Chapter 30

917 33 51
                                    

Theo's POV

Napatakbo ako papunta sa ICU at totoo nga na gising na si Chen. Tinitingnan siya ng doktor niya habang ako ay excited na din sa magandang balita. Hindi ko maipagkaila yung saya ko na dininig ng Diyos ang mga dasal ko. Mukhang hindi pa makapagsalita si Chen dahil sa intubation tube sa bibig niya.

Nung lumabas yung doktor ay agad ako lumapit sa kanya.

"Doc, kamusta na po si Chen?" Tanong ko.

"He's much stable now at tatanggalin na namin yung tube sa bibig niya. He's still in confuse state dahil sa kakagising lang niya at kailangan pa namin siya obserbahan within 24hours."

"Obserbahan? Why?"

"Don't worry, gusto ko lang makasiguro na lahat ng lab tests niya ay within normal limits bago ko siya ilipat sa private room." Sagot ng doktor.

Akala ko kung ano na. Magandang balita na din 'to para sakin na stable na din ang kondisyon ni Chen.

"Pwede ko po ba siyang dalawin?" Tanong ko.

"Yes, after I remove tube."

Bumalik ulit sa loob ng ICU ang doktor at parang nagbigay na din siya ng instructions sa nurse. Pagkatapos, tinanggal na din yung tube sa bibig ni Chen.

"Thank you, Lord."

Pinayagan na din ako pumasok sa ICU at agad ko niyakap si Chen. I know he's not yet fully recovered pero na-excite lang ako na gising na siya.

"Chen, wala ka bang nararamdaman kahit sakit sa sugat mo o kahit ano?" Tanong ko.

Nakatitig siya sakin at hindi man lang nag-react. Maya-maya ay sumagot din naman siya.

"Sino ka?"

Nanlaki ang mga mata ko nung tinanong niya ko. This can't be! Hindi pwedeng magka-amnesia siya kaya papaalis na sana ako para tawagin yung nurse pero bigla niya hinawakan ang kamay ko. Ngumiti siya sakin at sabi...

"I'm just joking Theo."

Dahil sa inis ko ay nahampas ko siya sa dibdib. Napa-ubo naman siya sa ginawa ko at pinagalitan ako ng attending nurse niya. Naku, ang wagas maka-homily ng nurse na ito at pinalabas niya ko.

Kakainis!

Hindi ko man lang naka-usap ng matagal si Chen. Nakita ko pa siya na nakangisi at mukhang nasiyahan naman siya dahil napagalitan ako. Loko ka talaga Chen.

Si Mom naman yung pumasok at kinamusta si Chen. Mukhang masinsinan yung usapan nila dahil sobrang seryoso ni Mom. Nakakainis dahil mas maraming oras si Mom kay Chen.

"Theo, heto na po yung breakfast mo." Sabi ni Tita Saint sabay abot sakin yung pagkain.

"Mamaya na ko kakain. Gusto ko pa makausap si Chen."

Binatukan naman ako ni Tita Saint at napa-aray ako.

"Kumain ka na nga! Ang tigas ng ulo mo! Hindi naman mawawala si Chen diyan. Pwede mo siyang kausapin mamaya yan ay kung papayagan ka ng nurse."

Inirapan ko talaga yung nurse kahit hindi niya ko napansin. Gusto ko tuloy siya i-fire sa trabaho niya. Hahahahaha! Just joking!

Hinintay ko na makalabas si Mom para tanungin ko siya kung ano ang napag-usapan nila ni Chen. Medyo seryoso kasi sila sa pag-uusap nila.

"Theo!" Sinigawan na ako ni Tita Saint kaya sumunod na ako.

Hindi na rin ako nagmatigas dahil alam ko na okay na si Chen and I'm so happy with it.

My Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon