"Bakit mo yun ginawa?!" Napasigaw ako kay Zee nung nakabalik kami ng hotel room.
"Ang alin?"
Nag maang-maangan pa siya. Alam ko na alam niya kung ano ang tinutukoy ko. Nagtitimpi lang ako kanina dahil maraming tao sa conference na yun and I don't want to make a scene.
"Ohhh! That smack?" Tinanong niya ko.
"Wala ako sa mood na makipaglaro sayo, Zee. Sana naman marunong ka lumugar at alam mo na may asawa ako." Sagot ko sa kanya and I'm raising my voice too.
Hindi naman siya natinag sa pagtaas ng boses ko at lumapit pa siya. Napa-atras ako hanggang sa umabot na ako ng pader. He leaned forward with his arms on the wall.
"Bakit? Hindi ba pwede maagaw kita? Yung titulo nga ng lupa ay kayang maagaw, panu pa kaya ang asawa?"
Kinikilabutan ako ngayon sa inasta ni Zee. He's so serious and I can see it in his eyes.
"Enough with this Zee and I'm not playing around."
Bigla lang siya ngumisi at tumawa.
"Kahit nagagalit ka, maganda ka pa rin. Kaya siguro ang daming nagnanasa na makuha ka."
"Shut up!" Napasigaw ako at tinulak ko siya ng malakas. "Umayos ka hanggat hindi pa ako napupuno sayo."
Kinalma ko muna ang sarili ko saka ko inayos yung mga gamit ko. Baka matapon ko lang ang laptop ko kung magagalit lang ako kay Zee. Naintindihan ko naman na tinutulungan niya ko sa mga nagka-interest sakin kanina pero hindi dapat niya ko hinalikan. It's beyond the line!
"I'm sorry. Hindi ko naman inakala na maging sensitive ka sa isang smack lang. Ginawa ko lang yun para hindi ka na lapitan ng mga lalake na nagdadalawang isip na lapitan ka." Sabi niya.
Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. But still, he's crossing the line.
"Forget it! Pero ayoko na may halikan and please, mag-isip ka nga, may asawa ako at mahal ko yung asawa ko." Sabi ko.
"Noted." Tipid na sabi niya.
Biglang nag-ring yung phone ko. Unknown number... kaya sinagot ko.
"Mr. Theo Pokphand, this is from the airport customers service. I would like to inform you that your luggage has arrived. We will directly deliver it to the hotel you're staying at."
"Okay... thank you Miss."
Mabuti nalang ay dumating na yung bagahe ko.
Binaba ko na yung tawag matapos nila ako i-ninform at nag-ring naman ulit ang phone ko.
"Theo, anong ibig sabihin ng larawan na nakapost ngayon sa Facebook at sa mga news?"
Ha? Naguluhan ako sa sinabi ni Mom? Ang naalala ko lang na picture ay yung lakwatsa namin ni Zee kahapon.
"What are you talking about Mom?" Tanong ko.
"Come on, Theo. Naging sentro ka ng chismis ngayon dito sa Bangkok." Sagot ni Mom at mukhang naiinis din siya. "Check your news feeds and I'll call you later. May meeting pa ako."
Binaba ni Mom yung tawag at inutusan ko si Zee na tingnan yung news feeds niya sa Facebook account niya dahil matagal ko ng binura yung account ko.
Shiya!
Naging sentro ng chismis ang larawan namin ni Zee na nag-kiss at ang bilis naman kumalat. Hindi ko inakala na may nag-picture sa amin kanina.
"This is what I'm talking about, Zee!" Obvious na sa boses ko ang galit ko. "I have a lot of explaining to do."
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.