Gulat na gulat sina Theo at Bank nung nakita ko ang halikan nila. Mismong galit ang nararamdaman ko kasi nagtukaan sila at magkapatid pa talaga. Agad ko sinulong si Bank para suntukin pero pinigilan ako ni Theo.
"Kuya please!!" Sabi niya habang pinipigilan niya ko.
"Alam niyo ba yang ginagawa niyo ha?! Mali 'to Theo!"
"I know pero mahal ko si Bank!" Sabi ni Theo.
"Hindi naman kami magkadugo kaya..."
"Kaya okay lang na magkarelasyon kayo Bank ha?!!" Napasigaw ako at napakuyom talaga ako ng kamay. "Hindi nga tayo magkadugo pero magkapatid tayo sa batas!"
Hindi rin nagpatinag si Bank sakin.
"Ano naman ngayon? Ang dali naman gawan ng paraan niyan. Kailangan lang di ba ng consent ni Mom at baguhin yung mga documents namin." Sabi pa ni Bank.
Hindi na ako nagpapigil kay Theo at sinuntok ko si Bank. Nanggigil na ako sa galit dahil sa mga katwiran niya. Bigla siya tumawa like he's mocking me.
"I know why you're so mad right now not because Theo and I have a relationship but it's all because you love Theo too!"
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Bank. Paano niya nalaman yung naramdaman ko kay Theo? Tinatago ko talaga 'to kasi alam ko hindi pwede.
Nainis ako sa ngisi niya at susuntukin ko sana siya ulit pero pumagitna na si Theo sa amin.
"Wag mo na saktan si Bank, Kuya." Umiiyak na si Theo ngayon.
Ayaw ko pa naman siyang makitang umiiyak kaya napigilan ko.
"Ganito na ba kayo ha? Ang titigas na ng ulo niyo, lalo ka na Bank!" Sabi ko.
"Matagal na Kuya dahil yung gusto ko ay hindi ko talaga nakuha sa simula pa lang." Sagot niya sakin.
Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Tungkol ba ito sa pagmamahal niya kay Mom dati?
"It doesn't matter anyway as long as I have Theo by my side." Dagdag pa niya.
Galit na galit na ako ngayon lalo na sa mga sinasabi ni Bank. Kaya pala sobrang close nila dahil yun, may relasyon na pala ang dalawa. Pero, bakit ganun? Wala silang takot na ituloy yung relasyon nila kahit alam nila na ikakasira ito ng pamilya namin.
Totoo naman na hindi kami magkadugo at naka-bind kami sa iisang papel na magkapatid kami. Kung iisipin ko din ng mabuti, wala naman din mali kung ipapa-null lang yung papers.
"Hindi ako makakapayag sa relasyon niyo. I'm going to tell Mom and Dad about this para matuto kayo." Sabi ko.
"Gawin mo Kuya. Di ba ayaw mo masira ang pamilya na 'to kaya I dare you to tell Mom and Dad about this."
At hinamon pa ako ni Bank. Kailangan na siya naging ganito na masyadong kampante at marunong na magbanta.
"Please Kuya, wag mo ng sabihin kay Mom at Dad 'to." Nagmakaawa na rin si Theo sakin.
Pasalamat ka Theo malambot ang puso ko para sayo kung hindi lang, I really don't care what will happen. Kahit labag sa kalooban ko ay pumayag ako na hindi sabihin sa magulang namin.
"But in one condition, Theo."
"Ano yun?"
"Dito ako matutulog sa kwarto mo."
Nagulat silang dalawa sa kondisyon ko. Naisip ko na ako ang babantay kay Theo na hindi siya lapitan ni Bank baka ano pang gawin ni Bank sa kanya. Hindi pwede na aabot sila sa sex dahil masyadong mabigat na yun.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.