Chapter 50

820 34 5
                                    

Bank's POV

Two days after na ako nakauwi ng bahay dahil sa dami kong pasyente.

Nag-away kami ni Sab nung nalaman ko mula kay Theo yung ginawa niya. Hindi ko mapalampas yung ginawa niyang pagbabanta kay Theo kaya heto ako, galit na galit ako sa kanya.

"Shut up! Wala ng dapat ipaliwanag Sab. Alam mong hindi ko kagustuhan yung nangyari sa atin noon and don't think na may anak na tayo ay mamahalin na kita!"

Sinampal ako ng malakas ni Sab. Okay lang kahit ilang beses niya ko sampalin upang mahimasmasan siya na hindi siya ang mahal ko.

Wala akong pakialam kung masaktan siya, ang akin lang ay naging totoo na ako sa nararamdaman ko.

"Tapos ka na ba? O baka gusto mo pa ko sampalin? Gawin mo na habang may pagkakataon ka!" Medyo napasigaw ako.

"Wag mo ko sagarin Bank. You don't know me and you don't know what I can do." Sagot ni Sab habang umiiyak siya.

Hindi ko na rin gusto na ipilit ko yung sarili ko sa kanya. Si Theo pa rin ang mahal ko kahit ano man ang gawin kong pagmo-move on ay parang pagmo-move back lang pa rin ang puso ko.

"You know what's best for us... ang maghiwalay. I can't tale this anymore. Mas lalo ka lang mapa-praning sa kakaisip ng kung ano man." Sabi ko.

"Oo! Nababaliw ako sayo! Bakit ba ang hirap para sayo na mahalin ako? I did everything. Sumama ako para suportahan ka. Tinanggap ko yung desisyon mo na ipalaglag sana ang anak natin dahil alam ko mahal mo pa rin si Theo. But why? Why can't you return the favor?"

Gusto ko manapak o sumuntok pero hindi ko magagawa sa ngayon. Napupuno ako ng galit ngayon kaya napagdesisyonan ko na lumabas ng kwarto pero pinipigilan ako ni Sab at sumisigaw pa siya.

"Bank!! Wag mo ko iwan!"

Hindi ako nakinig at naglakad lang ako kahit pinipigilan niya ko.

"Ano nangyari sa inyo? Bakit kayo nagsisigawan?" Tanong ni Mom samin.

"Please Bank. Stay with me!"

Hindi pa rin siya tapos sa pagmamakaawa sakin but I never listened.

"Bank... ano ba nangyari? Ano ba pinag-awayan niyo?" Tanong ni Mom sakin pero hindi ako sumagot.

Nainis na rin ako kaya I drove Sab away from me at natumba siya. Naglakad ako paalis at hinarangan ni Dad yung daan ko.

"Walang aalis!"

Sumigaw si Dad at napahinto ako. Galit na rin siya kaya hindi ko na sinubukan umalis. Naiinis ako sa iyak ni Sab na parang kinawawa ko siya.

"Isipin niyo naman ang anak niyo. Naririnig kayo ng bata sa kabilang kwarto." Sabi ni Mom.

Hindi ako humarap kay Sab at alam ko tinutulungan siya ni Mom. Napuno na ako sa buhay ko, yung buhay ko na puno ng pagdurusa. Hindi ko naman ginusto ang lahat pero si Theo lang talaga ang tanging hangad ko.

"Ano ba pinag-awayan niyo?!"

Galit pa rin si Dad habang tinanong niya kami.

"Itanong niyo kay Bank kung bakit!" Sigaw ni Sab.

Napatingin si Dad sakin but I decided not to speak. Alam ko pipigilan niya ko na agawin si Theo kay Chen.

"Baka naman sagutin mo yung tanong ko, Bank!"

Napasinghal na rin si Dad at naiinis na rin siya. For how many years, ngayon ko lang ulit nakita si Dad na galit na galit sakin. Last time I saw this part of Dad ay nung high school pa ako.

My Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon