Wala ako sa mood na kumain habang pinapakita ni Chen sa akin kung gaano kalambing at kasweet si Theo sa kanya. Napakuyom talaga ako ng kamay dahil hindi ko maiwasan na mainggit at magalit. Ng dahil sa lalakeng yan ay nag-iba ang takbo ng buhay namin ni Theo. Sana nga hindi na lang nakilala ni Theo si Chen, malamang kami pa hanggang ngayon.
Natauhan ako mula sa galit at inggit ko nung hinawakan ni Sab yung kamay ko. Ngumiti lang siya sakin at parang sinasabi sakin na huminahon ako. Nakonsensya tuloy ako na ganito ang akto ko habang nasa tabi ko lang ang fiance ko.
"Mabuti nalang at umuwi kayo, anak. Miss na miss ka na ni Daddy." Sabi ni Dad.
Napatingin si Theo kay Mom at inirapan pa.
"Oo, kailangan kasi ni Hon na ma-accomplish yung work niya dito sa Cerbaeo Company."
Biglang nabulunan si Mom nung ininum niya yung tubig niya. Mukhang plano talaga ni Mom na pauwiin si Theo sa pamamagitan ng kumad na si Chen. Napangisi ako kasi nagtagumpay si Mom.
"Di ba Mom, plano mo 'to?" Tanong ko.
"No, anak... yung board members ang nag deliberate kung papayag sila kasi plano ng kumpanya to invade internationally." Medyo nautal pa si Mom which proves na siya talaga ang may pakana.
"Thank you po Sir Wayo for giving me an opportunity." Nagsalita ang kumag!!
Ngumisi lang si Mom pero uncomfortable siya sa mga tingin ni Theo.
"Dad, nasaan si P'Dott? Hindi ko siya nakita." Tanong ni Theo.
"Naku, magtatampo yun pag nalaman niya na nandito ka. Nagbakasyon kasi siya at sinamahan si Max sa probinsya. Dadalawin lang nila yung relatives nila doon." Sagot ni Dad.
Tumango lang si Theo at inasikaso naman siya ni Chen. Nilagyan ng pagkain at kulang nalang subuan niya si Theo sa harap namin.
Oh please! Enough with the show, Chen. Sarap mong bugbugin!
Ito naman si Theo kilig na kilig din sa ginawa ni Chen. Ganun na ba siya kabaliw kay Chen? Noon, sa akin siya nababaliw. Kahit sa sex namin ay sobrang nagwa-wild siya kaya I still got the edge if i-categorize ni Theo yan.
"Bumalik ka na pala sa pagiging businessman." Bigla ako nagsalita at inaddress ko ito kay Chen.
Napatingin naman siya sakin at ngumiti.
"Yes Bank. I started again from scratch." Sagot niya.
"Mabuti nalang ay nakatayo ka pa matapos ang lahat ng ginawa ng pamilya mo sa amin."
Wala akong pakialam kung anong iisipin ng pamilya ko but that's true. Dapat hindi nila makalimutan kung anong ginawa ng mga Pokphand sa amin just to prove that no one in Pokphand family will enter our family.
"Bank, behave." Sabi ni Mom.
Ngumiti lang ako habang si Chen ay parang na caught off guard.
"Hanggang ngayon ay yun pa rin ba ang isyu mo?" Napatingin ako kay Theo nung tinanong niya ko.
"Hindi naman. I just want in this room to remember how our lives got trampled on because of his family." Sagot ko.
"Bank, please don't make a scene." Sinita ako ni Sab.
"No! Totoo naman di ba? Ang pamilya ni Chen ang sumira sa buhay natin. Kuya got jailed and was accused which he didn't do it. Mom and Dad were almost crazy on how to end the feud and..."
Bigla ako napahinto ng sumingit si Theo sa sasabihin ko.
"And I did the right thing not to sign the papers. If I did, everything will still be a mess!" Medyo napa-high pitch siya sakin.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.