Chapter 48

773 29 8
                                    

Bank's POV

Hindi ko akalain na makita ko ulit si Theo ay nanumbalik yung nararamdaman ko. Akala ko naka move on na ako kay Theo pero hindi pala. May anak na ako, anak na hindi ko sinadya na mabuo dahil sa kalasingan. Aaminin ko, hindi ko pa kasi tanggap na wala na sa akin si Theo kaya nung nagyaya mga kasamahan ko dun sa Africa, napainum ako ng sobra para makalimut but it didn't work.

Masaya na si Theo at may anak na sila ni Chen. Hindi ko pa rin maiwasan na ma-inggit kay Chen dahil nagawa niyang pasayahin si Theo at mga anak nila. Kung pwede lang humiling na sana ako nalang si Chen.

"Anak, ready ka na ba bumalik sa hospital ko?" Tanong ni Dad habang papunta kami dun.

"Yes Dad." Sagot ko habang nakatingin ako sa bintana ng kotse.

Tahimik lang ako dahil sa mga iniisip ko. Kung pwede lang ma-ibalik yung oras na nagkagulo ang pamilya namin ay nanaisin ko na hindi iwan mag-isa si Theo pero mali talaga ang desisyon ko na sumama kay Lucy at that time.

Kung nasa tabi lang ako ni Theo malamang hindi niya makilala si Chen.

"Is there bothering you?" Tanong ni Dad.

Mukhang napansin niya na ang lalim ng iniisip ko.

"Wala naman Dad. Just thinking..."

"About Theo?" Bigla siya sumingit.

Ayoko ipakita sa kanya na yun talaga ang rason ko kung bakit ako tahimik.

"No... iniisip ko lang ang future ko." Sabi ko at ngumiti kay Dad.

"Really? Nasa present tayo kaya wag mo masyadong iisipin yung future na yan. Ma-stress ka lang." sabi ni Dad.

Iniisip ko kung pwede ba maging selfish ako for this time on. Ayoko ng ganito na pakiramdam ko, nasasaktan ako araw-araw. Hindi ko kayang pakawalan si Theo sa buhay ko and the more I didn't see him for how many years, the more I'm longing for him.

"Anyway, gusto mo na bang umupo bilang medical administrator ng hospital?"

Umiling ako agad sa offer ni Dad.

"I'd rather work as a physician na walang posisyon sa hospital mo Dad. And else, you're still healthy. Inaalagaan ka naman ni Mom kaya you're still in shape."

Lumapit siya sakin at bumulong.

"Oo... sexercise lang ang pagburn ko ng calories at fats. Walang panahon mag-gym eh."

Natawa ako sa sinabi ni Mom. No wonder why Mom is still blooming. Palaging nadidiligan ni Dad. Buti nalang kinaya ni Mom ang stamina ni Dad.

"Nga pala, schedule ng mga anak ni Theo for a check-up sa hospital namin. If you want to see them then you can visit." Pinaalam ni Dad.

Ewan ko kung bakit biglang sumaya ako nung nalaman yun. Knowing that Theo and kids lang at wala si Chen, parang opportunity ko to get close. Hindi naman sa excited, gusto ko lang makita at makausap si Theo.

Nung dumating kami ay sinalubong kami ng secretary ni Dad. Bago na pala ang secretary niya.

"Sir, nandun na po lahat ng reports sa desk na kailangan mo."

"Okay. Kunin mo na lang din yung mga documents ng expenses din para ma-check ko." Utos ni Dad.

Agad naman umalis yung secretary niya para gawin yung utos ni Dad. Sumunod lang ako kay Dad kung saan siya pumunta. Nakatingin pa yung ibang staff na bago sa paningin ko. Marami din pala nagbago dito lalo na sa mga staff.

My Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon