Theo's POV
Maaga ako nagising dahil excited ako sa event ngayon. Ako ang stylist ng isang video commercial shoot. Kahit napagod ako sa pagmimili ng mga damit na maaring suotin ng model ngayon kasi ang theme is hot, wild and sexy in a balck and white filter kaya buong araw ako nagshopping kasama si Bank. Masaya din ako kasi kasama ko si Bank at naisingit pa namin mag movie date sa sinehan kahit ayaw niya.
Para kasi siya si Dad, kung may ayaw siyang gawin tapos ako yung nag-beg, mapa-oo na.
Ewan ko ba bakit gustong gusto ko si Bank ngayon eh dati bugnutin siya tapos palaging outcast sa amin ni Kuya noong high school.
But, people do change when they fell in love.
Hindi siya bugnutin sakin, tinutulungan pa niya ko pumili ng damit at naging model ko pa siya kasi matangkad at yung appeal niya is just like Dad.
Isa sa mga rason ko ang umuwi ay si Bank dahil gusto ko siya makita ng personal kung talagang kamukha siya ni Dad and yes, he really is. Pati katawan ni Dad noon, katawan na niya ngayon maliban lang sa may tattoo si Dad. Though, kahit gusto ko na may tatto, mas bet ko naman yung malinis lang.
"Kumain ka na?" Tanong ni Bank at humalik pa siya sa pisngi.
Agad ko siya tinulak baka may makakita samin kahit gusto ko pa sana sa lips eh.
"Hindi pa. Hinihintay ko yung food. Niluluto pa kasi ng chef at saka, I got up early din." Sagot ko.
Umupo na siya sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko. Naku, kinikilig naman ako kasi may pa-ganito si Bank. Hindi pa rin nawala yung spark reaction kapag unang hawak namin sa isa't isa. Funny nga kasi kami pa talaga ni Bank ay may spark na hindi ko naramdaman sa ibang lalake na classmates ko.
"Sasamahan na kita mamaya sa studio yan ay kung okay lang sayo." Sabi niya.
"Of course, you can come with me." Sabi ko.
Mas ma-inspired pa ako kung kasama ko siya at saka gusto ko rin makita niya kung gaano ako kagaling mag style. Kung pwede nga ako na lang ang model pero ayaw ni Mom. Knowing Mom, ayaw pa niya ko isalang sa showbiz dahil ayaw niya talaga kahit okay na nga kay Dad.
Lumabas na yung chef at dala na yung food. Inimbitahan ko na din siya na sabayan kami kumain at nahihiya pa siya kaya pinilit ko at bumigay naman.
No one can resist me when ai beg.
Nagpademure pa ako kumain dahil nga nandito si Bank and first day officially in relationship kami, secret relationship, I mean.
Naisip ko na challenging at masaya din ang bawal na pag-ibig namin ni Bank but to think of, we're not blood related. Yung papel lang talaga ang naging sanhi ng secret relationship namin.
"Bank, oh... tikman mo." Sabi niya sabay subo sakin.
Of course, mapa-nganga agad ako kasi sinubo na niya kahit pareho naman kaming kinakain. Nakangiti pa ako habang ningunguya yung pagkain at saka, kinurot pa niya ang pisngi ko sabay ngiti. Para akong lumilipad sa tuwa dahil sa kilig na 'to. Kasi naman eh, si Bank.
Masaya naman kami kumain ng breakfast at kami pa lang ang nasa dining area hanggang sa dumating si Mom at agad nagbago ang pakikitungo samin.
"Good morning, Mom!" Sabay pa kami ni Bank.
Binati din ng chef namin si Mom. Naloka na! Nakalimutan namin na kasabay pala namin ang chef. Tumayo na rin siya at pumasok ulit sa kusina para ihanda yung niluto niya. Sana naman hindi nakahalata yung chef at maisip niya na bromance lang.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.