Iba ang tibok ng puso ko nung nakita ko ulit si Theo. Hindi ko ma-deny na maganda din siya katulad ni Mom. Yung kinis ng balat, yung pagkaputi niya, yung pinkish lips, yung malambot niyang kamay, at higit sa lahat, pumayat siya.
Hindi ako mapakali ngayon sa kinaupuan ko dahil katabi ko si Theo. Nasa gitna siya namin ni Kuya Cerdic at si Kuya naman, papansin siya kay Theo.
"Talagang nagpapayat ka Theo." Sabi ni Kuya.
"Oh di ba, effective yung pagdiet ko. Pero minsan, di ko mapigilan na kumain ng madami kaya kinocompensate ko na lang sa pag-exercise." Sabi ni Theo.
Napatingin talaga ako sa mukha niya at yung ngiti niya ang ganda tingnan. Kaya siguro excited si Kuya Cerdic na makita ulit si Theo dahil sa pagbabago niya. Pati ako, napa-nganga sa bagong hitsura ni Theo na dati, chubby pa siya.
Pero, hindi pa rin nawala yung pagka-madaldal niya dahil sa buong biyahe namin ay kwento siya ng kwento hanggang sa nakauwi kami.
Ako yung unang lumabas at sumunod si Theo ng bigla siyang na-out balance at mabuti nalang nahawakan ko yung kamay niya kahit bumalik naman yung spark reaction na yun.
"Thank you, Bank." Sabi niya at ngumiti.
Parang naaakit ako sa ngiti niya at gusto ng sistema ko na makita ulit yun. Pumasok na si Theo at inakbayan pa siya ni Kuya. Sumunod na lang ako dahil nakaramdam ako ng hiya kay Theo.
Sinalubong siya ni P'Dott at medyo pareho kami ng reaksyon nung nakita niya si Theo. Napatingin pa si P'Dott kay Mom dahil nga magkamukha na sila.
"Wayo, umaapaw talaga ang genes mo kay Theo." Sabi ni P'Dott.
Napatawa pa si Mom nung sinabi ni P'Dott yun.
"Bakit ka pumayat? Pag-alis ko ng bahay mataba ka pa pero anong nangyari?" Tanong ni P'Dott.
"Nagpa-fit lang ako P'. Ayoko din na mataba ako lalo na't papasok na ako sa showbiz."
Kaning lang ay nakangisi si Mom pero biglang nag-iba yung reaksyon ng mukha niya. Napansin ko pa na pinisil ni Dad yung braso ni Mom dahil alam niya na mag-react si Mommy.
"Pareho kayo ni Bank. Nagpa-muscles na!" Sabi ni P'Dott.
Hindi na ako naka-react dahil ayoko pa humaba yung usapan. Niyaya na kami ni P'Dott para mag-lunch at ayon, gaya ng pagdating ni Kuya Cerdic ay maraming kwetuhan. Pero, napansin ko na medyo binibaby ni Kuya si Theo. Siya pa 'tong naglagay ng mga pagkain para kay Theo habang si Theo naman ay umaayaw na.
"Bank, bakit tahimik ka?" Tanong ni Theo sakin.
Hindi ako sumagot dahil naiilang ako. Sa tuwing mapatingin ako kay Theo ay bumibilis ang tibok ng puso ko.
Bakit ganito? Dapat kay Mom lang ako makaramdam ng ganito.
"Theo, ano balak mo bukas? Gusto mo mamasyal tayo?" Tanong ni Kuya.
"Magpahinga muna ako Kuya. Mag-aadjust pa ako ng sleeping hours ko kasi magka-iba dito at sa London." Sagot ni Theo.
"Mabuti magpahinga ka nga anak. Mag day-off na rin kami ng Mommy mo bukas at iimbitahin natin yung Lolo mo at si Queenie." Sabi ni Dad.
Pumayag naman si Theo at si Kuya sa balak ni Dad. Hindi na nila ako tinanong kasi ako lang naman ang nagpaiwan dito. Isang salu-salo lang ang gusto ni Mom kasama yung pamilya namin at mga kaibigan nila.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat na kami. Si Kuya Cerdic panay dikit kay Theo at ayaw humiwalay. Siguro, na-miss lang niya ang kapatid niya. Nung pumasok na kami sa kanya-kanyang kwarto ay bigla ako hinawakan ni Theo sa braso pero napabitaw siya agad.
BINABASA MO ANG
My Sweet Love
FanfictionBook Two: Sequel ito ng My Fair Prince at umiikot na ang storya sa buhay ng magkakapatid.