Hindi ako makapaniwala na nakalabas ng kulungan si Pring. Parang bumalik lang yung nakaraan na bata pa lang ako ay naging hostage na ako ng baliw na 'to.
"What's with the face Theo?" Tanong niya sakin at ngumisi pa siya. "Akalain mo naman na hawig mo talaga si Wayo."
"Paano ka nakalabas? You're supposed to be in jail."
"But not now, dear. I was out and free... free to make your life like hell." Sagot niya sakin.
Hindi ko talaga inasahan na mangyari 'to. Ang plano lang namin ay itakas si Kyo kay Sab but it looks like I was set for a grand show of this freak.
"Siguro naman na bitawan mo ang apo ko, Theo." Sabi niya sakin.
"No! Itatakas ko siya para hindi siya madamay sa kabaliwan niyo."
Tumawa ng malakas ang bruha at bumunot siya ng baril sabay tutok na rin samin ni Kyo.
"Ayaw mo talaga sumunod?"
Biglang pinutok ni Pring yung silencer gun. Mabuti nalang naka-dodge ako. Mahigpit kong niyakap si Kyo para hindi ko siya mabitawan.
"Missed! Parang kailangan ko ng practice." Sabi pa niya.
Tumakbo ako palabas ng kwarto hanggang sa pintuan pero natamaan ako sa binti. Sinigurado ko na hindi ko mabitawan si Kyo habang namimilipit ako sa sakit ng tama ng bala.
"Ayon, asintado na rin." Sabi pa niya at narinig ko na tumawa pa siya.
Habang napa-upo ako sa sahig ay hindi ko pinahalata na i-press na yung emergency button sa case ng phone ko para ma-alarma na sina Uncle Perth.
Nilapitan kami ni Pring at hinablot niya ang buhok ko. Kinaladkad niya ko at hindi ako pumalag dahil priority ko si Kyo na hindi nila makuha o masaktan.
Nagtataka nga ko kung bakit hindi nagising si Kyo nung natumba ako sa pagbaril ni Pring.
Kahit masakit na yung anit ko sa ulo, tiniisi ko ito para lang mahigpit ang hawak ko kay Kyo. Kinaladkad niya ko mula sa may pintuan hanggang sa may sala kung saan nakahiga si Sab na walang malay.
"I smell a piece of my victory." Sabi niya sabay ngisi sakin.
Umupo siya sa kabilang couch habang tinitingnan at tinututok yung baril sakin.
"Ano kaya mararamdaman ni Wayo pag nalaman niya na sa akin ang pinakamamahal niyang anak?" Tanong niya sa sarili niya.
Dumudugo pa rin yung tama ko sa binti at gusto ko sana lagyan ng tali para hindi mabilis yung blood loss pero hindi ko magawa dahil kay Kyo.
"Sab! Gumising ka na diyan. Wag ka ng magdrama."
Nagulat ako sa sinabi ni Pring at napalingon ako kung saan nakahiga si Sab. Bigla nalang siya tumawa at bumangon sabay ayos pa sa sarili niya.
"Okay na ba yung acting ko?" Tanong ni Sab kay Pring.
Nag-thumbs up naman ang baliw habang nakangisi at tumayo na rin si Sab. Inaagaw niya sakin si Kyo at hindi ako nagpapatalo na makuha niya ang bata hanggang sa binaril ulit ako ni Pring sa may braso ko. Tuluyan ko nabitawan si Kyo dahil sa tama sa braso ko. Nagulat din si Sab nung binaril ako at may lagging phase moment pa siya bago niya kinuha si Kyo.
"Mauna ka ng umalis Sab kasama ang apo ko. Kailangan ko pa kausapin ang anak ng mortal na kaaway ko." Sabi ni Pring.
"Sige, but please... don't kill him."
"Of course... ibalato ko siya sayo mamaya."
Pumasok sa kwarto si Sab at hindi siya dumaan sa pinutan ng hotel room na 'to. Naiwan ako dito kay Pring na sobrang saya pa niya sa nangyari sakin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.