know him so well and I assure you na hindi siya."
Hindi ko inexpect na papanig ang asawa ko sa kanya. Although may kirot sa puso ko na hindi siya kumampi sakin but every word of Theo's makes me believe.
Huminahon na ako para sa asawa ko kahit hindi ko gusto ang sinabi niya. Sana naman hindi naging blind ang asawa ko dahil may relasyon sila noon at higit sa lahat, kapatid pa din niya si Bank.
"How sure are you Theo na hindi ako? Di ba galit ka sakin?" Tanong ni Bank.
Lumapit si Theo sa kanya at sinampal siya.
"Oo, galit ako sa immaturity na pinakita mo sa amin ni Chen but... you're still my family, Bank. Alam ko na hindi mo kayang pumatay dahil kilala kita." Sabi ni Theo.
Napansin ko nangingiyak si Bank sa mga sinabi ni Theo. Bakit pakiramdam ko ay parang kinawawa namin siya?
"Now tell me, may mga tao ba sa paligid mo na nakakahinala habang nagtatrabaho ka?" Tanong ni Theo.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.