Theo's POV
Two weeks ang nakalipas ay naghanda na ako para sa party mamayang gabi. Parang ayaw ko nga pumunta kasi ang ka-date ng boyfriend ko ay si LUCY-FER!
Kumukulo talaga ulo ko pag naisip ko na magkasama sila ni Bank. Ang masaklap pa ay Sunday lang ako binibisita ni Bank. Pero, laki pa rin ang tiwala ko kay Bank. Alam ko may pinaplano siya pero sa lagay niya ngayon na may Medschool pa siya, magagawa pa kaya niya yung plano niya?
Isa pa, nagkaproblema kami ngayon dahil two weeks na din nawawala si Pavel. Pati manager niya hindi siya mahanap. Ang sabi pa ay may kameet-up si Pavel at hindi niya kasama ang manager niya.
Dapat nga masaya ako dahil wala ng makakapagsabi kay Bank ng deretso na may nangyari sa amin. Si Lucy-fer nalang ang problema.
Bakit pakiramdam ko tuloy na may nangyari masama kay Pavel? Hindi talaga ako matahimik kasi umaga pa lang ay sinusundo na niya ko para sabay kami pumunta sa trabaho.
"Theo, tapos ka na ba maligo? Mag-two hours ka na diyan ah! Baka akong milagro ginagawa mo ha."
"Tita Saint naman!" Sigaw ko.
Umahon na ako sa bathtub at tinapos ko na yung bath-time ko.
"Bilisan mo diyan, nandito na si Gun dala yung damit na susuotin mo."
"Okay po."
Hindi ko namalayan na two hours na pala ako nag-iisip ng mga bagay-bagay. Pagkatapos ko maligo ay naka ready na yung damit ko. Inayos na pala ni Gun yung susuotin ko. Naka-save pa ako ng time.
Hindi ko mapigilan na puriin ang kagandahan ko. Dapat lang na maganda ako dahil may umaaligid kay Bank mamaya. Kailangan makuha ko si Bank sa kagandahan ko.
"Theo, nandito na hairstylist mo." Sabi ni Gun nung kumatok siya.
"Pumasok na kayo Gun, tapos na ko nagbihis."
Pumasok na sila at chumika pa ang hairstylist ko na hindi bagay yung damit na suot ko sa beauty ko.
"Sir Theo, gusto mo bang magdamit babae? Mas bagay sayo yun on this event." Sabi nung hairstylist.
"P'Joy, formal event po yun at hindi cosplay. Baka mapatay ako ni Mom pag ginawa ko yun." Sagot ko.
"Talaga? Sa pagka-alala ko, si Wayo ay nagdamit babae din siya on a special event sabi nung kaibigan ko na nagbihis sa kanya dati. Kaya pwede naman siguro yun. Kabugin mo ang lahat para may impact."
Gusto ko tumawa sa mga chika niya kaso formal event yun. Baka ihawin ako ni Mom ng buhay sa harap ng mga tao. And besides, okay naman 'tong ayos ko. Hindi naman masyadong manly.
"P'Joy, simulan na po natin." Sabi ni Gun.
Naisip ko din na bakit nga hindi magdamit babae ako? Wala naman nakakakilala sakin dahil low profile ako dito sa Bangkok. At saka, kung kailangan ko kabugin ang lahat lalo na si Lucy-fer, siguro yung suggestion ni P'Joy ay may greatest impact on that special event.
"P' teka." Pinahinto ko siya nung sisimulan na niya ayusin ang buhok.
"Yes Sir Theo?"
Bahala na! Gusto ko talunin yung Lucy-fer na yun kaya...
"Gawin mo kong babae."
Tumili ng malakas si P'Joy nung sinabi ko yung gusto ko at nakita ko pa si Gun na nalalag ang panga, literally.
"Theo, sigurado ka ba diyan?" Tanong ni Gun.
"Oo... may plano ako kasi. Gusto mo ba ko supportahan Gun?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.