Chapter 8

1.5K 50 112
                                    

Cerdic's POV

Hindi ko akalain na aabot ako sa pagdududa ko... pagdududa ko nina Bank at Theo.

Nung nalaman ko na naaksidente si Theo ay nag-alala ako at hindi ko man lang masamahan ang kapatid ko dahil nasa gitna ako ng meeting. Nagtext ako kay Dad kung kamusta na si Theo at sabi niya okay na daw pero hindi pa rin ako makakasiguro na okay siya hanggang sa makita ng mga mata ko na okay talaga ang kapatid ko.

Iniwan ko kay Scott lahat trabaho ko sa araw na ito dahil nagmamadali ako umuwi para puntahan si Theo. Hindi ako hihinahon hanggat makita ko siya.

Isang oras din ang binyahe ko dahil sa traffic at nagmamadali ako pumasok ng bahay. Hindi ko na napansin yung kasambahay at dumeretso ako ng kwarto ni Theo.

"Theo?"

Binuksan ko na yung pinto at pumasok na ko. Pagpasok ko ay nakita ko si Bank na nasa sahig at si Theo naman nasa kama. Mukhang kabado pa si Theo nung nakita ako. Napatingin naman ako kay Bank at parang may iba silang ginagawa.

Simula noong nakauwi si Theo ay naging close agad sila ni Bank at hindi na siya bugnutin tulad ng dati.

Nagdududa ako na baka may namamagitan sa kanilang dalawa.

"Anong ginagawa mo dito Bank?" Tanong ko.

"Tiningnan ko lang si Theo at kinulit ko siya kaya tinulak niya ko dahil nainis ko siya." Sagot ni Bank.

Hindi naman siya nautal sa pagsagot sakin at mukhang kalmado naman pero bakit kinabahan si Theo?

"Bakit ang aga mo umuwi Kuya?" Tanong ni Theo.

"Hindi ba pwede na umuwi ako para tingnan ka? May nangyari daw sayo?"

Tumango siya.

"Hindi naman grabe Kuya kaya wag ka na mag-alala." Sabi ni Theo.

Habang nag-uusap kami ni Theo ay hindi pa rin umalis si Bank. Parang nagbabantay din siya na parang bodyguard ni Theo. Hindi rin ako kumportable na palaging dumidikit si Bank kay Theo.

"Gusto mo bumaba tayo at kumain ng ice cream?" Tanong ko.

"Wag na Kuya. Masakit balakang ko kaya hindi rin ako makakalakad ng maayos." Sagot niya.

"Kakargahin na lang kita."

Bago pa siya pumalag ay kinarga ko na siya at lumabas kami ng kwarto. Gusto ko ma-solo si Theo pero sumusunod pa rin si Bank. Medyo nainis na rin ako pero pinipigilan ko na lang at hinayaan si Bank na sumunod.

Baka nag-overthink lang ako.

Nasa dining area na kami at kinuha ko na yung ice cream at nag scoop na ako para kay Theo. Nakaupo din si Bank sa kabila.

Anong meron sa dalawang 'to?

Kinain na ni Theo yung ice cream at umupo na ako sa tabi niya. Tinignan ko lang siya habang kumakain. Hindi ko maiwasan na mapatitig kay Theo dahil ang ganda niya.

Noon, hindi ako masyado na-attract kay Theo kasi hindi naman siya maganda, katamtaman lang kahit magkahawig sila ni Mom. Kaso, nag-iba pananaw ko sa buhay nung nakita ko ulit si Theo through video call.

Hindi ako makapaniwala nung unang video call namin na mas lalo siyang gumanda at ang kinis na niya. Mas maganda at makinis pa siya ni Mom ngayon. Mga ilang minuto nga akong tulala nung nakita ko ulit si Theo.

Kaya, hindi ko maiwasan na magkagusto ako sa kapatid ko.

Sobrang excited ako nung umuwi ako ng Bangkok kasi alam ko na uuwi din si Theo. Sayang lang at hindi ako mag-gym para naman hot ako sa paningin niya kaya dinaan ko sa pagiging Kuya ang approach ko sa kanya para hindi siya makahalata.

My Sweet LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon