Hindi ako kinabahan na nandito si Singto at si Tita Queenie sa condo ko, nakaramdam ako ng kaba dahil kay Bank. Simula nung may relasyon kami ay unti-unting naging posessive si Bank sakin.
"Magkakilala na pala kayo ni Theo. That's really good." Sabi ni Tita Queenie.
"Yes Miss Queenie." Sagot ni Singto at nakangiti pa siya.
Hindi siya yung Singto na na-meet ko sa photoshoot at magkakilala din sila ni Tita Queenie.
"Siya pala photographer namin sa Prenup namin."
At pinaalam pa ni Tita Queenie sakin. Kaya pala magkakilala na sila at siguro, sikat na photographer 'to si Singto. Masyadong polite si Singto at kinikilabutan ako sa pakitang tao niya.
"Si Theo ba ang stylist mo Miss Queenie?" Tanong ni Singto.
"Mabuti nalang at natanong mo yan kasi nawala sa isip ko ang bagay na yan." Sagot ni Tita Queenie at tumingin siya sakin. Pakiramdam ko ay ako na talaga ang kukunin niyang stylist.
"Okay fine, Tita." Sagot ko at natuwa naman siya habang si Singto ay nakangisi. Ano kaya pinaplano nitong mokong na 'to?
Maya-maya ay pumasok na si Bank sa unit ko at nagulat siya nung nakita niya si Singto na nakaupo sa tabi ko. Agad ako tumayo at tinulungan ko siya sa mga bitbit niyang pagkain. Nagpaalam muna ako kay Tita Queenie na tulungan ko muna si Bank at doon kami nag-usap sa kitchen.
"Sino yun? Bagong suitor mo naman?" Tanong ni Bank sakin.
"Hindi. Photographer yun ni Tita." Sagot ko kahit alam ko kung sino si Singto.
"Wag mo ko lokohin Theo. Dadagdag na naman yun sa listahan ko!" Sabi niya.
"Come on Bank, hindi lahat ng lalake ay magkakagusto sakin."
"But not for me! Lahat ng lalake na makilala mo ay sadyang may lihim na pagtingin na yun. Kaya hindi ako kampante hanggat hindi pa tayo official." Sabi niya.
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Ganun na talaga siya nung nalaman niya na may Scott, Kuya Cerdic, at Max... idagdag mo pa si Pleum na asungot. Ang inaalala ko ay pag nalaman niya na yun si Singto na palagi ko nira-rant kay Bank ay baka mag-away kami mamaya pag umalis na sila.
Tinawag ko na sina Tita at Singto para kumain matapos namin ihanda yung pizza sa dining area.
"Bank, si Singto pala, photgrapher namin at siya din yung photographer ng photoshoot nila Theo." Sabi ni Tita Queenie.
Napalunok ako and of course, naging courteous naman si Bank pero ramdam ko yung pagkainis niya. Pero ito si Singto, two-faced man talaga! Sa photoshoot ay parang demonyo at pinagtripan pa kami ni Gun at ngayon, parang anghel na nagmula sa langit na ang sobrang bait.
Napahawak ng kamay si Bank sakin at pinisil niya. Napatingin ako at nakita kong nakangiti lang siya habang nagkukwento si Tita Queenie tungkol kay Singto.
"Nga pala, bakit ka nandito?" Nakalimutan kong itanong kay Singto.
"Oh yeah, I forgot. May isang photoshoot kasi ako next week at ikaw ang ni-recommend ko na stylist kaya nandito ako para sunduin ka kasi gusto ka makita at maka-usap ng client." Sagot niya.
Wait, talaga yun ba ang pakay niya?
As far as I know, si Gun ang unang makakaalam ng mga appointments ko o may dapat akong tanggapin na trabaho.
"Ohh... bakit hindi alam ni Gun 'to?"
"Kailangan ba?" Tanong niya sakin na nakangisi pa. Ang sarap upakan! "Ako ang nagrecommend kaya ako ang magsasabi sayo."
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.