These past few days, naging okay naman si Chen after nung incident niya na nagkaroon ng headache... let me say na, severe headache. Nag-aalala pa rin ako sa kalagayan niya dahil namimilipit talaga siya sa sakit.
"Mom, why are spacing out?" Tanong ni Cassie sakin.
Bumalik ako sa wisyo at pinakain ko ang anak ko.
"Sorry baby, may iniisip lang si Mommy." Sagot ko.
Tinapos ko muna ang pagpapakain sa anak ko, saka yung pagligo nila ay inaasikaso ko na rin bago sila nag-aral.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita mula kay Bank at hindi na rin niya masagap yung doktor na tumingin sa nanay ni Chen. Gusto ko na nga tanungin si Chen pero hindi ko magawa. Baka pagdudahan niya ko na inisip ko na may sakit siya.
Hindi ako mapakali at isang tao lang ang makakasagot sa tanong ko, yan ay kung gusto niya ko makita.
Tinawagan ko si P'Dott para pumunta dito sa bahay ni Pappy dahil aalis ako. Hindi ko kasi maiwan sa mga kasambahay dahil may mga trabaho din sila. Wala din akong yaya para sa mga bata kasi hands-on ako sa kanila.
Nung dumating si P'Dott ay agad ako binilin yung mga anak ko at umalis. Inutusan ko ang driver na ihatid ako sa kulungan.
Pagdating ko sa kulungan, agad ako nag request ng visiting time para kay Lucy. Yes, siya lang ang makakasagot sa tanong ko at hindi niya alam na bibisitahin ko siya.
Hindi ako mapakali at nakatayo ako dito sa visiting area habang naghintay na dalhin dito si Lucy.
"Theo?"
Napalingon ako nung tinawag niya ang pangalan ko. Tumawa pa siya nung nakita niya ang pagmumukha ko... yung mukha na nagpakulong sa kanila.
"Akalain mo naman. Yung bisita ko ay yung karibal ko. What brought you here, faggot?" Tanong niya sakin.
Napansin ko na nakaposas siya but I still kept my distance from here. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng baliw na ito.
"I'm here to give me an answer."
"Ohhh... may pa Q and A ka na pala. Isasalang mo ba ako sa pageant?"
"Will you please be serious for once. Wala ako sa mood na makipagbiruan sayo. If I were you, just be serious or else I can do anything to you inside the jail." Bulong ko sa kanya nung lumapit ako ng konti.
Naging seryoso naman siya matapos ko siya pagbantaan.
"Ano ba kailangan mong malaman?" Tanong niya.
"Ano ang ikinamatay ng Mommy niyo?" Diniretso ko na ang tanong dahil gusto ko rin makaalis dito agad.
Napatitig pa siya sakin at hindi ko makakuha kung ano ipinahiwatig niya.
"Ano naman sayo kung ano ang ikinamatay ni Mom?" Tanong niya sakin.
Nadabog ko ang kamay ko sa mesa at inirapan ko siya ng matindi na parang magsi-switch na ako ng personality.
"Siguro naman madali sagutin yung tanong ko. Wag mo ko sagarin Lucy kung ayaw mo makita ang hinahanap mo." Sabi ko.
"Ohh scary... more practice pa Theo."
Nagpipigil ako ng galit ngayon dahil sa tuwing makita ko ang pagmumukha ng babaeng ito ay gusto ko maghasik ng lagim.
"Ganun ba? Ano kaya kung may ipapabugbog ako sa kulungan?" Bulong ko sa kanya.
"Come on Theo... hindi na ako takot niya. At saka, I own the jail. Naging lair ko na rin 'to dahil ako ang malakas dito." Sagot niya.
Napangisi ako sa sagot niya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.